CHAPTER 29: Engagement Party

171 14 1
                                    

"Ganda ah." Bati ni Arjon habang malaki ang ngiting sinalubong ako palabas ng bahay namin. Iginiya nya ako sa dala nyang Mercedes.

"Pulang-pula ah." Pag-aasar ko pa sa sasakyan nya, ganda naman ng kulay, gusto ko lang na may masabi.

Tumawa sya bago ako pag buksan ng pinto at umikot para pumunta sa driver's seat. Napatingin ako sa kanya ng makapasok sya. Ayos na ayos ang buhok nya at napaka formal ng suot nya, halatang mayaman sarap pakasalan. Joke.

"Sorry sa abala ha, ang layo tuloy ng binyahe mo." saad ko habang sinusuot ang seat belt.

"Wala 'yon ikaw pa." sagot nya naman at nagsimulang patakbuhin ang sasakyan. Masayang kausap si Arjon at madami ring sinasabi.. Minsan nga sya na ang nag bubuhat ng conversation namin pag wala na akong ma topic.

Sandaling natahimik kami ng may tumawag sa kanya. Buti nalang may airpods sya kaya focus sya sa pag d-drive habang may kausap.

Wala naman akong magawa kaya kinuha ko yung invitation na binigay ni Ellie. Binuksan kong muli 'yon, hindi pa din mawala sa isip ko ang nakalagay do'n. Posible kaya?

"Okay ka lang?" tanong ni Arjon na wala na palang kausap. Hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa invitation kaya hindi ako makasagot sa kanya. "Inggit ka? Gusto mo pakasalan na din kita?" biro nya na napalingon naman ako at saka sya tumawa.
Loko-loko.

Hindi naman ako natawa sa joke nya kaya tumigil sya at nag seryoso, saka ako nag tanong.

"Kilala mo 'yung fiancee ni Ellie?" tanong ko na nasa invitation na ulit ang tingin. Binubusisi ko din yung graphics, sino kayang graphic designer neto? Ganda e.

"Hinde e, maski si Ellie ay wala ding idea. Nakatakda silang mag meet sa mismong engagement party. Siguro gano'n ang napagpasyahan ng both sides para wala ng atrasan pag pangit yung isa." paliwanag nya saka humagalpak ng tawa. Siniringan ko lang sya at mahina din namang natawa.

"Puro ka talaga kalokohan." sagot ko nalang at saka ibinalik yung invitation sa clutch ko.

Tinignan ko ulit yung hitsura ko nang ianunsyo ni Arjon na malapit na kami. I'm wearing a simple cocktail dress, coral yung color nya at off shoulder. Tinignan ko din yung sarili ko sa camera ng phone ko at ayos pa din naman yung hitsura ko. Ewan ko pero grabe ang kaba ko na tila ba ako yung may engagement party. Kakatawa.

Ibinaling ko ang tingin ko sa bahay na papasukan namin.. Halos malaglag ang panga ko sa laki 'non, hindi pala 'yon bahay, mansion yon! Grabe eto ba yung bahay nila Ellie? Ang laki ah!

Nag park lang si Arjon sandali habang ako'y nag hahanda na sa pag labas. Pinag buksan nya ako ng pinto at hayon nanaman yung kaba na gumugulo sa sistema ko. Hinawakan nya ang kamay ko para alalayan ako.

"Ang lamig ng kamay mo ah! Ikaw ba ang ikakasal?" pang-aasar nanaman ni Arjon at saka pilyong gumiti. Natawa naman ako sa sinabi nya, pero yung kaba? Hindi mawala.

Sabay kaming nag lakad papunta sa venue. Mukhang sa malaking garden ng mga Madison gaganapin ang engagement party nila.

Bumungad sa amin ang napaka eleganteng venue. Sa totoo lang, ngayon lang ako naka-attend sa ganito ka bonggang party. Halatang mayaman at may 'say' sa buhay ang mga tao dito. Buti nalang talaga at pinilit ako ni Mama na ibili ng damit na suot ko ngayon kung hindi ay hindi ako babagay sa lugar na 'to.

"Invitation." bago pa man kami tuluyang makapasok sa venue ay hinarang kami nung lalaki, kinuha ko naman yung invitation ko. Mukhang mahigpit ang pagbabantay at seguridad ng lugar.

Itinuro sa amin nung attendant yung seat kung saan kami uupo, malapit 'yon sa isa sa mga nag lalakihan,babasagin at mala crystal na flower vase na nakatayo sa bawat gilid, nakakadagdag 'yon sa magandang ambiance ng lugar. Napaka organized ng lahat, napaka perfect. Mula sa tunog ng mga baso hanggang sa mga lamp na nakasabit sa bawat puno. Napaka romantic.

