CHAPTER 5

64 3 0
                                    

Ngayong araw ang start na klase namin. Hindi ko na namalayan ang 1 week program ng school. Masyado akong naging masaya sa naging date namin ni Arjon. Hindi na rin ako masyadong nakisalamuha. I'll make friends naman kapag nag start na ang klase eh.

Kagaya ng inaasahan ay mga simpleng pakulo ang mga teacher about introduce yourself kineme. Nagpakilala lang din 'yung ilang teacher at sinabi ang rules nila sa klase, pati na rin 'yung grading system and such. Dahil hindi pa naman nag s-start ng lesson 'yong mga teacher ay hindi maiwasang lumipad-lipad ang utak maging ang mata ko kung saan-saan.

Napansin ko tuloy 'yung babae kong kaklase na napatutulog. Napailing na lang ako. First day na first day natutulog. Nasa harapan ko lang pa naman siya kaya hindi ko maiwasang hindi pansinin. Nakakahawa pa naman ang antok!

Gigisingin ko sana siya kaya dahan-dahan kong inextend 'yung kamay ko para kalabitin siya ngunit sakto naman na nakita ako ng teacher na nagsasalita sa unahan. Sa akin siya unang tumingin at pinanlakihan ako ng mata. Agad naman akong umayos ng upo.

Tumikhim siya at naglakad papunta sa direksyon namin. Tinignan niya ang seating arrangement na hawak niya para tignan ang pangalan ko na nakasulat doon base sa kung saan ako nakaupo.

"Miss Delos Reyes," aniya, agad naman akong napatayo, Patay. Pahamak 'tong kaklase ko, kainis.

Kasunod noon ay tinuktok niya ang lamesa ng kaklase kong napapatulog. "Miss Madison," tawag niya rito. Gulat na napatayo ito at tila ba nawindang pa sa pagkakatawag sa kanya ng teacher.

"Ma'am," usal niya. Halata sa boses niya ang kaba at antok, habang ako, iniisip ko pa rin kung bakit ako nakatayo. Wala naman akong ginagawa ah?

"You two, may now go out," aniya na ikinalaki ng mata ko. Bakit ako nadamay?!

"Ma'am, b-bakit ako--"

"I said go out, now!" Mag eexplain pa sana ako pero hindi na niya ako hinayaang magsalita. Grabe, hindi 'to makatarungan!

"Sorry ma'am," ani Madison. Wala na rin akong nagawa kundi lumabas.

"Kadi-discuss ko lang ng rules at kasama doon ang huwag matulog at makipaghuntahan sa katabi during the class, and it turns out na mayroon agad na sumuway!" dinig ko pang saad niya habang palabas kami ng room.

Pambihirang first day 'yan!

Masama man ang loob ay wala na rin naman akong magagawa. Lumabas na lang ako kasabay ng kaklase ko. Nang makalabas kami ay tinignan ko siya na nagkukusot pa ng mata na tila ba bagong gising. Napansin naman niya 'yon at bahagyang nagulat sa sama ng tingin ko sa kanya. Napailing na lang ako at naglakad palayo. Gagamitin ko na lang ang natitirang oras para mag-chill.

"Sandali lang!" narinig ko pang tawag niya sa akin. Narinig ko rin kung paanong tumakbo siya papalapit sa akin. I guess, my first day wasn't that good.

"Ano na naman, Madison?" inis na tanong ko nang makalapit siya sa akin. Hindi ko siya tingnan at nagpatuloy lang sa paglalakad habang siya e' sumasabay sa akin.

Natigil lang ako sa paglalakad nang harangin niya ang daan ko at ilahad ang kamay niya sa akin.

"Ellie!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano ba'ng ginagawa nito? "Surname ko 'yung Madison!" nakangusong saad niya. Doon ko naman na-gets. I see. Napatango na lang ako at inabot ang kamay niya.

"Rania," sagot at saka muling nagpatuloy sa paglalakad. Masama pa rin ang loob ko 'no! Huhu.

Napainling na lang ako nang sundan niya pa rin ako. Ang kulit pala niya. I realized that Ellie isn't that bad. Maganda siya pero hindi kikay. Simple lang. Hindi rin siya dugyot na kagaya ko. Kahit hindi siya mag ayos ay natural na maganda siya, matangkad rin. Marami siyang kinuwento at halos malibot na namin ang school.

Matagal na raw siyang nag-aaral dito, since elementary e' estudyante na siya ng Antonio E. Vazquez Academy. Unti-unti akong naging familiar sa school dahil sa mini tour na ginawa namin.

