CHAPTER 22

171 15 0
                                    

Lumipas ang sabado at linggo na walang pasok. Matindi ang lagnat ni Tiam at hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya, kaya wala akong ibang ginawa kundi ang intindihin siya dahil wala namang ibang gagawa no'n. Medyo masama pa ang loob ko dahil hindi ko na-enjoy ang weekends, pero okay na rin. Masaya naman ako.

Monday ngayon at nakumbinsi ko si Tiam na huwag munang pumasok para makapagpahinga pa. Sa nakalipas na dalawang araw ay wala namang kumatok sa pinto namin para batuhin kami ng itlog or worst, granada, dahil sa sikreto ni Tiam. Feeling ko naman hindi pa nagsasalita si Arjon. Sana nga.

Dahil doon ay kabado akong lumabas ng dorm para pumasok. Pero hindi inaasahang kakaiba ang naging approach nila sa akin. Kung dati ay nilalampas lampasan lang nila ako, ngayon ay halos lahat sila ay binabati ako.

"Woooh Raniaaaa!" salubong ng mga kaklase ko pagpasok ko ng room namin.

"Rania lume-level up ka na, ah! Congrats!" bati ng isa sa mga kaklase kong babae.

"Rania ang ganda mo that night, sana lagi! Hahahahaha!" pang aasar ng iba na nginitian ko lang.

Pero iba ang bati sa akin ni Ellie. Umupo ako sa upuan ko at hindi ko na ikinagulat ang biglaang pagharap niya sa akin.

Nakita kong tinignan niya pa ang paligid kaya naman napatingin din ako. Bumalik na sa normal nilang pinagkakaabalahan ang mga kaklase ko kaya free na siyang kausapin ako.

"What happened that night?" tanong nito. Nagkunwari naman ako na walang alam sa sinasabi nya, kumunot ang noo at ngumiti.

"I won. Hindi ka ba nanuod? Alam ko nando'n ka, e'." pagkukunwari ko pero hindi nagbago ang expression niya. Napakagat na lang ako sa labi. Kilala niya ako.


"Where did you go?" seryoso pa ring tanong niya. Nakakatakot siyang mag seryoso, nakakatakot siyang magalit. Elizabeth Madison, everyone.

"I just left. Alam mo naman na crush ko si Arjon, 'di ba? I just can't stand there while watching them, so I left," pagsasabi ko ng totoo. Tumango-tango siya na para bang hindi satisfied sa sagot ko.

"Tapos?" tanong niya na nag-aabang ng sagot. Sa mga ganitong pagkakataon masarap papasukin ang teacher, eh. Kaya lang lagi siyang wrong timing. Kung kailan nagkakasiyahan 'tsaka papasok.

"Tapos, umiyak lang ako somewhere in the academy at umuwi na sa dorm," sagot ko. Nakahinga ako ng maluwag nang nakita ko ang satisfaction sa mukha niya. "Bakit mo ba tinatanong? Para ka namang detective." Ako naman ngayon ang nagtanong at siniringan siya.

Hindi niya ako sinagot dahil nagsimula na ang klase. Tuloy-tuloy lang hanggang sa dumating ang favorite subject ko na alam kong favorite rin ng maraming estudyante. Break time.

Sabay kami ni Ellie na naglalakad sa corridor kagaya ng nakasanayan. Nagulat ako sa biglaang pagtigil niya sa kalagitnaan ng paglalakad at masayang kwentuhan namin.

"Sis, C.R. lang ako, sama ka?" tanong niya at pinakiramdaman ko naman ang sarili ko kung masi-CR ba ako.

"Hindi ako C-C.R. pero gusto mo samahan na lang kita?" Ganon ang girls, e'. Gusto laging may kasama sa C.R. na para bang nasa kamay ng kaibigan ang pantog.

"Tatagal pa tayo. Ako na lang. Mabilis lang, gutom na ako, e'. Antayin mo ko rito, ah," saad niya at mabilis na tumakbo. Hindi na ako nagsalita at dumungaw na lang magandang tanawin mula rito sa 3rd floor.

Tahimik na nag aantay ako kay Ellie, wala na yung mga tao sa corridor lahat sila ay nag bababaan na para sa break time kaya ikinagulat ko ang isang kamay na humigit sa akin.

Marahas niya akong iniharap sa kaniya at mahigpit na hinawakan sa magkabilang balikat. Nagitla ako.

"A-Arjon?" usal ko sa pangalan niya. Kagaya noong huling gabi kaming nagkita ay nandoon pa rin 'yung galit sa mata niya.

Walang ano-ano ay hinila niya ako paakyat sa bakanteng palapag ng 4th floor. Masyado siyang malakas at hindi ako makapalag.

Sa 4th floor ay mayroong ilang classroom na wala talagang gumagamit. Halos wala ring mga gamit doon. Pero isa sa mga room doon ay naging tambakan na lang ng mga gamit. Doon kami pumasok ni Arjon.

Itinulak nya ako papasok sa loob at pumasok din bago isara ang pinto. Woh! Kala ko ikukulong lang niya ako rito!

Humarap siya sa akin at hindi naman ako nag salita. Wala akong lakas ng loob at wala akong masabi. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'to at hindi ko gustong magtanong.

"Sabi mo gagawin mo ang lahat, 'di ba?" tanong niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko hindi siya pumayag?!

"P-Payag ka na?" tanong ko. He smirked at tatango-tangong naglakad papalapit sa mga lata ng hindi ko alam kung pintura o ano.

"Hmm," saad niya sabay sinagi ang isa sa mga 'yon dahilan para matapon at kumalat sa sahig. Nakakaasar na ngiti ang binaling niya sa akin. "Clean it," saad niya na ikinakunot ng noo ko.

"Huh?" I uttered.

"Clean. It." mas malinaw na saad niya. "You'll do anything, right? Everything." Wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa mga stock ng tela para pumili ng mukhang patapon na at maaring gawing basahan.

Hindi naman ako nabigo at kumuha ng isa. Umupo si Arjon sa abandonadong bangko at lamesa doon habang pinapanuod ang gagawin ko.

Akmang pupunasan ko na ito ng pigilan niya ako. "Oh--wipe it using your coat," saad niya patungkol sa coat ng uniform ko.

"Arjon?!" palag ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Napatingin na lang ako sa coat ko at sa paint na nakakalat sa sahig. 'Yun 'yung paint na ginagamit namin pag nag gagawa ng poster. Alam kong mahirap tanggalin 'yon at 'pag natuyo sa damit ay hindi na matatanggal.

"Rania, I'm waiting," pagmamadali pa niya kaya wala na akong nagawa kundi hubadin 'yung coat at umupo sa sahig para ipunas ito. Gusto ko siyang sapakin dahil sa inis pero nangingibabaw pa rin ang pagkagusto ko sa kaniya. Alam ko naman na nagagawa lang niya 'to dahil sa galit niya.

Tinignan ko siya at hindi ko makita ang satisfaction sa mukha niya. Nakikita ko na hindi naman niya talaga gusto ang pinapagawa inya. Naaawa ako sa kaniya.

Mabilis na tinapos ko ang paglilinis doon at 'di maiwasan na maging ang uniform at palda ko ay mapinturahan. Huminga ako nang malalim at tumayo habang hawak pa rin ang coat.

"Tapos na, " tanging nasabi ko at sandaling tinignan pa niya ako bago tumayo at lumapit sa akin.

"Good." Nakita ko pa ang paglunok niya matapos sabihin ang mga salitang iyon. Magsasalita pa sana siya pero isang malakas na pwersa ang tumulak sa pinto dahilan para bumukas ito.

Sabay kaming napalingon sa lalaking pumasok. "Tiam?" bulong ko. He's not in disguise anymore.

Lumapit siya sa gawi namin at hinila ako papunta sa likod niya at hinarap si Arjon.

"Ano'ng ginawa mo?" galit na tanong niya. Ang kaninang guilt na nararamdaman ni Arjon ay muli nanamang napalitan ng magkamuhi.

Ngumisi siya kay Tiam.

"It's a secret between me and Rania." Halata ang pagkainis ni Tiam dahil sa sagot ni Arjon. Namilog ang kamao niya senyales ng gigil nito pero hinawakan ko ito para pigilan siya.

Tinignan niya ako at ang hitsura ko. Muli niyang tinignan si Arjon at saka ako hinila papaalis. Bago pa man tuluyang makaalis ay hinila ni Arjon ang isang kamay ko dahilan para mapatigil kami.

"She's mine."

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now