CHAPTER 6

156 13 12
                                    

"Girl! Andyan na siya!"

"She's a goddess!"

"Pretty as always."

"The queen," bulong ni Ellie na nasa tabi ko.

Napalingon na lang ako sa entrance ng locker room dahil sa mga bulungan ng mga kapwa ko estudyante na kasama ko rin ngayon sa locker room. Lahat kasi kami ay kailangang magpalit ng P.E uniform. Curious ako sa kung ano'ng pinagkakaguluhan nila hanggang sa makita ko si Lexi na papasok din sa Locker room. Ang tinatawag nilang campus queen. Kaya naman pala sila nagkakaingay.

Sa ilang araw o linggo ko nang pananatili sa AEVA ay nasanay na ako sa ingay ng mga estudyante lalo na ng mga kalalakihan kapag dumadaan si Lexi. Kilala siya ng lahat sa school. Ang babaeng kinahuhumalingan ni Arjon. Alam 'yon ng lahat, kahit na ng mga bullies na sina Camilla, and guess what? Wala silang magawa with that fact. Lexi is the queen eh.

Sinundan ko lang siya ng tingin. Siya na papalapit sa direksyon ko. Nalaman ko na magkalapit lang pala ang mga locker namin kaya naman. Tulala pa rin ako dahil sa lapit niya sa akin ngayon. Hindi ko alam ngunit kagaya ng ibang mga estudyante sa school na 'to ay hirap din akong tanggalin ang tingin ko sa kanya. My eyes are totally glued on her. Ang ganda niya.

"No wonder nagustuhan siya ni Arjon. She's really stunning!" dining kong saad ng kung sinuman sa likod ko.

"Sadly, she doesn't seem to like Arjon. Good match sana sila." Patuloy pa rin ang bulungan ng ilan sa paligid na para bang wala si Lexi sa paligid at hindi sila naririnig.

Halos mabitawan ko ang sapatos na hawak ko na kinuha ko sa locker ko nang marahas na ibagsak ni Lexi ang pinto ng locker niya. Nagulat at natahimik ang lahat sa ginawa niya. Sabi nila, Lexi used to ignore gossips and rumors about her and Arjon, kaya ganoon nalamang kung pagusapan sila sa campus kahit na nakaharap pa siya, but now, the way she act, I think she's really affected.

Humarap siya sa kanila at sumandal sa locker niya. Nanatili ako sa tabi niya na nakatulala at namamanghang nag aantay kung ano ang next move niya. And I think hindi lang ako ang naghihintay at nag aabang sa mga sasabihin at gagawin niya. Lahat kami dito sa locker room at tulala sa kanya. She's really good at getting everyone's attention.

But suddenly, lahat ng atensyon at pares ng mga mata mula kay Lexi ay nabaling sa tatlong babaeng pumasok sa locker room. My eyes grew bigger as I realized who they are.

Camilla Sanchez and her minions.

Napalunok ako at bahagya pang nakaramdam ng kaba, naalala ko kasi 'yung sinabi ni Ellie. Napatingin tuloy ako kay Ellie na nasa kaliwa ko na nag freez habang nakahawak pa rin sa pinto ng locker niya—tinitignan ang mga pangyayari.

Lahat kami ay tila ba nanonood ng pelikula at nag aantay ng mga susunod na ganap.

Dahan-dahang naglakad si Camilla papalapit kay Lexi na nasa kanan ko. Tahimik ang lahat at nag aantay ng mga susunod na mangyayari. Hindi maikakaila ang tensyon sa buong locker room. Idagdag mo pa 'yung mga bulungan ng mga kababaihang nandito.

Maangas na tinitigan ng nakahalukipkip na si Camilla ang nakasandal sa locker na si Lexi. Walang reaction si Lexi at wala akong maramdaman na kaba sa kanya. Hindi ko alam kung paanong chill lang siya samantalang kami ay kabado nang lahat.

"Camilla, what are you doing?" tanong isa sa mga minion ni Camilla na mukhang hindi komportable sa ginagawa ng master niya.

"Camilla, I think you're messing with a wrong person," saad ng isang babae mula sa crowd.

"Yeah. Just lay a tip of your finger with Lexi and I'm sure that Arjon won't forgive you," dagdag pa ng boyish na babae na nakatayo malapit sa pinto.

A Guy In Disguise (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin