CHAPTER 26

166 14 2
                                    

"Sinungaling!"

"Manloloko ka, Lexi."

"Bakla ka. I can't believe na naloko mo kami. Nai-ship ka pa namin kay Arjon!"

"Pati si Arjon niloko mo!"

"Kick her out!"

Ilan sa mga salitang patuloy na pumapailanlang sa buong paligid.

Pilitakong bumalik sa sarili ko matapos ang parang nahintong pagdaloy ng sistem ako dahil sa mga nagyayari. Hindi ako makapaniwala. Gayunpaman ay mabilis akong humakbang papalapit kay Tiam.

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalapit nang isang kamay ang pumigil sa akin sa pamamagitan ng paghawak nito sa pulsuhan ko. Kunot ang noong nilingon ko siya. Siya. Ayokong mag bintang pero wala akong maisip na ibang paraan para lumabas lahat ng ito. Siya lang–bukod sa akin– ang may alam ng ito sa buong campus.

Some part of me feels angry at him, but some still hopes na hindi siya. Dahil kung siya nga, wala akong magagawa.

"Don't even try to run to him. Madadamay ka lang." HIndi ko alam pero sa pagkakataong iyon ay agad na nanlabo ang mga mata ko dahil sa butil ng luha na namuo rito.

"I don't care, Arjon," I replied. Kasunod noon ay ang paglapit ng minions ni Camilla kay Tiam para kagaya ng nakasanayan ay pagtripan nila ito.

The faculty members tried to stop them while the principal already called the guards pero the students are angry enough to forget the rules.

I have no choice but to get myself into it because I was involved in the very first place.

"Tiam!" sigaw ko at buong lakas na hinawi ang mga tao para makalapit sa kaniya.

"Finally, the campus queen's down. You really don't deserve that title. It should be mine," saad ni Camilla.

"Why do you even like that title, Flores? Bakla ka ba?" sabi naman nung isa na hindi kilala. Pinagmasdan ko si Tiam. He's defenseless. He knew na mali siya for doing all of this, and he think he deserves this.

Matalim ko silang tinignan. "Hindi siya bakla!"

Camilla evilly laughed. "Oh, I almost forgot. Rania right here deserves to be recognized too. Everyone, the secret keeper, but also the reason why I found out about the truth. Why don't we thank her?"

Sa sandling iyon ay natigilan ako. Ano'ng ibig niyang sabihin? Ako? Anong ako ang dahilan?

"Kasabwat ka, Rania?" napalingon ako kay Ellie na hindi makapaniwala. Disappointment was really evident on her face. I remained silent. Do I even have to answer that?

With that, an already chaotic situation became even more chaotic. They began to throw everything they could think of at us. Tiam moved to cover me at that point.

Tinignan ko siya sa mata. Diretso ang tingin niya sa akin habang sinasalag ng likod niya ang lahat ng mga bagay na ibinabato sa amin. He's emotionless. Plain. He's always like that. But this time, I know he's in pain.

Nabaling ang pansin ko sa paligid ang humiwalay si Tiam para tingnan ang nangyayari. Doon ko napansin na tumigil na sila sa pambabato. Ang kaninang ingay at galit nila ay napalitan ng tahimik na bulungan.

Kasunod noon ay ang pagdating ng mga lalaking naka-formal attire. Marami sila at ang ilana y pumipigil sa mga estudyante na nambabato sa amin.

Eto ba ang guards ng AEVA? Ang gara naman, nakakaloka.

Pero maging ang school principal ay mukhang naguguluhan din. Hindi sila mukhang mga tauhan ng paaralang ito. Kaya isa lang ang taong na naiwan sa isipan ko.

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now