Chapter 40

2.7K 120 35
                                    

Yesh arrived at Zeke's deluxe. The sun is setting, and she wants to quickly finish her talk with Quint.

Ayaw na niyang pahabain pa ang usapan nila kaya naman she tried to compose what she's going to say. She had already visualized herself talking to Quint, over and over again. She wants to finish things as smoothly as possible.

A few minutes after she arrived, she saw Quint walking in. Quint sat on the chair in front of her. She purposely chose this table, para hindi sila magkatabing mag-usap ng binata.

"Quint, let's break up." Seryoso ang boses na sambit ni Yesh habang nakatingin sa binatang nakaupo sa harap niya.

Kitang-kita niya kung paanong nanlaki ang mga mata ng binata na para bang hindi ito makapaniwala sa narinig nito.

"What? Why?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya.

Hindi niya naiwasang mapangisi dahil sa hindi siya makapaniwalang nagawa pa nitong magtanong.

"You already know the answer to that question. Huwag na nating pahabain pa ang pag-uusap natin." Malamig ang boses na sambit niya sa binata na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabawi sa gulat dahil sa sinabi niya.

Walang kabuhay-buhay na tumingala siya at pumikit nang maramdaman niya ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

"But why?" Rinig niyang tanong nito makalipas ang ilang segundo ng katahimikan kaya naman hindi maiwasan ni Yesh na mapahilot sa sentido niya at mapabuntong hininga.

"Let's not talk about that, just, let's break up." Sagot niya rito at tumayo.

She was about to leave when Quint grabbed her hand kaya napalingon siya sa binata.

"Tell me why. What did I do wrong? Dahil ba noong nangyari sa bahay ko? Akala ko ba kaya tayo mag-uusap ngayon ay para pag-usapan 'yung problema at ayusin? Why are you suddenly breaking up with me?" Dere-deretsong tanong sa kaniya ng binata at hindi niya mapigilang muling mapabuntong hininga.

She felt a few pairs of eyes land on them. 

"Let's talk in the car. Nakakahiya sa ibang customers kung dito tayo mag-aaway." Sambit ni Yesh at inalis ang pagkakahawak ni Quint sa kamay niya.

Nauna na siyang maglakad sa binata at nang makarating sila sa parking, Yesh went inside Quint's car. She heaved a sigh nang makasandal siya sa sandalan ng passenger's seat.

"Tell me why. Anong nagawa ko? Anong problema? Can't we fix this, kung ano mang problema?" Tanong sa kaniya ni Quint nang makapasok ito sa loob ng sasakyan.

"You..." Panimula niya.

"You never really knew who I am, or you stopped trying to know who I am." Malungkot ang boses na sambit ni Yesh kay Quint na mukhang nagulat sa sinabi niya.

Tumingin siya sa binata at mukhang iimik ito pero inunahan niya itong magsalita.

"Ever since you made me live in the shadow of that woman. I knew that you see her instead of me whenever we were together." Panimula niya at kita niyang bumuka ang bibig ni Quint para magsalita pero walang salitang lumabas sa bibig nito kaya naman gusto niyang matawa.

I thought so.

"I knew that you really didn't saw my worth. You had no idea as to how worthless you made me feel Quint. I knew that you were still thinking of the times that you and Ivy had while you were together. Hindi ko alam kung bakit, because honestly, we were fine." Pagpapatuloy niya at bumuntong hininga.

"Ayos tayo noong simula. You were perfect. Hindi mo ipinaramdam sakin na kulang ako. Hindi mo rin ipinaramdam sakin na nabubuhay lang pala ako sa anino ng nakaraan mo." Aniya at nag-iwas ng tingin sa binata.

Splintered Hearts 1: Quinten Coen [COMPLETED]Where stories live. Discover now