"Nakapunta ka na sa likod ng main building?" tanong niya nang tumigil kami para sandaling magpahinga.

"Anong meron d'on?" tanong ko.

"Hindi 'yon masyadong pinupuntahan ng mga estudyante. Sa laki ba naman ng AEVA e' talagang hindi na mapapansin ang ganoong lugar. Pero maganda 'yon. That is my favorite spot here in school. Para kasi siyang secret garden," kwento niya. Na-curious din tuloy ako sa itsura ng sinasabi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. Alam ko na agad ang gusto niyang mangyari.

"Punta tayo ro'n!" aniya at hinila ako. Napailing na lang ako at nakangiting tumakbo kasama niya. Halos walang taong nag gagala sa campus dahi class hours kaya feeling ko e' sa amin ang ang buong lugar at pwede kaming tumakbo o kung anuman ang gawin.

Binitawan niya ang kamay ko at umikot-ikot habang nakalahad ang braso at dinadama ang hangin.

"Eto ba 'yon?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa pamilyar na paligid.

"Oo, ang ganda 'di ba?" sagot naman niya.

Ngumiti na lang ako at tumango. I've already been here. Dito ko nakita si Lexi at Arjon noong unang araw ng program ng school. I don't think I'll love this spot like Ellie.

Inenjoy ko pa rin ang ganda ng paligid dahil mukhang enjoy na enjoy dito si Ellie. Naagaw lamang ang atensyon ko sa isang piit na sigaw mula sa kabilang side ng building. Kumunot ang noo ko at sabay kaming nagkatinginan ni Ellie. Sabay kami na sumilip sa edge ng building para tignan kung ano'ng nangyayari sa kabilang side.

"Alam mo, ang kapal din talaga ng mukha mong isipin na magugustuhan ka ni Arjon, ano?" bulyaw ng isang matangkad, maputi at mukhang mataray na babae sa isa pang babae na nakasampak sa damuhan.

Nakahalukipkip ang mataray na babae kasama ang dalawa pa nitong kaibigan na pinagtatawanan ang kaawa-awang babae.

Pinagmasdan ko 'yong babae ng nakasalampak sa sahig. Maganda rin siya, makinis, maputi, mahaba ang itim at makintab na buhok, may kalakihan 'yung anoooooo--err sana all, at kita sa pigura ng suot niyang uniform na maganda ang katawan niya.

"Zhaia?" ani Ellie habang kinikilatis ang babae. Nang tila ba makumpira na ito nga ang kakilala ay bumuntong hininga siya at umilling. "Tara na, Rania," saad niya na bahagyang ikinagulat ko.

"Huh? Hindi natin siya tutulungan?" naguguluhang tanong ko.

"Wala tayong magagawa diyan, 'teh. Huwag na lang tayong makialam. Tara na," aniya at sapilitan akong hinila.

"Te-teka, sino siya? Sino ba sila?" tanong ko. Bumuntong hininga siya at muling sinilip ang babae.

"The girl on the ground was Zhaia Allivongaz. Classmates kami noong grade 9. 'Yung babaeng maldita na nakatayo, that is Camilla Sanchez together with her minions. Siya 'yong admin ng fanpage ni Arjon Vazquez, I'm sure kilala mo si Arjon. Camilla has been his die hard fan ever since. Okay na sana kaya lang binubully niya 'yung mga babaeng dinedate ni Arjon." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"D-D-Dinedate?!" kabadong tanong ko. Ngumuso siya at tumango.

"Zhaia and Arjon dated last month, pero once lang. Viral sa fanpage 'yon kasi maraming nakakita sa kanila," saad pa niya.

"Bakit sila nag date? Akala ko Arjon is into Lexi? Naging sila ba?" sunod-sunod na tanong ko.

"Paminsan-minsan kasi, nag de-date si Arjon ng fan na napapansin niya. Alam mo, fan service, way of giving thanks. Marami namang sikat ang gumagawa n'on. Tapos ayon, binubully ni Camilla 'yung mga dine-date niya."

Hindi ko alam ngunit agad akong binalot ng takot sa sinabi niya. Nag flashback pa sa 'kin 'yung date namin days ago.

"Oh, bakit ganiyan itsura mo?" tanong niya at tinawanan ako. "Ano ka ba, huwag kang mag alala, hindi ka naman nila ibu-bully, basta huwag ka lang makikipag-date kay Arjon!" saad niya at bumungisngis.

You're totally screwed. Rania. 

A Guy In Disguise (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon