CHAPTER 17

163 13 1
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ako makapaniwala pero sa tingin ko ay napag-tripan lang ako ng mga kaklase ko na iboto para sa pageant na 'yon. They're even laughing and teasing me about it. I'm starting to lose my confidence lalo na nang malaman ko na partner si Lexi at Arjon. Tapos partner ko 'tong batugan kong kaklase. Mundo nga naman, oh!

"What do think of this one?" tanong ni Jasmine na pinapipili ako sa mga damit niya. Siniringan ko lang siya.

"You're taking med-tech Jas, and I'll be a graphic designer. Magkaiba naman ng uniform 'yon," sagot ko at bagsak ang balikat na siniringan siya.

"Rania, wala naman kaseng formal uniform ang graphic designer. Siguro depende sa a-applyan mong company, pero usually 'di ba, wala naman talaga. Formal wear lang," saad niya na sinang-ayunan ko naman.

Napasalampak nalang ako sa kama niya. "I never signed up for this," halos mangiyak-ngiyak kong saad. Naramdaman ko naman na ni-tap niya 'yung balikat ko.

"I'll help you Ran." Gumaan ang loob ko kasi alam ko na nandyan siya, pero hindi pa rin mawala 'yong kaba ko sa nalalapit na contest

Umuwi ako sa dorm dala ang ilang gamit na hiniram ko kay Jasmine. Nandon na si Lexi at kagaya ng nakasanayan ay nagbabasa ng libro habang nakahiga sa kama. Ang kaibahan lang ay tinapunan niya ako ng tingin at hindi na siya tumayo para kumuha ng cardigan at umalis. Naka-panlalaking damit na siya at wala din siyang wig.

Siniringan ko lang siya at dumiretso sa kama ko para ayusin ang mga gamit ko.

"Ang sungit mo," rinig kong saad niya gamit ang malalim at malamig niyang boses. Hindi ako sumagot, ewan ko bakit badtrip ako sa kaniya. Siguro dahil naiinggit ako na sila ni Arjon 'yung partner.

"Rania," tawag niya pero hindi ako sumagot. Naramdaman ko na humakbang siya papalapit at hinawi 'yong kurtina na nagsisilbing border naming dalawa.

"Ano 'yan?" pangungulit niya pa. Tinignan ko lang siya at pinaalis.

"Wag ka dito makikita mo 'yung gamit ko," saad ko at tumayo para itulak siya pabalik. Narinig ko pa ang nakakairita niyang tawa.

"Kasali ka pala sa pageant?" tanong niya at muling sumilip sa kurtina.

"Ikaw din!" Ngumiwi ako at inirapan siya.

"Sayang, gusto sana kitang maging kapareha, kaya lang niyaya ako ni Arjon, eh," pang aasar niya pa. Hindi naman ako naasar. Nainis ako, nainggit, nag selos. Hindi ako sumagot at hinayaan lang sya.

"Did I say something wrong?" tanong niya nang hindi ako sumagot. Naiinis ako at nalulungkot. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Nagulat nalang ako nang maramdaman ang pag init ng mata ko at pangingilid ng luha rito.

Nakakainis! Bakit ba napaka babaw ng luha ko? Lagi na lang ang umiiyak kahit hindi naman talaga ako naiiyak. Umiiyak ako 'pag naiinis ako, 'pag nagtatampo, 'pag nag seselos. Umiiyak ako sa lahat ng pagkakataon! Bad habit!

I sniff.

"Hey, what was that?" halata sa tono ng boses ni Tiam na nag aalala sya. Iniharap nya ako sa kaniya at wala akong nagawa kung hindi pahirin ang luha na hindi sinsadyang tumulo. "Are you crying?" tanong nya pero hinawi ko lang ang kamay nya.

Nakakatawa na nag seselos ako sa isang lalaki. Pero mas gugustuhin ko pa na magkagusto si Arjon sa ibang babae kaysa kay Lexi. Masasaktan lang siya 'pag nalaman niya ang totoo.

"Rania, what is it?!--"

"Wala! Wala, wala," sagot ko na lang at umaasang tatahimik siya. "OA lang ako. Please umalis ka na," sagot ko.

"I won't leave hanggat hindi mo sinasabi sa 'kin kung ano'ng maling ginawa ko," he firmly replied.

Hindi na ako nag salita at inayos ang kama ko. Humiga ako at nagtaklob ng kumot, hinayaan ko siyang tumayo roon. Tumayo ka r'yan magdamag.

"Ang labo mo," rinig kong bulong niya pero hindi ako umimik. Pinalipas ko ang ilang minuto o ilang oras bago tanggalin ang taklob na kumot.

Akala ko ay umalis na siya pero nandito pa rin siya, nakaupo sa sahig, nakahilig ang ulo sa kama at nakatulog na.

Pinagmasdan ko siya. Medyo na guilty naman ako sa ginawa ko. Napaka pabebe ko, kadiri! Maganda siya pag naka-wig pero ang guwapo niya pag wala ito.

Napaka manly ng hitsura pero napaka girly din. Nakakatawa na nag eexist sya. Nakakainis dahil nagustuhan sya ni Arjon kahit na ganiyan 'yung ugali niya.

Hindi ko na siya ginising at pinagmasdan na lang hanggang sa makatulog ako.

Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat . . . pero hindi ako. Napakagulo ng buong academy. Lahat ay busy, pati na rin 'yung mga seniors from tertiary.

Ipinatawag lahat ng candidates sandali para sa maikling orietation. Mamayang gabi pa naman ang pageant kaya marami pang time na makapag-ayos.

Dumating na rin si Jasmine para ayusan ako. Mag absent pa siya sa school niya para lang sa araw na ito. Ang sweet niya, 'di ba. College na nga pala siya, taking up med-tech. Matanda kasi siya ng dalawang taon sa akin, pero hindi halata dahil pareho lang kami ng level ng maturity. Ayaw din niya na tinatawag ko siyang 'ate'.

Siya 'yung mag ma-make up sa 'kin tapos si Ellie 'yung sponsor ng damit ko. Binigyan niya rin ako ng kwintas. Akin na raw 'to. Nahihiya naman akong tanggapin kasi mukhang mamahalin pero she insisted kaya naman tinanggap ko na rin.

Nakiusap ako kay Ellie na sa dorm na lang niya ako mag ayos since hindi naman siya kasali o 'yung roommate niya. Walang gagamit noong dorm kaya pumayag siya. Ayoko kasi sa dorm namin, ewan ko baka doon mag ayos si Lexi.

"Rania, bakit naman ganiyan ang hitsura mo? Hindi ka ba exited?" tanong ni Ellie na hindi ko naman sinagot.

"Ayaw niya ng ganitong mga rampa rampa." Si Jasmine ang sumagot na siyang nag-aayos ng mukha ko habang inaayos naman ni Ellie ang buhok ko. Buti na lang kaibigan ko sila.

"Tss, cheer up, Rania! You're gorgeous!" Ellie while trying to boost up my confidence.

"Masyadong maraming magaganda, sexy at confident na participants. Sa tingin n'yo kaya kong makipagsabayan sa kanila?" tanong ko pa habang nakatingin sa sarili sa salamin.

"Kayang kaya mo 'yan, Rania! Nandito lang kami!" Nangiti naman ako sa sinabi nila. Bumuntong hininga ako bago tanggalin 'yung salamin ko. Ayoko sana, pero sabi nila hindi daw bagay. Pinagsuot na lang nila ako ng contact lens na medyo grayish yung kulay.

Bumagay naman 'yon sa suot kong skirt at off shoulder. Masyadong fitted yung top at may kaigsian naman yung skirt kaya medyo hindi ako komportable.

Kinulot nila yung buhok ko at at naglagay lang ng dalawang maliit na braids sa magkabilang side at hinayaan nilang nakalagay ito.

Sinuot nila sakin yung camera at pinahawak 'yung sketchpad at isang mechanical pencil. Props daw.

Natuwa naman ako sa hawak ko dahil eto talaga 'yung pangarap ko. Pero hindi kasama sa pangarap na 'yon ang pagsusuot nitong damit na halos kita na ang kaluluwa ko.

Napangiwi ako sa suot ko.

"Eto na talaga 'yung susuotin ko?" gulat na tanong ko, natawa na lang silang dalawa at lumapit sa akin.

"Rania, you don't have any idea kung gaano ka ganda ngayong gabi," saad ni Ellie.

"First time kitang makitang ganito kaganda buong buhay ko na magkasama tayo. Cheer up, Rania. Be confident."

Napangiti na lang ako at huminga ng malalim. Tama sila, minsan lang to sa buhay ko. Dapat i-push ko na ng sagad!

"Bring home the bacon!" saad nila. Mas lumaki ang ngiti ko at inulit ang sinabi nila.

"I'll bring it home."


Votes and Comments are highly appreciated!

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now