CHAPTER 24

182 15 2
                                    

Nagulat na lang ako nang ihagis ni Arjon ang bag niya sa akin. Napapikit na lang ano sa inis at walang nagawa kundi bitbitin 'yon. Seryoso talaga siya na gawin akong alipin niya.

"Sa room," saad nalang niya at dire-dretsong naglakad sa building nila. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya sabay tingin sa relo ko. Malalate na ko, eh!

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. Nakakapanibago dahil kumpara sa building namin na magulo at maingay, dito ay tila ba laging nadadaanan ng anghel. Ang ayos at napaka-organized ng lahat, liban na lang sa room ni Arjon na pagpasok mo pa lang ay nagkakagulo na.

"Woooooaaah?!" sabay-sabay na wika ng mga kaklase niyang lalaki na nagbabatuhan ng papel nang pumasok ako kasunod ni Arjon dala ang bag niya.

"Bakit sila magkasama?"

"Girl, dala niya ang bag ni Arjon? Pfft! Siya pa talaga ang nag hatid, ah."

"Haha, halatang siya ang nanliligaw kay Arjon."

What?! Seriously? Ako 'yung manililigaw? Although, puwede rin naman, pero--hindi naman kasi gano'n.

Ramdam ko ang sama at kakaibang tingin ng mga kaklase ni Arjon, lalo na ng mga babae.

Sinundan ko na lang si Arjon kung saan siya nakaupo at iniabot sa kaniya 'yung bag niya. Lahat ng mata ay nasa amin.

Tinignan niya lang ako habang prenteng nakaupo.

"Oh," walang ganang saad ko sabay lahad sa kaniya ng bag niya, pero hindi naman niya kinuha agad. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. I mean, oo, gusto ko Arjon at dapat masaya ako na nakakasama ko siya . . . pero hindi ang ideya ng pagiging alalay niya at ang pagpapahiya niya sa akin.

Hindi pa niya kinuha 'yung bag at tinignan lang ako. At dahil alam ko na malalate na ako ay inilapag ko na lang iyon sa lamesa niya. "Alis na ko," paalam ko kahit na hindi naman na kailangan dahil wala naman siyang pakialam.

Bago ako tuluyang umalis ay nahagip ng mata ko si Lexi na nakaupo malapit sa bintana, hindi kalayuan sa kinauupuan ni Arjon.

Hindi siya umuwi ng dorm at ngayon ko lang siya nakita. He's in disguise while wearing his usual expression--walang interes at nakasuot ng earphones, tulala sa labas.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong dinala ng paa ko papalapit sa kaniya. Sobrang lutang ko kakaisip kung galit ba siya? Bakit hindi siya umuwi? Bakit hindi niya ako kinakausap? Ang daming tanong but I only found myself standing in front of him.

"Tia--Lexi . . . " muntik pa 'kong mamali ng tawag sa kaniya. Napatingin ako sa paligid ay karamihan ay nakatingin sa akin. Hindi naman siguro nila narinig dahil hindi naman malakas ang pagkakatawag ko. Hindi ko alam kung narinig niya ako pero hindi siya lumingon. Nakatingin lang siya sa labas nakatitig sa kawalan.

Napapikit na lang ako at muli siyang tinawag nang mas malakas. Alam kong sapat na 'yon para marinig niya. Nang hindi pa rin siya lumingon ay wala na akong nagawa kung hindi ang tanggalin ang isa sa mga nakapasak sa tenga niya.

Nakakunot ang noo na napalingon siya ngunit nang makita ako ay agad din namang nawala ang kung anong reaction niya. Muli siyang sumeryoso. He's totally blank. He didn't even speak. He just stared at me for a second and put back his earphones on while facing the window, again.

I sigh.

Kukulitin ko pa sana siya dahil gusto ko talaga siyang makausap pero natigil ako nang marinig ang boses ni Arjon. The voice that I used to admire. The voice that usually makes my heart flutters. The voice that I'm starting to hate by now.

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now