CHAPTER 27: A thread

154 12 1
                                    

Ibinalik din namin agad yung bike matapos libutin ang buong parke.. Medyo nawala naman yung awkwardness namin ni Tiam--ako lang pala. 

Nag libot-libot din kami ni Tiam sa ilan pang bahagi ng parke at kumain ng ilang street foods na binebenta don.  Favorite ko don yung kwek-kwek na sabi nya ay hindi nya pa natitikman kaya naman sapilitan ko syang pinakain no'n.

Napag desisyonan namin na nag pahinga muna, kanina pa din kase kami lakad ng lakad at paikot-ikot sa buong park. 

"May nakita pala 'kong Ice cream truck do'n kanina, Gusto mo ng ice cream?" nagulat ako sa biglaang pag baling ni Tiam sa akin..  Medyo nag lean pa sya kaya napausog ako ng konte.

Tikom ang bibig na tumango naman ako.  Pambihirang yan Rania anong kapabebehan 'to?! 

Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko bago nag lakad papunta sa bilihan nga ice cream.  Nakita ko din yung truck na 'yon at medyo may kalayuan 'yon dito sa pwesto namin pero saglit lang yan kay Tiam. 

Kinuha ko muna yung cellphone ko at sandaling nag scroll sa facebook ko. 

Napabuntong hininga nalang ako nang makita ang video ni Tiam sa Group page ng AEV with a caption 'The Campus Queen wasn't really a Queen but a King.'

I bit my lower lip at sinilip pa yung comment section. Mukhang nagkamali ako na ginawa ko pa 'yon dahil nasaktan lang ako sa mga harsh na comments nila. 

Kahit na hindi naman ako yung nasa video, masakit pa din sa'kin na nangyayari 'to kay Tiam.  Mag kaibigan kase kami! 

Tumango nalang ako sa naisip at inayos ang salamin ko saka muling nag scroll sa Group page.

Natigilan ako sa post ng isang random student.  Hindi ako pamilyar sa estudyanteng ito kaya mas nag focus nalang ako sa post nya. 

Tiam Mavi Cortez  a.k.a Lexi Flores

A thread;

Halos masapo ko noo ko.  A thread?  Anong kalokohan 'to?!  Yan yung caption ng post tapos may naka lagay na apat na aesthetic picture ni Tiam.

Sa unang picture ay kapansin-pansin ang pagiging formal nya.  Nakasuot sya ng tuxedo with necktie, nakangiti sya habang may kausap,  mukang nasa party or what. 

Sa pangalawa naman ay ang picture nya sa beach dala ang surfboard. Kung may iniinom lang ako ay malamang na naibuga ko na hehe.  Flex na flex yung katawan nya, hehe naka topless kase sya.  Nakasuot din ng sun glasses.

Yung pangatlo ay close up naman ng mukha nya,  mamasa-masa ang magulo nyang buhok,  nakasuot ng polo na nakababa ang butones.. Kahit picture lang ay kitang kita na alagang alaga ang mukha nya hehe sana all may skincare! Fine-flex din sa picture na 'yon yung relo nya na sumisigaw ng Daniel Wellington. Di ko alam pero mukha syang model. 

Yung last picture ay parang stolen lang nya,  mukhang sa airport to kinuhanan,  may dala syang maleta,  nakasuot ng eyeglass habang nag lalakad.  Ang gwapo nya don legit! 

Pumunta naman ako sa comment section para mabasa yung thread nya.

Tiam Mavi Cortez disguised as a girl and named himself Lexi Flores the so-called Campus Queen of Antonio E.  Vazquez

Random facts?

The AEV's campus crush Arjon Vazquez used to admire him as Lexi Flores. 

Ediwow! Maka gamit naman 'to ng word na 'admire' sakit ah! 

Ang dami pa nyang sinabi tungkol sa pagkagusto ni Arjon kay Lexi.. In-emphasized nya talaga! Pag 'tong nag post na 'to nakita ko sa school hilahin ko buhok nito.  Joke. 

Natigilan ako sa  sumunod na comment.

He was the missing Son of Mario Cortez,  the owner of Cortez Trading company.

Ang daming react nyang thread na yan.  So tama nga ang hinala ko,  mga magulang nga ni Tiam yung kasama nya sa picture.  Grabe ibig sabihin ang yaman pala nya--este ng pamilyang kinalak'han nya.

He was wanted for almost 2 years. 

Grabe naman to maka wanted, pinag hahanap lang eh!

Ang dami pang nakalagay do'n na random facts about sa kanya like eye color nya,  height and everything pero iisa lang ang hinahanap ng mga readers. 

Why did he hide?  Why did he disguised himself as a woman? Why did he run away from his perfect life?

And they don't have any idea. 

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nag basa ng comments nila,  pati kase mga replies sa thread binabasa ko.  Madami naman ang namangha sa kagwapuhan nya,  marami ang naghinayang at nag tatanong kung bakla ba sya,  pero nando'n pa din yung mga taong galit na galit kagaya ni Camilla. 

Camilla Sanchez
Tss.  Flexing him huh?!  He's a great liar.

Sarap talaga gilitan nitong si Camilla e.  Chos. 

Loyal kay Arjon di na hook sa kagwapuhan ni Tiam. Teka ako yata 'yon? 

Hindi nga ba? 

Napapikit nalang ako sa inis at ibinaba ang cellphone ko.  Tinignan ko yung relo ko para malaman kung gaano na katagal wala si Tiam. 

Bakit ba ang tagal nya? 

Ilang minuto pa akong nag hintay bago tuluyang tumayo para sundan sya. 

Dumiretso ako sa ice cream truck pero wala naman sya do'n. 

Nagtanong tanong ako,  maging yung nag bebenta ng ice cream tinanong ko na din pero sabi nya e madami daw bumibili at hindi nya maalala.. May katandaan na din kase si Manong. 

Tumango nalang ako at kinuha yung cellphone ko.  Tawagan ko nalang sya,  buti nalang at naka-save sa phone ko yung number nya. 

Ilang beses ng dial pero walang sumagot.  Nakakunot ang noong napagpasyahan ko na i-text nalang sya. 

Rania: Oy kupal nasa tapat ako ng ice cream truck wala ka naman dito.  San ka?

Itinabi ko yung cellphone ko at muli syang hinanap sa paligid.  Halos libutin ko na yung buong park pero wala talaga sya.  Bumalik ako sa spot kung saan nya ako iniwan.. Sa tingin ko ay Limang oras din akong nag hintay. 

Nakailang text din ako sa kanya. 

Nakailang tawag. 

At panay ang tingin sa paligid. 

He didn't show up that's why i decided to go home.. Gutom na din ako. 

Nag tricycle na 'ko pauwe,  hoping na pag uwe ko sa bahay ay makita ko si Tiam..  Sana nang g-good time lang sya!  Bigwasan ko sya pag nakita. 

Kaya ayon,  nag mamadali akong pumasok sa bahay.  Nandon si Kuya nakahiga at nanonood ng TV as usual.  Batugan.

Alam kong wala si Mama dito dahil nasa restaurant sya at hapon na kung umuwe kaya di na ako nag tanong. 

"Kuya,  nakita mo si Tiam?" tanong kay Kuya na humikap pa at tamad na tamad sumagot. 

"Rania,  mukha ba kong hanapan ng nawawalang jowa?  Sa gwapo 'kong to?" saad nya sabay turo sa sarili.  Napairap naman ako at dumiretso sa kwarto ko na tinutuluyan ni Tiam pero wala din sya.  Halos mabaliw ako kahahanap sa kanya.

Nawala si Kupal.

A Guy In Disguise (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora