CHAPTER 16

167 16 1
                                    

"Alam mo, Tiam, hindi mo 'ko puwedeng basta na lang hilahin sa kung saan-saan kapag gusto mo. Siyempre may mga ginagawa din ako, at may kasama ako. Paano na si Ellie do'n--"

"Ang ingay."

Inis na bumaling ako sa kaniya. "Nakakainis ka," saad ko saka kumagat sa sandwich na hawak ko. Nasa bleachers kami ngayon habang nanonood ng practice ng soccer players. Dito na rin namin napagpasyahang kumain.

"Why did he called you liar?" Napalingon muli ako sa kaniya. Napaisip naman ako sa sinabi niya kaya hindi agad ako nakasagot. "Arjon," dagdag niya kaya naman mas luminaw sa 'kin ang lahat. Sorry, medyo slow.

Kunyaring natawa pa ako bago sumagot. "Did he?" pagkukunwari ko. Alam ko naman na 'yung kanina ang tinutukoy niya. I just don't wanna tell him about it.

"Don't play dumb. I heard it," aniya. Hindi naman talaga imposible na marinig niya iyon dahil maliit lang ang dorm namin at may kalakasan pa ang boses ni Arjon.

Napangiwi na lang ako. "Wala 'yon," sagot ko na lang. I don't wanna make him feel bad kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit nagalit sa akin si Arjon. Isa pa, hindi naman niya kasalanan 'yon. Hindi na niya rin kailangang malaman na pinagtakpan ko siya para lang hindi masaktan si Arjon . . . na mas gugustuhin ko pang magalit sa 'kin si Arjon kaysa magdusa sa katotohanang hindi naman talaga tinatanggap ni Lexi 'yung mga ibinibigay niya. Baka isipin pa niya na ang engot ko.

"Tss," usal niya na halatang hindi naniniwala. "Speaking of the gay." Napatingin ako sa gay na sinasabi niya. Si Arjon.

Wow ha, ngayon si Arjon pa ang gay? Kaltukan kita, eh.

Ngumiti ako nang makita ang hinahangin at magulo niyang buhok. Mabilis ang takbo niya at nahahapit ng hangin ang t-shirt na suot niya na ginagamit nila pang P.E. Mula dito ay tanaw na tanaw ang maganda kahit medyo payat niyang katawan, tapos siyempre, kahit medyo payat siya e' may Abs-cbn din hehe.

"Lexi!" paglapit ay ani Arjon. Halata sa mukha ni Lexi ang kawalan ng interes habang ako, heto, nganga, nag aantay na mapansin niya kahit na isang tingin lang.

Bakit ba napaka unfair ng mundo? Kung sino 'yong walang gusto sa 'yo, siya 'yong nagugustuhan mo, tapos kung sino naman 'yong nandyan para sa 'yo, siya naman ang 'di mo naman napapansin. I pouted. Kailan kaya ako magugustuhan ni Arjon? Darating pa kaya 'yon?

Tumayo si Lexi at iginiya siya ni Arjon sa ilang hakbang makayo sa akin. Pabulong lang sila kung mag-usap kaya kahit gusto kong makinig ay hindi ko naman masyado maintindihan. Yeah, I know the word privacy.

Pinagmasdan ko lang sila. Ang ang walang expression na mukha ni Lexi, tapos si Arjon naman na tila excited sa sinasabi.

Pero halos mahulog ang puso ko sa mga sumunod na kaganapan.

Napalunok ako habang pinapanood kung paano hinila ni Arjon 'yong kamay ni Lexi papalapit sa kaniya. Agad na dumaloy ang kaba sa sistema ko kahit na hindi naman ako ang nasa kalagayan ni Lexi.

SHEMAY!

Napakalapit nila sa isa't-isa. Konting galaw na lang ay hindi malabong mag dampi ang mga labi nila. Gulat ang reaction ni Lexi habang si Arjon naman ay nakatitig lang kay Lexi. Ako? Well, my eyes literally grew bigger, and I started panicking.

HINDI KO HAHAYAANG MADUNGISAN ANG KISSABLE LIPS NI ARJON!

Hindi na ako aware sa sarili ko. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na mabilis na lumapit sa kanila.

"S-Sandali, sandali!" Agad na namagitan ako sa kanilang dalawa.

Mabilis na lumayo si Lexi habang si Arjon naman ay namumula ang tenga na nag iwas ng tingin.

A Guy In Disguise (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon