CHAPTER 15

154 14 2
                                    

Tumingin muna ako sa likod para siguraduhing nakatago si Lexi--este si Tiam bago ko buksan ang pinto para kay Arjon.

"Arjon," tawag ko sa pangalan niya pero siniringan at hinawi lamang niya ako bago dumiretso sa loob.

"Lexi?" tawag niya. Agad naman akong pumunta sa harapan niya para harangin siya.

"Wala dito si Lexi— Arjon hindi ka puwede dito," pigil ko at halos manlambot ang tuhod ko nang balingan niya ako. Napakunok ako, he's still my crush, eh!

"Why would I believe you, liar?" sagot niya dahilan para maibaba ko ang tingin ko. Galit pa rin siya sa akin. Pang sa loob na para bang hindi na niya ako mapapatawad.

"Please just leave. Lexi isn't here, kakaalis lang niya." Kahit na ayokong mag sinungaling ay wala akong choice. Mahirap na na malaman ng iba lalo ni ni Arjon ang lahat. Siguradong isusumpa niya si Tiam.

Muli siyang tumingin sa paligid kaya naman lumingon din ako. Nahagip ng mata ko ang bagay na hindi dapat nakakalat sa kama ni Tiam.

'Yung wig!

Napaka balahura mo talaga, Lexi!!!

Halos mag panic ako at kahit gusto kong paalisin si Arjon nang maayos ay wala akong ibang choice kundi ang paalisin siya nang sapilitan.

"Sige na Arjon," pakiusap ko at sinisikap na harangan ang paningin niya "Wala talaga si Lexi dito," pamimilit ko pa kahit na ayaw niya namang makinig. Kinakabahan ako, dahil maaring anumang oras ay mapansin ni Arjon 'yong wig at mag taka siya. Kainis na wig 'yan pahamak sa buhay, eh!

"I need to check if you're telling the truth," saad niya at nag simulang humakbang muli papasok. Binalingan niya yung table kung saan kami nag co-coffee ni Tiam. Nandoon pa 'yong dalawang kape na umuusok sa init. Tinignan niya ako na para bang sigurado na siya na nagsisinungaling ako. Agad na dumaloy ang kaba sa sistema ko.

"Just leave, Arjon," utos ko at sinisikap na hindi ipahalata ang kaba ko.

Dahan-dahan siyang nag lakad papunta sa area kung nasaan yung dalawang bed, nasa kaliwa ang kay Lexi at nasa kanan naman ang sa akin.

Nagtatakang ginalaw pa niya ang nakasabit na kurtina o 'yong border namin.

"Arjon, please, you're invading our privacy," sabi ko habang nakatingin sa wig na nasa kama ni Lexi. Balahurang lalaki kase eh! Hindi nagliligpit.

Marahng hinawi ni Arjon ang kurtina pero bago pa man tumambad sa kaniya ang kama ni Lexi kung nasaan ang wig ay biglang bumukas ang pinto ng C.R. na pareho naming ikinagulat ni Arjon.

Lumabas si Lexi na nakatapis lang ang katawan habang ang ulo ay may nakapakot na towel.

"Omo . . ." mahinang usal ni Lexi na napatakip pa sa bibig niya. Agad na namula ang pisngi maging ang tenga ni Arjon at agad itong nag-iwas ng tingin, napa-nganga nalang ako sa mga nasaksihan.

"I'm sorry, Lexi, sorry. . ." mautal-utal at halatang hiyang-hiyang paad ni Arjon. Gusto kong matawa sa senaryong ito pero pilit kong pinigil at lumapit kay Arjon para iginiya siya palabas.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo e . . ." bulong ko habang iginigiya siya palabas ng pinto. Mahina lang iyon pero hindi ko inasahan na maririnig niya.

Humarap siya sa akin na ikinagulat ko. "Still, you lied," he replied. Napanguso na lang ako at nag-iwas ng tingin. Agad kong isinara ang pinto nang lumabas siya.

Huminga ako ng malamim at muling humarap kay Tiam. Ako naman ngayon ang napaiwas ng tingin dahil sa suot niya. Napaka unpredictable niya talaga.

"Ma-mag bihis ka na nga." Nag iwas ako ng tingin at nagsimulang ligpitin 'yong pinag-kape-han namin. Bumalik siya sa C.R. para mag bihis at nagsimula na akong mag handa para sa pag pasok.

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now