CHAPTER 7

159 18 13
                                    

"Rania, 'di ba sabi ko naman sa 'yo huwag mong ide-date si Arjon?!" inis na sambit ni Ellie. Halata sa mukha niya na na-sstress siya sa pagiging pasaway ko. Ngumuso na lang ako. Ano pa ba'ng magagawa ko e' nangyari na.

"We dated before you even warned me. I can't undo the past. Nangyari na so I should just face the consequences," sagot ko na lang at umupo sa isang step ng hagdan pababa ng quadrangle.

"I still can't believe he dated you," aniya. Napangiwi naman ako. Medyo nainsulto ako sa part na 'yon ha. Kaasar 'tong si Ellie eh.

"Bakit naman? Sa tingin mo talaga hindi ako ide-date ni Arjon? Grabe, ka-date-date naman ako ah?" nakangusong tanong ko at saka binuksan 'yung snack na binili ko sa cafeteria kanina.

Tinignan niya pa 'ko mula ulo hanggang paa at ngumiwi. "Hindi eh." Bumagsak na lang ang balikat ko sa sinabi niya. Siguro nga hindi talaga ako magugustuhan at ide-date ni Arjon kung hindi lang dahil doon sa deal namin.

Umupo siya sa tabi ko na tila ba naiintriga sa gustong malaman. "So, bakit ka nga niya dinate? Binlock mail mo siya 'no?! Ano'ng sinabi mo?" curious na tanong niya. Napaisip ako bigla. Kaibigan ko naman siya at mapagkakatiwalaan kaya siguro okay lang naman na sabihin sa kanya kahit na sinabi sa 'kin ni Arjon na huwag 'kong sabihin kahit kanino 'yong tungkol sa deal na 'yon. Bukod kasi sa magmumukha akong pathetic, ayaw rin ni Arjon na makarating 'yon kay Lexi.

"Hindi 'no. Siya nga may kailangan sa 'kin e," saad ko at kinuha 'yong bottled water. Naiwan ko 'yung tumbler ko sa dorm kaya eto, napabili tuloy ako ng tubig.

"Tss, ano namang kakailanganin sa 'yo ng isang Arjon Vazquez? Haha! Alam mo, kung walang evidence na nag-date kayong dalawa, iisipin ko talaga na nag-aassume ka lang," umiiling na saad niya at saka tinaktak sa bibig ang natitirang laman ng kinakaing junkfood.

I sigh. "He dated me and I'll help him with my roommate, Lexi, in exchange," tulalang saad ko habang inaalala 'yung deal namin ni Arjon. Nagulat ako nang mapaubo siya, marahil ay nasamid sa kinakaing snack.

"Tu-tubing--" *cough* agad naman na nag panic ako, ngunit nang iaabot ko na sa kanya ang tubig ay naalala kong may pagka-madaldal nga pala 'tong si Ellie. "Rania--"

"Promise me first na you won't tell anyone about that deal. That's very confidential, Ellie--"

"Oo na *cough* p-promise!" saad niya saka ko inabot 'yung tubig. Pinanood ko lang siya na inumin ito at nang matapos ay matalim niya akong tinignan.

"Papatayin mo talaga ako talaga ako para lang kay Arjon--"

Kumunot ang noo ko dahil hindi niya tinapos ang sasabihin niya at tila siya nakita ng multo sa likuran ko. Mas lalo akong nalito sa inasal niya dahil ngumuso-nguso pa siya na para bang may itinuturo sa likod, nang makuha ko 'yon ay agad din akong lumingon.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko na para bang hinahabol ito ng sampung kabayo.

"Arjon?" Napatayo ako. Ang ibang estudyante na nakaupo din sa steps ng hagdan ay nabaling din ang atensyon sa amin. Laks talaga ni Arjon.

"Rania," bati naman niya at sunod na bumaling ang tingin kay Ellie. "Hey Ellie!" aniya.

Na-kuwento sa akin ni Ellie na magkaklase sila ni Arjon noong kinder kaya naman magkakilala sila. Mayaman din kasi ang pamilya ni Ellie at malaki rin ang share ng family nila sa school na 'to. Natatawa niyang ikunwento sa 'kin kung gaano kadugyot pero cute si Arjon dati. Nabanggit din niya na nagka-crush ito sa kanya noong mga bata sila pero hindi naman niya pinansin. Bukod sa hindi niya type si Arjon ay hindi raw siya pwedeng magka-crush. Hindi naman niya pinaliwanag pero sabi niya e' may nakalaan na raw na lalaki para sa kanya.

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now