Chapter 31

2.7K 100 16
                                    

"Aray ko! Punyeta ka Capetian!" Naghagalpakan sila ng tawa nang magreklamo si Flynn dahil pinitik ito ni Riley sa noo ng tatlong beses.

"Bakit ka ba nagagalit? Talo ka kaya malamang pipitikin kita. Tanga ka ba?" Nakangising tanong ni Riley dito kaya napahilot na lamang si Quint ng sentido.

Naglalaro ng baraha sina Riley, Flynn, Joziah at Pierre habang sina Quint naman ay pinapanood lamang ang mga itong magbangayan na parang mga bata. 

"Bakit ba naman kasi pusoy dos ang nilalaro natin?" Nagtatakang tanong ni Flynn.

"Dahil 'yun ang gusto kong laruin, bakit ba ang liligalig niyo?" Kaagad na sagot ni Riley at sinamaan naman ito ng tingin ng tatlong kalaro nito habang sila ng iba niyang kaibigan ay pinapanood lang ang pagbabangayan ng mga ito habang tumatawa.

"Dude, maawa ka sa ibang kaibigan natin. Dapat din nilang maranasang mapitik." Sambit ni Pierre na kaagad namang sinuportahan ni Joziah.

"Precisely Capetian."

"Mag-poker na lang tayo." Suhestiyon ni Flynn at nagkibit balikat naman si Riley.

"Okay. Basta kapag natalo ka wag kang iiyak iyak diyan." Pang-aasar nito kay Flynn na agad namang umingos kay Riley.

"Kapag nanalo ako, hindi lang pitik ang gagawin ko sayong punyeta ka." 

"Oh siya, oh siya, kung sinong mananalo pipitikin ng tig-iisa yung tatlong may pinakapangit na barahang hawak." Sambit bigla ni Lexious at nagsimangutan naman ang mga kaibigan niya habang si Quint ay napapatawa dahil alam niya kung bakit sumimangot ang mga ito.

"Dude, hindi ka pwedeng sumali. Over qualified ka." Seryosong sambit ni Zachary kaya napailing na lamang si Lexious.

"Fine. Mga duwag. Ako na lang ang dealer." Pagsuko nito sa mga kaibigan nila na kaagad namang nagliwanag ang mukha.

"Are you gonna play din?" Tanong sa kaniya ni Yesh kaya naman napatingin siya sa dalaga.

"Hmm, siguro mamaya." Sagot niya rito pero kaagad siyang hinila ni Riley patayo sa inuupuan niya.

"Walang mamaya mamaya. Tara, mamimitik tayo ng mga bulok nating kaibigan." Sambit ni Riley at narinig niya namang natawa si Yesh.

"Go. Go make me proud." Anito kaya naman napangiti siya.

"Yes ma'am. Make sure you watch me, schatz." Sambit niya rito at mabilis na hinalikan ang noo nito bago siya nagpatianod sa paghila sa kaniya ni Riley.

"Sure ba kayong lahat tayo dapat maglaro?" Rinig niyang tanong ni Daemon.

"Sure, seventeen lang naman tayo excluding Lexious. So, we'll have two each and that would be thirty-four plus the five that Lexious would open so thirty-nine. Dude, fifty-two ang laman ng isang deck kaya huwag ka nang mag-isip ng palusot para hindi sumali." Kaagad na sagot naman ni Zachariah kaya napailing na lamang siya at umupo sa isa sa mga upuan.

Nang matapos mamigay ni Lexious ng baraha ay sinilip lang ni Quint ang baraha niya at nangalumbaba sa lamesa habang hinihintay niyang matapos magbukas ng baraha si Lexious.

Lexious opened a two of hearts, then a seven of hearts, a nine of diamonds, a two of spades and an ace of hearts.

Nagsimulang magpakita ng hawak na baraha ang mga kaibigan niya hanggang si Quint na lang ang natitirang hindi pa nagpapakita kaya naman itinihaya niya ang baraha niyang nakapatong sa lamesa and it was a six of hearts and a ten of hearts.

"Bwisit, ang malas, bakit si Quint ang nanalo?" Dismayadong tanong ni Zeke kaya naman napahagalpak siya ng tawa.

"Ano? Flynn? Paano ba 'yan? Pipitikin ka rin ni Quint? Bumibinggo ka na ah." Natatawang tanong ni Riley na kaagad namang nakatanggap ng masamang tingin mula kay Flynn.

Splintered Hearts 1: Quinten Coen [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu