Chapter 1

7.8K 249 13
                                    

Kinakabahang pumasok si Ivy sa elevator ng building ng Schmidt Empire. She's nervous and scared. Sa totoo lamang ay ayaw niyang magpakasal sa lalaking iyon dahil natatakot siya.

She's scared of getting near to anyone pero wala siyang magawa dahil iyon ang utos sa kaniya ng daddy niya. And it would do her no good kung susuwayin niya iyon.

He is a scary man. A very, very scary one at that.

Nakatungo siya sa loob ng elevator habang nakatingin sa traveling bag na dala dala niya. Pinagimpake siya ng daddy niya ng mga damit dahil simula raw ngayon ay doon na siya titira sa bahay ng mapapangasawa niya at nakadagdag lamang ang impormasyong iyon sa kabang nararamdaman niya.

Halos mapatalon siya sa kinatatayuan nang biglang tumunog ang elevator. Hudyat na narito na siya sa pinakataas na floor ng building.

Nang lumabas siya sa elevator ay naglakad siya patungo sa babaeng nakaupo sa tapat ng lamesa nito.

"U-Uhm, is Quinten Coen Schmidt here?" Kinakabahang tanong niya sa babae at nag angat naman ito ng tingin sa kaniya.

"Do you have an appointment with him?" Tanong nito sa kaniya kaya naman umiling siya.

"Then you cannot see my boss." Finality was visible in her voice.

Naisipan niyang umalis at umuwi na lang pero naalala niya ang paalala ng tatay niya sa kaniya. Na huwag na huwag siyang gagawa ng bagay na ikagagalit ng mapapangasawa niya. At nasisigurado niya na kapag umuwi siya sa bahay nila ay mapapagdali lang siya ng tatay niya.

"I-I need to talk to your boss. Tell him that Ivy Blythe Lewis is looking for him." Nagtatapang tapangang aniya at kaagad naman na nanlaki ang mga mata ng babaeng kaharap.

"Oh God! Sorry madam. I didn't knew that you're Ms. Lewis. Please proceed to Sir Schmidt's office. There's the door." Magalang na anito sa kaniya kaya naman nagmamadali niyang tinahak ang landas patungo sa tapat ng pintuan ng opisina nito.

Huminga muna ng malalim si Ivy bago ito kumatok sa pintuan at pumasok doon. Pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina ay kaagad na naamoy niya ang panlalaking pabango na tila ba bumabalot sa kabuuan ng opisina. Kaagad na lumibot ang mata niya at tumigil ito nang makita ang isang lalaki na seryosong nakatungo habang may mga binabasang papel.

Kaagad naman na nag-angat ng tingin ang lalaking iyon at para bang nahigit niya ang kaniyang hininga. She's nervous. She's scared. She feels like crying.

"You're here." Biglang anito at mas lalo siyang kinabahan. His voice can freeze someone.

It was a cold, dark and husky voice. A very sinister one. She can feel the chills in her spine after she heard him spoke.

Pakiramdam ni Ivy ay mamamatay na siya sa kabang nararamdaman niya. She's terrified. And he looks scary. He sounds scary and everything around him is scary.

Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya kaya naman lalo siyang tiningnan ng lalaking kaharap. Narinig niya pa ang pagbuntong hininga nito bago ito magsalitang muli.

"Sit there first. Tatapusin ko lang itong mga ginagawa ko bago tayo umalis." Utos nito sa kaniya na kaagad niya namang sinunod.

Tahimik siyang naupo sa couch na nasa loob ng opisina nito at yumuko. She played with her nails at nanatiling tahimik. Ayaw niyang maabala ang lalaking iyon. Ayaw niyang makagawa ng bagay na alam niyang ikakagalit ng ama niya sa kaniya.

Her father is really scary when he's angry. And just the thought of him getting angry at her frightens her already. Although Francis is not her biological father, and there's a complicated story as to why she calls him dad, wala siyang ibang choice kung hindi ang sundin ang gusto nito.

Splintered Hearts 1: Quinten Coen [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt