CHAPTER 21

179 14 2
                                    

"You'll always be the winner in my heart, Rania. Always," malalim na boses na aniya habang naghahabol ng hininga. Nanatiling nakahawak ang kamay niya sa panga ko. Malapit pa rin ang mukha namin sa isa't isa. Hindi naman ako makakilos dahil tila ba naparaliasdo ang katawan ko sa nangyari.

Sandaling pinakalma ko ang sarili ko habang hinahanap ang sistema ko. Pero nagulat ako nang isang kamay ang marahas na humila sa akin. Binitawan din niya ako at agad na kinuwelyohan si Lexi.

Nanlaki ang mata ko nang mabanaag na si Arjon iyon.

"Sino ka talaga?!" galit na sigaw ni Arjon.

Mabilis na lumapit ako sa kanila. "A-Arjon, a-ano ba'ng sinasabi mo, si Lexi--"

"Manahimik ka!" baling niya sa akin habang ang kamay ay nanatiling nakadakot sa kwelyo ni Lexi. "Tingin mo ba talaga sa 'kin, uto-uto, ha, Rania? Well, kung naloko mo ako noon, hindi na ngayon dahil kitang-kita ko ang ginawa n'yong dalawa. At rinig na rinig ko noong sinabi niya na--" sandaling nahinto si Arjon na para bang hindi niya kayang sabihin at tanggapin ang katotohanan.

Nagulat na lang ako nang malakas niyang sinapak si Tiam. "Lalaki pala! Manloloko ka!"

"Tiam!" ahad akong lumapit sa kaniya na nakahandusay sa sahig sa lakas ng sapak sa kaniya ni Arjon.

Sarkastikong tumawa si Arjon. "Tiam. So iyon ang pangalan mo? Ano ka ba talaga? Bakla ka pero nanghahalik ng babae?!"

Lumapit muli si Arjon kay Tiam at wala na akong nagawa nang hilahin niya ito patayo at muling sapakin. Hindi ko kayang pigilan si Arjon dahil masyado siyang galit. Alam ko at naiintindihan ko ang pinanggagalingan nito. At alam ko na ganoon din si Tiam kaya naman hinayaan niyang saktan siya ni Arjon hanggang sa mag-sawa ito.

Ako na ang naaawa sa kaniya. Puro dugo ang mukha niya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ako 'yung nasasaktan. Bawat sapat na ibinibigay ni Arjon sa kaniya ay kurot sa puso ko. Gusto kong magalit pero kanino?

Naiintindihan ko sila pareho.

"Arjon, tama na, please!" saad ko sa hindi na mabilang na pagkakataon. Sa wakas ay huminto siya, maghabol ng hininga at tila ba napagod sa ginawa.

Mabilis akong lumapit kay Tiam para tulungan siyang tumayo.

"All this time, alam mo lahat ng 'to, Rania? And you didn't even bother to tell me? Akala ko gusto mo 'ko? Pero bakit ka nagsisinungaling?" Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Puno ng galit at sama ng loob ng mata niya.

I understand that he feels so betrayed.

Umiling siya at madilim pa rin ang paninging umalis. Hahabol pa sna ako sa kaniya pero natigilan ako ng ungol ni Tiam.

"Tiam . . . malala ba? Matetegok ka na ba? Huwag naman, uy," nag-aalalang saad ko. Hirap siyang tumayo kaya naman nanatili siyang nakaupo.

"Fo-follow him . . ." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Paano ka?"

"Just follow him. T-Tell him you didn't mean to lie. Tell him it was all my fault," nanghihinang saad niya na para bang gusto niya na linisin ko ang pangalan ko sa harap ni Arjon. Pero sa totoo lang, hindi 'yon ang dahilan kaya gusto ko siyang sundan.

"Tiam . . . I'll be back, stay here please. I'll be back," saad ko at iniayos siya ng sandal sa pader. Tinignan ko ang nanghihinang lalaking ito bago ako umalis.

Hinubad ko 'yung sandals ko at mabilis na hinabol si Arjon.

"Arjon!" tawag ko nang matagpuan siya papunta sa field. Hindi niya ako nilingon kahit na alam ko na narinig naman niya. Mabilis na tumakbo ako papalapit sa kaniya at hinawakan siya sa braso.

"Ano ba?!" bulyaw niya pagkaharap sa akin kasabay ng paghigit niya sa braso niya. Masamang tinignan niya ako at kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mga mata.

Sino ba naman ang hindi magagalit? Ang babaeng kinahuhumalingan mo, ang babaeng pinaka gusto mo, ang babaeng tanging pinaglaanan mo ng puso mo, ang babaeng tanatangi mo . . . ay isa palang lalaki.

Naiintindihan ko siya. Alam kong nasasaktan siya. His feelings are all valid. Kaya alam kong impossible ang hihilingin ko pero I'll try anyway.