"Good evening ladies and gentlemen.." nang marinig ng lahat ang boses nung MC ay agad na ibinaling nila ang atensyon nila, ganon di naman ako at si Arjon na nasa tabi ko. Kasama namin sa table ang ilan pang schoolmates na naging kaibigan na din namin ni Ellie.

Nag bigay pa yung MC ng short background kung paano na fixed yung marriage ni Ellie at nung mapapangasawa nya, kaya naman nalaman ko na simula bata sila ay nakatakda na talaga silang ikasal, mag-kaibigan ang mga pamilya nila at parehong successful sa businesses nila. Kagaya ng sinabi ni Arjon ay napagpasyahan ng both sides na magkikita lang ang dalawa sa araw ng engagement party nila. At ito ang araw na 'yon.

Ewan, ako yung kinakabahan na para bang ako yung ikakasal sa taong hindi ko pa nakikita.

Parang may kirot sa dibdib ko na nagsasabing hindi na dapat pa ako pumunta dito.

Ewan ko pero para bang hindi ako masaya para kay Ellie.

Bakit ganon yung pakiramdam?

"...and tonight all of us will witness the first meeting, yes the first meeting of the future Mr. and Mrs. Cortez." Mas lalo akong nabalisa at mas bumilis ng tibok ng puso ko, isa lang ang nasa isip ko.. Sana mali ako. "Elizabeth Madison, and Tiam Mavi Cortez."

And that's how we've played.

Funny isn't it?

Yeah but it was really a nightmare for me.. And i badly want to wake up.

Everyone stood up while giving a round of applause, but me? I was left confused. Upset.

"Rania.." Nag aalang tawag sa'kin ni Arjon nang mapansin na hindi ako bumabago. Tulala lang ako sa papalabas nang si Ellie from the right side, and Tiam from the left side.

Both of them are obviously shock and confuse.. While i was hurt.

"Hey..." tawag muli ni Arjon na halatang nag aalala at nagulat din sa mga pangyayari. I can't take eyes off them, i feel paralyzed. "Rania let's go." saad ni Arjon na inalalayan akong tumayo habang nakatingin pa din sa nagkagulatang si Tiam at Ellie

I badly want to leave the scene pero hindi ako makahakbang paalis. I just suddenly felt a tears streaming down my face but i have no strength to wipe it off.

"Please take your seat." Ngayon ay Daddy naman ni Ellie ang may hawak ng mic. Nag upuan na ang lahat pero ako naman itong hindi makaupo.

Lumapit sya sa dalawa na nakatitig lang sa isa't-isa, halatang gulat din na sila pala ang ikakasal. "My daughter Ellie," Muling nag salita ang Daddy ni Ellie. "I want you to meet this handsome, gentleman, and the one and only man of your life for the first time. Tiam Cortez," saad nito habang pinakikilala ang dalawa sa isa't isa.

Ang bigat sa pakiramdam. Ang sakit.

Sobrang sakit.

Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil para bang pinipiga ito. Naramdaman ko naman ang pag-alalay ni Arjon. Hinawakan nya ako sa braso pero agad ko ring tinanggal at iniwas iyon dahilan para masagi ko ang vase na malapit sa akin.

Napaawang ang bibig ko nana makita ang dahan dahang pagtumba nito sa sahig. Hindi ko na ito nagawang pigilan pa dahil sa sobrang gulat.

All eyes on me habang ako ay parang ewan na hindi alam ang gagawin. I just steal the spotlight. Great, Rania. Just Great.

Napalunok ako at humakbang papalapit doon para muli iyong itayo, pero sa tingin ko ay hindi ko talaga araw ngayon. I felt a physical pain in my finger, it's bleeding. Doon ko na realize na may basag pala yung vase.

Hindi ko na pinansin yon at sinimulang itayo yung vase pero isang kamay ang pumigil sa akin.

Pamilyar na kamay.

Pamilyar na prensensya.

Pamilyar na pakiramdam.

I lift my head up to see and i was right. It's Tiam with those eyes saying 'I'm sorry.'

Tinulungan nya akong makatayo, hindi alintana ang bulungan ng nga tao sa paligid. Nang makatayo ako ay napagtanto ko na iniwan nya si Ellie sa stage para daluhan ako.

Hinayaan ko lang sya na gawin ang gusto nya, sumunod lang ako nang hilahin nya ako paalis sana ng venue pero sa kabilang kamay ko humawak si Arjon para pigilan kami. Lumingon ako sa kanya and there he was, staring at Tiam with 'I'll-take-her-out' look.


A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now