CHAPTER 12

154 12 4
                                    

All this time nagsusuot lang ng wig si Lexi?!

Hindi ko alam kung may cancer siya o kung ano'ng trip niya pero unti-unti kong napagtanto ang lahat nang maalala ko ang mga strange things sa kaniya.

'Yong kakaibang korte ng balikat niya, 'yong pagkailang niya sa akin lalo na kapag hindi maayos ang damit na suot ko dahil nasa dorm lang, 'yong lakas niya, mga panlalaking shirts sa closet niya, at higit sa lahat . . . kung bakit hindi niya bet ang campus crush!

Muling bumalik sa akin ang lahat, pati ang panaginip ko no'ng nakaraang araw.

H-Hindi niya secret jowa 'yong lalaki sa panaginip ko? Hindi kaya . . . "WAAAAAAAAAA!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapasigaw dahil sa naisip ko. Agad naman niyang tinakpan ang bibig ko.

"Rania, please!" Mas ikinagulat ko nang marinig ang malaki niyang boses. Nanlaki ang mata ko at na-realize niya 'yon kaya tumikhim siya at sinikap na ibalik ang boses ni Lexi pero huli na dail narinig ko na. Mahina ako sa pag-ibig pero hindi mo 'ko maloloko. Malabo ang mata ko pero malinaw ang pandinig ko.

Sinikap kong magpumiglas at tanggalin ang mahigpit na pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko, habang pilit na nagsasalita kahit na hindi naman ako maintindihan.

Binitawan niya ako, bahagya pa akong nag habol ng hininga, bago muling bumaling sa kaniya na ngayon ay hindi alam ang gagawin. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"I-It's not what you think it is, Rania--"

"No . . ." hindi na makapaniwang sagot ko habang umiiling at bahagyang umaatras. "Huwag mong sabihin sa aking cancer survivor ka dahil hindi ako maniniwala. Stop making lame excuses, buking na kita," matalim ang tinging saad ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya at mariin na pumikit. "Okay fine!" pag-suko niya gamit ang tunay niyang boses. "Lalaki ako." Medyo mahinahon at mahina niyang sagot iniisip na maari kaming marinig ng mga nasa kabilang kuwarto.

Napa-awang ang bibig ko. He really did admit it. Lalaki siya. Ngayon hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko. I feel betrayed!

"But please, Rania . . ." nagmamakaawang humakbang siya papalapit sa akin kaya humakbang din ako paatras. "Listen to me first." Hindi ko na nagawa pang pakinggan ang sasabihin niya. Mabilis akong dinala ng pa ko palabas ng dorm at mabilis na tumakbo paalis. Narinig ko pa na tinawag niya ako pero hindi ko na pinansin.

Hindi ako makapaniwala, all this time lalaki ang kasama ko sa isang dorm?! Paano naman 'yung mga no bra nights ko? Nanghingi pa naman ako sa kaniya ng napkin noon. Kaya pala wala siyang maibigay. Arrgh!

Hindi ba alam ng school 'to?! Bakit naman hinayaan nilang mangyari 'to? I'm so mad!

Lumabas ako ng academy nang walang paa-paalam kahit na alam kong bawal 'yon. Buti na lang at wala 'yung guard kaya naman walang humarang sa akin.

Sa bahay nila Jas muna siguro ako ngayong gabi. Pakiramdam ko ay hindi ko kaya na matulog sa dorm tapos kasama ko ang lalaking 'yon.

Paano kung pinagpapantasyahan niya ako habang natutulog?! O 'di kaya naman--aish! Mababaliw na yata ako!

Tinext ko si Jasmine na sa kanila muna ako ngayon kaya naman doon na rin ako dumiretso. Masaya siyang sinalubong ako pero agad din niyang napansin ang pagiging balisa ko at na wala ako sa sarili.

"Rania, nakikinig ka ba?" tanong niya na agad naman akong ibinalik sa realidad.

"S-Sorry, ano ulit 'yon?" sobrang occupied ko to the point na wala man lang akong naintindihan sa mga kinukwento niya. I feel bad tuloy kasi excited siyang mag-kwento sa akin.

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now