"Alam kong nasasaktan ka . . . I know this ain't the right time to ask you a favor kasi niloko kita, nagsinungaling ako, nasaktan ka, galit ka sa 'kin. B-But please, Arjon, huwag mong sabihin ang totoo."

Oo, iyon ang inihabol ko sa kaniya. Wala na akong pakialam sa pangalan ko. Ang mahalaga ay manatiling lihim ang sikreto ni Tiam.

"Please, Arjon. I know it's too much. Alam ko na gagaan ang pakiramdam ko kung gagawin mo 'yon dahil makakaganti ka sa kaniya, but please . . . Sa akin ka na lang magalit. Ako na lang ang gantihan mo." Hindi ko alam kung ano'ng mayro' pero naramdaman ko na lang ang unti-unting pagtulo ng luha ko.

Hindi makapaniwalang natawa siya. Doon ako pinanghinaan ng loob.

"Ang kapal ng mukha mo, Rania."

"Please, Arjon," pakiusap ko pa at muling hinawakan ang kamay niya pero iniiwas niya. Tinignan niya ako ng masama bago magsimulang lumakad ulit. Wala na akong maisip na ibang paraan para pigilan siya. "Gagawin ko lahat ng gusto mo, Arjon! Gagawin ko lahat ng iuutos mo. Please just keep it a secret!" I cried. Finally, he stopped.

Lumingon siya sa akin bago magsalita. "I don't need anything from you," malamig na saad niya at tuluyan nang umalis. Wala na akong nagawa. Napaupo nalang ako sa berdeng damo at napasabunot sa inis.

Kasalanan ko lahat 'to!

Nagulat ako nang magkagulo ang mga tao mula sa quadrangle kung saan ginanap ang event.. Naramdaman ko na lang ang unti-unting pagpatak ng ulan.

Napatayo ako nang maalala si Tiam. Mabilis na tinakbo ko ang distansya mula sa field hanggang sa secret garden na may kalayuan.

Ang labo ng paligid dahil sa malakas na buhos ng ulan pero nagpatuloy lang ako. Kailangan ako ni Tiam.

Nakarating ako doon at kagaya ng sinabi ko sa kaniya ay hindi nga siya umalis kung saan ko siya iniwan. Mabilis na lumapit ako sa kaniya at inakay siya patayo.

"Kaya mo ba Tiam?" tanong ko habang iniaakbay ang kamay niya sa balikat ko at pilit siyang itinatayo.

Narinig ko pa na bahagya siyang tumawa at nagsalita, "Kaya ko," na para bang wala lang ang lahat habang ako ay alalang alala sa kaniya. Basang-basa na siya kaya mas nag aalala ako.

Inakay ko siya hanggang sa karating kami sa dorm. Buti na lang at wala nang mga estudyante dahil sa ulan. Nasa loob na sila ng dorm.

Dahan- dahan ko siyang iniupo sa kama, kumuha ako ng towel para sa kaniya at tinignan ang lagay niya.

Ngumisi siya. "Sobrang na damage ba? Kawawa naman ang guwapo kong mukha." At natawa siya. Gusto kong mainis dahil nakukuha niya pang magbiro kahit ganito ang kalagayan niya ngayon.

"Kukuha lang ako ng gamot," saad ko at tumayo para pumunta sa kitchen. Isa sa mga cabinet doon ay ang lalagyan ng first aid kit. Matangkad naman ako kaya hindi ko na kailangan ng bangko o kung anuman para maabot 'yon.

Nang makuha ko ay bumalik ako sa kaniya na nag papatuyo ng buhok niya. Umupo ako sa tabi niya at nagsimulang gamutin ang sugat niya. Nagsimula ako sa cheek bone niya.

"Naniwala ba sa 'yo si Arjon?" tanong niya at natigilan naman ako sa ginagawa. Nagisip pa ako ng isasagot bago mag salita.

"Yes, okay na kami," sagot ko na lang para hindi siya mag alala, pero ibang reaction niya ang nakita ko. He smiled bitterly.

"Good," tipid niyang sagot. Muli kong ipinagpatuloy ang ginagawa at mas binilisan ko dahil medyo awkward na 'to para sa 'kin. Nang matapos ay agad kong niligpit ang mga gamit at tumayo.

Ngunit bago pa man ako tuluyang makaalis ay muli niyang hinawakan ang kamay ko kung kaya naudlot ako sa paghakbang. Walang reaction na nilingon ko siya.

"What I did earlier . . . I mean it." Agad napaiwas ako ng tingin at nag init ang pisngi sa sinabi niya. Tumango nalang ako at dumiretso sa kitchen.

Napapikit na lang ako sa hiya nang maalala ang nangyari kanina. Hayan tuloy nabuking siya. Pero wala naman sa mukha niya ang pagsisisi. Hayst, mababaliw na ako! 

A Guy In Disguise (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon