Chapter 13

4.3K 156 30
                                    

Hi loves! Ready na ba kayo umiyak? Mag ready na kayo ng tissue kasi malapit lapit na tayo. Wag kayong mag-alala, kahit papaiyakin ko kayo mahal ko kayo. Hahahahaha. Love y'all! ❤️

—-

Ivy yawned as she sat on the bed. Tinatamad pa siyang bumangon kaya naman inabot niya na lamang ang remote at nagbukas ng tv.

Nagpalagay kasi si Quint ng tv sa kanilang kwarto, para daw kapag nagpapahinga siya kapag masama ang kaniyang pakiramdam ay may mapapagkaabalahan siya.

Nang magising siya ay hindi na niya katabi si Quint. Wala namang note na iniwan ito sa bed side table kaya malamang ay nasa kung saan mang parte ito ng bahay.

Ivy pulled the huge panda beside her and hugged it as she continued to switch the channels. Nang makita niyang tom and jerry ang palabas sa cartoon network ay nakangiting binitawan niya ang remote control at patagilid na humiga sa kama habang yakap yakap niya ang panda na binili ni Quint para sa kaniya.

Quint smiled as he finished putting the foods on the tray. Mayroong pancakes, fresh fruit salad at gatas na para sa buntis na para kay Ivy, habang ang kaniya naman ay cereal at fresh milk na nasa pitsel.

He was humming as he walked on the stairs at nang makarating siya sa may kwarto nila ay kita niya si Ivy na nakahiga at tumatawa sa kama habang yakap yakap ang panda na pinabili nito.

The scene melted his heart. His kitten is so cute. Umagang-umaga pero pinapatibok na kaagad nito ng sobrang bilis ang puso niya.

She can really make him breathless. Effortlessly.

Ni hindi man lamang nito napansin na nakapasok na siya sa kwarto dahil tutok na tutok ito sa pinapanood nito. Nang tingnan niya ang tv ay napailing na lang siya habang nakangiti nang makitang tom and jerry ang pinapanood nito.

Nang mailapag niya ang tray sa bed side table ay umupo siya sa kama at marahang pinisil ang pisnge ni Ivy. And it was enough to get his fiance's attention.

Lumingon ito sa kaniya at nang makita siya nito ay malapad ang ngiti nito na umupo sa kama.

"Good morning." Nakangiting sambit nito sa kaniya kaya naman napangiti rin siya.

"Goood morning to you too." Quint said as he tucked a few strands of Ivy's hair behind her ear.

"And good morning to you too baby." Sambit pa niya as he ducked down and kissed Ivy's stomach, which made his fiance giggle.

Hindi pa nagkakaroon ng baby bump si Ivy, at excited na siyang makita ang magiging baby bump ng fiance niya.

"Aww, ang sweet naman ng daddy mo baby. Good morning daw." Natatawang sambit ni Ivy kaya naman napatawa rin siya.

Kinuha niya naman ang tray na nasa bed side table at inilapag iyon sa kama.

"Let's eat. Kailangan na natin mag breakfast, lalo ka na." His voice was gentle as he talked to his fiance. Like someone coaxing a child.

Quint watched as Ivy ate the pancakes. She was like a kid eating kaya naman nakangiti lang si Quint habang pinapanood ang pagkain ng fiance niya.

He then opened the box of cereal at naglagay sa bowl, then he added milk.

He was about to eat when he saw Ivy staring at her with pleading eyes.

"Gusto ko din niyan." Parang batang sambit nito kaya naman napailing na lang si Quint.

Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang subuan si Ivy habang kumakain rin ito ng pancake o kaya ng prutas na ini-slice niya para rito.

It made his heart swell, that his kitten is eating heartily with him.

Splintered Hearts 1: Quinten Coen [COMPLETED]Where stories live. Discover now