CHAPTER 13

153 15 4
                                    

"Alam mo, matagal na 'kong nagtitimpi sa 'yo eh." Halata sa mukha ni Camilla ay galit. Hindi ko alam kung ano'ng pinagmulan ng lahat pero sigurado akong gulo ito.

Nanatiling tahimik si Lexi na parang walang interes sa sinasabi ni Camilla. Habang ako'y nanatili lamang sa kinatatayan ko at nag-aabang ng mga susunod na pangyayari. Ayokong makialam sa kanila kagaya ng ibang estudyante rito na nanonood lang din. Malamang ayaw din nilang madamay.

Doon ko napansin ang magulong set up ng cafeteria. Nagtapong pagkain at magulong arrangement ng tables and chairs.

"Matapang ka 'coz you know Arjon's on your side," pa-cool ang toning saad ni Camilla pero mababakas doon ang inis.

"Ano na naman ba'ng ikinagagalit ni Camilla?" Dining kong bulong ng isa sa mga nakikinood.

"She was expecting kasi na siya ang pipiliin ng school to be the uniform model. But earlier, it was announced sa page na si Lexi ang pinili nila. Kaya ayan, nagalit siya." Talagang pinakinggan ko ang sagot na iyon ng isa sa kanila dahil gusto ko ring malaman ang pinagmulan nito.

So iyon pala. Sabagay, lahat yata ng babae rito sa AEVA gustong maging model ng school uniform to gain popularity. Ang alam ko rin si Arjon ang model for boys kaya siguradong mas pinag-aagawan ang spot na 'yon. Ang alam ko rin ay random ang pagpili. Walang audition na naganap.

"Hindi ko alam na magpapakababa ka ng ganito." Sa wakas ay sumagot si Lexi gamit ang mahinhin at mala-anghel niyang boses. Napasiring ako nang marinig 'yon.

Humugong ang ingay sa paligid galing sa mga taong manghang-mangha sa ina-akto ni Lexi.

Pilit at sarkastikong tumawa si Camilla para hindi mapahiya. Sa tawang iyon ay tila hindi niya matanggap ang sinabi ni Lexi.

"Ang yabang mo ah . . ." Dahan-dahang humakbang si Camilla papalapit kay Lexi na hindi man lang bumago sa kinatatayuan. Nang isang habkang na lang ang pangitan nila sa isa't-isa ay tumigil si Camilla.

Agad akong nakaramdam ng pag-aalala nang muling maalala ang katotohanan tungkol kay Lexi. Mukha kasing gigil na gigil si Camilla na sabunutan siya dahil sa pagkuyom ng kamao niya.

Paano kapag sinabunutan nga siya ni Camilla kagaya ng ginawa ko at matanggal ang wig niya, then malaman nila ang totoo?!

Teka, ano ba'ng pakiaalam ko? Wala naman 'di ba? Bahala siya kung ano'ng mangyari sa kaniya. Deserve naman niya iyon dahil nagsinungaling siya. Deserve din nilang lahat na mahalaman ang katotohanan tungkol sa iniidolo nila. We deserve an apology from her, lalo na si Arjon. Ang tagal niya siyang niloko at pinaasa.

Wala ka dapat ika-guilty kung lumabas man ang totoo, Rania. Problema na niya 'yon. She should reap what she sow. Siguro it's about time na malaman na nila ang katotohanan.

I sigh. Labas ako sa kung anuman ang mangyari sa kaniya dahil hindi naman kami magkaibigan.

Tumango ako bilang pagkumbinsi sa sarili at tatalikod na sana para iwan sila doon. Hindi na ako interesado pang makita kung ano ang mangyayari sa kaniya. Pero kagaya ng inaasahan ay gagawin nga ni Camilla ang nasa isip ko. Nagsimula ang piit na sigawan ng ng mga estudyante. Napapikit ako at sa halip na dalhin ako ng paa ko paalis sa lugar na iyon ay tila ba may sarili itong desisyon na tumakad papunta sa dalawa.

Mapagdesisyon.

Wala na akong nagawa kundi sundin ito, tutal naman ay nandito na rin ako. Hinarang ko ang akmang pagsabunot ni Camilla kay Lexi.

Natigil sa ere ang kamay niya nang makita ako. Magkaharap kami ngayon at kitang-kita ko ang panlilisik ng mga mata niya sa akin.

Hindi makapaniwalang nagbitaw siya ng malakas na buntong hininga kasabay ng paglingon sa kanan at pagbaba ng kaniyang kamay.

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now