CHAPTER 3

194 16 14
                                    

Kabadong sinundan ko si Lexi. Hindi ko naman sinasadyang makita 'yung nakita ko. Hindi ko naman alam na mag-jowa sila ni Arjon loves. Medyo awts sa part na 'yon. Minsan lang pa naman ako magka-crush. Pero sabi nga nila, bansa nga naagaw e -- joke.

"What did you see?" tanong niya nang sandaling makalapit ako sa kanya. Nasa rooftop kami ng main building ng academy. Nakatanaw siya sa malayo habang nakapatong ang dalawang kamay sa railings na nagsisilbing harang para hindi ka mahulog mula dito sa rooftop. Tinabihan ko siya at sinimulang laruin ang daliri ko. Mannerism ko.

"Everything," pag-amin ko. Totoo naman 'di ba? Nakita ko lahat. Alam naman niya so there's no point in lying. Tinignan ko ang reaction niya na parang hindi man lang nagulat. Chill lang na para bang inaasahan na niya ang sagot ko,o wala lang talaga siyang pakialam kahit na makita ko 'yong mga nakita ko.

Tumikhim ako bago muling magsalita. Medyo alangan pa 'ko sa sasabihin at itatanong ko dahil baka isipin niya e' chismosa ako o kaya naman ay pakialamera. Whatever it is, hindi ko na kaya, my curiosity is driving me crazy. Mabuti nang malaman agad ang katotohanan para malaman ko kung itutuloy ko pa ba ang pangangarap kay Arjon. Ayoko rin ng masyadong maraming iniisip.

"Kayo ni Arjon?" tanong ko sabay kagad sa labi na tila ba nag-sisi sa sinabi. Tinignan ko lang siya habang inaantay ang sagot niya. Mula sa malayo at ibinaling niya ang tingin niya sa akin. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda niya. Nakakainggit. Napakahinhin at sobrang ingat ng bawat galaw niya. Dalagang pilipina kung dalagang pilipina eh.

Agad naman akong na-conscious. Hindi ako sanay na tinitignan ako ng ganto kagandang nilalang.

"Why do you care? Do you like him?" mahinhin ngunit tila ba naiinis na saad niya. Nakakatakot naman 'to magalit. Literal na silent but deadly.

Natahimik na lang ako sa tanong niya. So it turns out na sila nga? What now, Rania? Yes, I like him. I have a crush on him, pero sasabihin ko pa ba sa kanya 'yong knowing na may something sa kanila ni Arjon? Baka magalit kang siya, ayoko ng kaaway na roommate.

"Don't worry, I don't mind. Isa pa, he's the Campus Crush kaya hindi na ako magugulat." Sabagay, madami naman ang may gusto kay Arjon, sino ba naman ako para maging lamat sa relasyon nila pag nalaman nilang may gusto din ako kay Arjon 'diba? I am just a fan. I just admire him, but he belongs to the girl standing beside me.

Kinda ouch.

Bumuntong hininga na lang ako at inayos ang salamin ko. "Well, yes. I have a crush on him. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya, hindi ba? Your boyfriend is totally handsome and stunning. Mukha rin siyang mabait and well-mannered--" mukhang nasobrahan yata ako sa pagpuri sa kanya. Narinig ko lang ang pagtikhim ni Lexi kaya natigil ako.

"You're right. Well then, admire him all you want," aniya at lumakad palayo. Naiwan akong tulala sa mga sinabi niya. SIguro ay nasanay na lamang siya na maraming nagkakagusto sa boyfriend niya kaya wala na lang sa kanya 'yung mga nalaman niya mula sa 'kin. She doesn't see me as a threat at all. Masyado siyang maganda para kabahan at mainsecure sa mga nagkakagusto kay Arjon.

Hys, sana all. Maganda na, mabait pa. Sobrang perfect nila para sa isa't isa.

Ilang sandali pa akong nanatili sa rooftop bago tuluyang umalis. Ang sarap kasi ng hangin doon. Tinignan ko ang oras sa relo ko. Napangiwi ako. Hindi pa rin siguro tapos yung program. Hindi na rin naman ako interesado. Nawalan na ako ng gana dahil sa mga nangyari ngayon.

Nagsimula akong maglakad pabalik. Ayokong sayangin ang araw na 'to. Gusto ko na may makilala at maging kaibigan ako. Mukhang malabo na talaga na maging close kami ng roommate ko. Masyado siyang sopistikada para maging kaibigan ng isang hampaslupang kagaya ko, charot. Ganda-ganda ko kaya, sabi ni mama. Awts gege.

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now