CHAPTER 19

174 15 1
                                    

Nakangiting nag lakad ako pabalik kahit na nanginginig ang mga tuhod ko. Nakita ko na ngumiti sa akin si Lexi. Lumingon din ako kay Arjon. Hindi ko alam kung madilim lang o nakatingin ba siya sa akin.

Malakas ang hiyawan at palakpakan ng mga estudyante lalo na ng mga kaklase ko, nangunguna si Ellie--hanggang sa makabalik ako sa pwesto ko.

Mabilis na nagdaan ang dalawang kandidata and it's now Lexi's turn.

Hindi pa man sIya gumagawa ng hakbang ay maririnig na ang malakas na sigawan at palakpakan ng crowd. Iba talaga charisma ng baklang 'to!

Halos mapanganga ako sa galing niyang lumakad, hindi ko alam kung lalaki ba talaga 'to! Bakit gano'n siya kagaling?

Natahimik ang lahat pag lapit nya sa mikropono. Hindi ko alam pero parang may mali kay Lexi. Masyado siyang malamya at tamad. Mas na kumpirma ko ang bagay na 'yon nang magsalita siya.

"Lexi Flores-12-Stem." Natapaka plain ng boses niya, lumakad siya pabalik na parang walang nangyari.

Lumipas ang ilang mga sandali hanggang sa matapos ang lahat ay kapansin pansin pa rin ang pagiging walang gana niya, na para bang hindi matter sa kaniya kung mananalo siya o hindi. Baka nga ayaw niya talagang manalo.

Matapos ang ilan pang seremonya at pag rampa ay dumating na ang pagkakataon na pipili na ng three out of five candidates. Confident naman ako sa mga ginawa ko. Unti-unti kong na enjoy ang pagrampa na para bang sanay na sanay ako at hinahayaan ang aking katawan na umalinsabay sa musika. Sobrang na-enjoy ko. Pero sa dami ng magagandang candidates, mapalad na na kasama ako sa top 5 I'm not expecting to be one of the top 3.

Pero sabi nga nila, expect the unexpected.

Halos mapatalon ako sa tuwa nang tawagin nila ang numero ko at kasunod n'on ay ang pangalan ko.

"And the last candidate that will complete our top 3 . . . Lexi Flores!" Napatingin ako kay Lexi na kakaiba ang ngiting lumakad papunta sa hanay ng top 3. Hindi naman magkamayaw ang mga fans niya sa pagsigaw.

Feeling ko pinaglalaruan ako ng mundo.

Eliminated na si Camilla. Ako, si Lexi, at 'yung Zeph na A&D na lang ang natira. Sa boys naman ay wala na si Kean na partner ko. Si Arjon at ang dalawang hindi ko kilala na lang ang natira.

Kinakabahan ako sa pagsapit ng Q&A. Alam naman ng lahat na hindi ako katalinuhan.

Unang tinawag 'yung number 1, isa sa aming tatlo. Sumunod ay si Lexi na hindi inaasahang sasagot nang nonsense. Alam ng lahat sa school na matalino siya. Siya lagi ang nag to-top sa klase nila, pero bakit ganito ang sagot niya? Simpleng tanong pero sumagot siya ng wala sa punto at nangaasar pang tumawa pag katapos.

Kita sa mukha ng mga tao na hindi nila inaasahan na gano'n ang gagawin ni Lexi. Kahit ako naman.

Bumalik ako sa realidad ng tawagin na ang number at kasunod ay pangalan ko. Huminga ako ng malalim at nakasalubong ko pa si Lexi na pabalik. Kinindatan pa ko.

"Candidate number 10, Ranila Delos Reyes, from the art department." Lumakad ako at nginitian 'yung emcee nang makalapit ako. "I love the props!"

"Thank you," saad ko na wala sa mic.

"So here's your question, Number 12. Are you good at keeping secrets? Do you think being a secret keeper is an art? Why, or why not?"

