CHAPTER 18

158 13 1
                                    

Tumingin muna ako kay Jasmine at Ellie na nginitian ako bago pumasok sa backstage. Grabe ang kaba ko, legit!

"Antayin mo ko rito, ah, kukunin ko lang 'yung ibang gamit sa dorm," paalam ni Jasmin habang isinasalansan 'yung mga gamit sa napili naming spot. Tumango na lang ako at umupo sa harap ng salamin. Nakaayos na rin 'yung iba at inaantay na lang ako hudyat.

Pinagmasdan ko ang sarili ko. Grabe may igaganda pa pala ko. Hehe.

Napangiti ako na agad din namang napawi nang makita si Lexi sa salamin. Nasa likod ko siya. Ngumiti siya sakin. Ang ganda niya.

Ipinaling niya ang ulo niya habang malalim na nakatitig sa akin na para bang kinikilatis ako mula sa salamin. Bahagya siyang tumungo para bumulong sa tenga ko gamit ang normal at malamig niyang boses. "You're the prettiest," saad niya gamit ang malalim na boses na parang kuryenteng mabilis na dumaloy sa sistema ko at agad na nagilabot ako. Ang boses nya at tila ba humaplos sa buong pagkatao ko at bahagyang nagpagaan ng pakiramdam ko. Weird.

"Lexi!" narinig ko ang boses ni Arjon na tinatawag si Lexi. Agad na napatingin ako sa likod ko kung nasaan siya at napatayo. Napalunok ako nang makita kung gaano siya ka gwapo sa formal wear niya. Tuxedo and slacks at may dala siyang naka rolyong papel at hard hat. Engineer.

Nagulat ako ng tumama ang mata niya sa akin. Bahagya pang kumunot ang noo niya na parang kinikilatis kung sino ang babaeng nakatayo sa harap niya.

"Arjon . . . " tawag ko at ngumiti.

Napaawang ang bibig niya at parang hindi makapaniwala. "Rania?!" gulat na tanong niya na tinanguan ko lang na may kasamang ngiti. Muli niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. "You look good," saad nya at tumango tango bago umalis kasama si Lexi.

Ang gwapo niya at ang ganda ni Lexi. Tss nakakainggit, sarap ibuking!

Natawa na lang ako sa naisip ko. Siyempre hindi ko gagawin 'yon kahit na gustong gusto ko na mapasa 'kin naman si Arjon.

Dumating si Jasmine pagkaalis nila. Nakita ko na sinundan pa niya ng tingin si Arjon at Lexi. Nanlaki ang mata niya at napatakip ng bibig. Kinikilig na lumapit sa akin.

"Arjon Vasquez?" tanong niya at muli itong tinuro. Nakangusong tumango na lang ako. "Teka, si Lexi ba yung kasama niya?" tanong niya na tinanguan ko lang din. "Grabe ang ganda niya talaga!" manghang-manghang saad pa niya.

Kung iniisip niyo na alam na ni Jasmine ang totoo tungkol kay Lexi, hindi ko sinabi.

"My Roommate that I just found out to be a man," mahinang saad ko nang gabing iyon, nang gabing pumunta ako kina Jasmine matapos malaman ang sikreto ni Lexi.

"What did you say?" tanong niya habang busy pa rin sa pag stalk kay Lexi Flores.

"Wala." sagot ko na lang at humiga.

That's what happened that night. So Jasmine has no idea.

"Okay ka lang, Rania?" tanong ni Jasmine ng makitang tulala ako sa dalawa. Muli siyang tumigin doon at humarap muli sa akin. "Rania, marami pa namang iba r'yan. Masyadong malabo si Arjon," saad niya.

Pilit na ngumiti nalang ako at tinanguan siya. Okay na rin 'yon. ANg mahalaga ay naimpress si Arjon sa hitsura ko kahit paano. I look good daw, yiee.

Nakangiting humarap ako sa salamin. Manalo o matalo okay lang! Sa sinabing 'yon ni Arjon ay panalo na ako!

Mas na inspired ako na lumaban kahit na ang daming magaganda, at isa na ro'n ang walang kupas na si Camilla Sanchez wearing her uniform as a Flight Attendant. Maganda ito at hubog na hubog ang katawan niya. Bumagay din sa kaniya ang may kakapalan niyang make up.

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now