CHAPTER 9

156 18 1
                                    

"Bakit ba ang bagal mong maglakad? Malalate na tayo, oh!" inis na saad ni Ellie na kasabay kong naglalakad ngayon pabalik ng classroom. "Okay ka lang ba? Ano, feeling mo nasa moon ka na ngayon?"

"Oo, okay lang. Medyo masakit lang balakang ko," sagot ko naman.

Tumigil siya at hinarap ako. "Bakit, ano'ng nangyari?"

"Wala, normal lang naman. Baka magkakaro'n, hehe," palusot ko. Ayokong magkuwento dahil hahaba pa. Isa pa, knowing Ellie, magtatanong 'to! Ayokong maungkat pa 'yung ginawa sa aking pagyakap ni Lexi.

Paakyat kami sa fourth floor papunta sa pinaka dulong classroom. Malaki kasi ang bakanteng room na iyon kaya ginawa nang praktisan ng arts and design students para sa theater arts. May gym naman kami pero medyo malayo sa building na ito kaya iyon na lang ang ginawa naming hall. Idea 'yon ng faculty members.

Nang sandaling makatungtong kami sa ikaapat na palapag ay saktong sumalubong sa amin ang naka-arkong kilay ni Camilla. Nakahalukipkip itong nakatingin sa amin ni Ellie. Lalampasan sana namin siya nang harangin niya kami. Tila ba kami talaga ang sadya niya.

"Camilla," tanging usal ko dala ng pagkabigla. Sarkastiko naman siyang ngumiti. Kasama niya pa rin ang mga minions niya, as usual. Tinapunan niya sila ng tingin na para bang may isini-signal.

Lumapit 'yong dalawag minions kay Ellie. Hinawakan siya ng mga ito sa braso.

"H-Hoy, ano ba, bitawan n'yo nga ako!" pagpupumiglas niya pero dahil dalawa sila at isa lang siya ay wala syang laban sa kanila.

"Elizabeth Madison, laos ka na. Matagal kang naging campus crush pero noong dumating si Lexi, naetsapuwera ka." Natigilan ako sa narinig kong iyon. Hindi ko alam na may ganoong history dito si Ellie.

"Hindi ka ba nagagalit dahil inangkin niya ang trono mo? Bakit kasi hindi ka na lang sumama sa amin?" dagdag pa n'ong isa.

"Shut up, Keila. We're not recruiting," inis na sabat ni Camilla.

"At kahit mag post pa kayo ng ad sa buong school, saying that you are looking for a new member, I won't apply." Bumaling siya kay Keila. "And yes, hindi ako nagagalit dahil inangkin ni Lexi ang sinasabi n'yong trono. Kasi first of all, wala akong pakialam." Palaban pang aniya.

Pekeng tumawa si Keila. "Oh, yeah right! Wala ka nga palang pakialam kasi hindi ka naman puwedeng mamili sa mga lalaking nagkakagusto sa 'yo. Poor Ellie. Kumusta na ba 'yong fiance mo? Na-meet mo na ba?" pang-aasar pa niya.

Nakita ko naman kung paanong naapektuhan si Ellie sa sinabi ni Keila. Agad akong humarap kay Camilla dahil sa inis. "Ano na naman ba 'to, Camilla? Ano na naman ba'ng gusto mo?"

Mataray na tumingin sa akin si Camilla. Mababakas sa kanya ang kumpyansa sa bawat bagay na ginawa niya. "Sa tingin mo titigilan na kita dahil lang ipinagtanggol ka ni Lexi?" tanong niya na siya na rin mismo ang sumagot sa pamamagitan na mapang-asar na nguso at iling.

Pilit kong nilalakasan ang loob ko pero hindi ko talaga kaya ang kamalditahan niya.

Marahan siyang naglakad papalapit sa akin kaya naman napaatras ako. Hindi ko alam kung bakit tila ba nanlambot ang tuhod ko at napaupo ko. Kasaban n'on ay naramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. Napangiti naman siya na tila ba naaayon iyon sa plano niya.

Inilahad niya ang kamay niya sa mga kasama na para bang may kung anong hinihingi rito. Iniabot naman ng isa sa mga minions niya ang plastic bottle na walang label kaya hindi ko alam kung ano ang kulay itim na laman niyon. Nagulat na lang ako nang no'ng walang anu-ano'y ibinuhos niya sa akin ang laman niyon.

Parang nag freeze ang katawan ko dahil sa gulat sa ginawa niya. Hindi pa siya nakuntento at ibinato niya sa akin ang bottle na wala nang laman, at saka mala-demonyong tumawa.

"Don't worry, soy sauce lang 'yan. Pasalamat ka 'yan lang ang available sa cafeteria," saad pa niya. Nanatili akong nakatungo dahil ayokong makita niya ang paiyak ko nang mukha.

"Oh no, Rania, ang kalat mo," natatawang banat ni Keila.

"She's a trash naman, eh, kaya okay lang," dagdag ng isa. Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa sarili ko. Hindi ko naman alam na ganito para dapat kapag nagka-gusto ka. Hindi ako na-inform na required masaktan to the highest level, na required i-bully at mapahiya . . . na required hindi tratuhin ng tama.

Umupo pa si Camilla para magpantay kami. Siguradong gusto niyang makita ang reaction ng mukha ko.

"Alam mo, titigilan na sana kita, eh. Kaya lang, talagang hindi ka nadala at hindi mo tinigilan si Arjon. Akala mo ba hindi ko alam ang mga ginagawa mo? Huwag ka nang umasa, Rania. Fan service lang 'yong date n'yo. Pa-welcome sa 'yo sa AEVA. Hindi ka magugustuhan ni Arjon. Tignan mo 'yang hitsura mo."

Sa totoo lang ay masakit ang epekto sa akin ng mga sinasabi niya. At sa sakit n'on ay gusto ko siyang bigwasan.

Tumingin ako sa kanya. "At sa tingin mo magugustuhan ka niya kung ganiyan ang ugali mo?" buwelta ko. Mali yata dahil kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya.

"Ano'ng sabi mo?" galit na tanong niya at nang hindi ako sumagot ay akmang ilalapat niya ang mga palad niya sa mukha ko. Mapapikit na lang ako at inaantay ang hapdi ng sampal niya ngunit walang dumampi.

Maya-maya pa ay . . .

"A-Arjon?" nanginginig ang boses na usal ni Camilla. Napamulat ako nang marinig ko ang parangalang iyon.

Napaawang ang bibig ko nang makitang hawak ni Ajon ang kamay ni Camilla na gagamitin niya sana para saktan ako. Gulat ang reaction naming lahat.

"I can't believe you're still doing this," he said. Hindi ko alam pero sa halip na huminahon ay lalo akong kinabahan ngayong nandito siya. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako dahil sa kahiya-hiya kong hitsura. Gusto ko na lang mawala rito bigla.

"A-Arjon, I'm just doing this b-because I--I-I love you!" maluha-luhang sagot ni Camilla. Mababanaag ang inis sa mukha ni Arjon.

"Really?" sarkastikong ani Arjon, pero hindi yata ramdam ni Camilla ang pagiging sarkasito niya.

Nabuhayan ng loob si Camilla. "Yes, Arjon. After we dated, hindi ka na nawala sa isipan ko. You made me feel special that time. I was the first girl you've dated bago ka mag fan service sa buong school."

"Camilla, nauna ka lang, pero wala iyong pinagkaiba sa fan service na sinasabi mo!"

"Arjon--"

"Camilla, stop it, you look pathetic," nangangambang bulong ni Keila. Inis naman siyang tinignan ni Camilla.

"Shut up, Keila. Isa ka pa. Alam kong may gusto ka rin kay Arjon. Akala mo ba hindi ko napapansin na sumisimple ka rin?" buwelta naman niya. Agad namang nanlaki ang mata ni Keila. Talaga pa lang gagawin nila ang lahat para sa isang lalaki? Kahit na masira ang pagkakaibigan nila?

"Excuse me?" Hindi na pinansin ni Camilla ang pag-arteng iyon ni Keila. Muli siyang humarap kay Arjon nang may pagmamakaawang mata.

"Arjon, please, don't say that. Alam ko naging masaya ka rin noong araw na 'yon. Your smiles are genuine. Kakaiba ang mga tingin mo sa 'kin--"

"You're being delusional, Camilla!" Napahagulgol na lang si Camilla sa galit na sigaw na iyon ni Arjon. "Hindi kita dinate dahil gusto kita. Hindi kita gusto, at sa ginagawa mo . . . talagang hindi kita magugustuhan," makahulugang saad ni Arjon. Wala nang nagawa si Camilla kundi ang humagulgol at umalis. Sumunod naman agad sa kanya ang mga minions niya.

Sinundan ko pa siya ng tingin bago bumaling kay Arjon na ngayon ay nakatingin sa akin. Doon ko rin napasin na nasa likod niya si Lexi. Magkasama sila?

Parang may kung ano'ng kumurot sa puso ko. Ano ka ba naman, Rania? Malamang magkasama sila. Nagliligawan sila, 'di ba? Magkaklase pa sila. Hindi porque ni-rescue ka ni Arjon e' bibigyan mo na ng ibang kahulugan.

Lumapit sa akin si Arjon para ilahad ang kamay at tulungan akong tumayo. Pero nagulat ako nang kasabay noon ay ang paglalahad din ni Lexi ng kamay niya sa akin.

Natigilan ako sa dalawang kamay na nasa harap ko ngayon.

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now