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko alam pero naalala ko si Lexi. Palihim na sumulyap pa ako sa kaniya na nakatingin din sa akin. Bakit naman ganto ang question? Relate!

"You have 30 seconds to answer, and it will start once you start answering."

"A freedom to speak, and to be able to speak freely is eventually an art. Ironically, being able to keep a secret, being able to control yourself not to speak, and being aware of speaking at the right moment and the right time is totally a masterpiece. A great skill that not everyone possesses. The art of keeping a secret." I stopped for a second. "And I'm proud to say that, yes, I am a secret keeper."

Hindi ko alam kung saan galing ang sagot na 'yon. I didn't use my brain because it's empty. Maybe it all came from my heart.

Confident ako sa sagot ko pero somehow may kurot iyon sa puso ko.

Matapos ngumiti sa crowd ay marahang nag lakad ako mabalik, muli kong hinarap ang mga mata ni Lexi na nakatingin sa akin na para bang sobrang na appreciate niya 'yung sagot ko. I smiled bitterly.

Maya maya pa ay muling bumalik yung emcee dala 'ang resulta.

Inanounce niya ang 3rd runner up and ineexpect ko na ako na 'yon. Pero hindi. Not even Lexi.

Humarap kami ni Lexi sa isa't isa at hinawakan ang kamay ng bawat isa. Nakakahiya lang na pawisin ang kamay ko, pero okay lang! Si Lexi lang naman.

He smiled at me sweetly. "Don't be nervous, you'll win," he said confidently as if I'd really win over him.

Halos mabingi ako, hindi sa sigawan ng mga tao kundi dahil sa kaba na nasa loob ko.

He smiled. "I told you." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Huh?"

"Congratulations, Candidate number 10," mahinahon nang saad ng emcee.

Hindi ko narinig?

Napatingin ako sa paligid.

Legit?

Nakita ko si Ellie at Jasmine na masayang masaya na naka-thumbs up sa akin.

"Congratulations, Rania!" sigaw nila at doon ko na realize na ako nga ang nanalo.

Muli akong napatingin kay Lexi.

"Panalo ako?" tanong ko at nakangiting tumango lamang siya. "Panalo ako Tiam!" I exclaimed noong totally nag sink-in sa akin ang lahat at hindi ko na napigilan ang sarili ko at napayakap sa kaniya.

Wala akong ibang naririnig kundi ang kabog ng dibdib ko.

Humiwalay ako sa kaniya nang tawagin ako ng emcee. Isinuot nila sa 'kin yung crown, sash and a flower. The emcee greeted me once again before leaving the stage.

To be honest this was my first time na mapansin ng lahat. Ang gaan sa pakiramdam na makita 'yung crowd na isinisigaw ang pangalan mo habang tumatalon sa tuwa. Sobrang saya ko. Ngayon lang to nangyari sa buhay ko.

This is the happiest day of my life . . .

Pero sabi nga nila, lahat ng saya ay panandalian lang. Lahat ng iyon ay may kapalit. Bawat ngiti ay may kasunod na lungkot. Bawat tawa ay may kasunod na pag-iyak.

At napatunayan ko 'yon nang pumunta si Arjon sa stage. Siya yata ang panalo sa boys.

Kinuha niya yung mikropono at humarap sa gawi ko.

He started singing a song in acapella. Boses niya ang lumalamon sa buong kapaligiran. Hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin pero sa ang gaan ng pakiramdam ko. Para akong lumulutang sa ulap na anumang oras ay pwedeng mahulog kung hindi mag iingat.

Dahan-dahang lumapit si Arjon sa gawi ko. Hindi ako makapaniwala. Para sa akin ba 'to? Para sa 'kin ba ang kanta niya? Ako ba? Nagbago na ba ang tingin sa 'kin ni Arjon dahil nanalo ako? Dahil napatunayan ko na may kaya rin akong gawin?

Ilan lang sa libo-libong tanong na naglalaro sa akin isipan at isa lang ang sagot na hinihiling ko . . .

Oo.

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now