CHAPTER 23

175 14 1
                                    

She's mine." Natgilan ako sa narinig mula kay Arjon. Ano'ng sabi niya? She's mine? Who? Me? Well, ako lang naman ang babae dito. Pero bakit naman iyon sasabihin ni Arjon?

Napalingon ako sa kanIya at sa kamay nIya na mahigpit na nakahawak sa wrist ko. Hindi siya nakatingin sa akin kundi kay Tiam. Nakatingin siya gamit ang nag aapoy sa galit niyang mga mata.

Hinila ako ni Tiam pero hindi pa rin bumitaw si Arjon kaya naipit ako sa gitna nilang dalawa. Para akong bagay na pinag-aagawan nila. Hindi ko alam sa sarili ko kung matutuwa ba ako, kikiligin, o matatakot sa tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko na lang na maglaho, o nananalangin na sana ay may dumating para matapos na ito, pero imposible iyon dahil madalang namang may pumunta sa lugar na ito. Sana ay hanapin ako ni Ellie.

Humakbang si Tiam papalapit kay Arjon. Magka height lang sila kaya diretso nila kung titigan ang isa't isa.

"Let her go," malamig ang boses na saad ni Tiam. Damang-dama ang galit at pagkainis sa boses nito na para bang anumang oras ay lalabas sa mga kamao niya.

Ngumisi si Arjon ngunit hindi nagpatinag. "She's mine. I won't let her go--" Nagulat ako nang itulak ni Tiam si Arjon dahilan para mabitawan nila akong dalawa. Kasunod ay ang mabilis na paglipad ng kamao ni Tiam sa mukha ni Arjon na napasalampak sa sahig dahil sa lakas ng pwersa na natamo mula kay Tiam.

"Arjon!" nag aalalang tawag ko ngunit hindi makalapit sa dalawa na kumukulo ang dugo sa isa't isa. Akmang babanat pa si Tiam ngunit tumigil siya nang tawagin ko ang pangalan niya.

Binitawan niya ang kinuwelyohang si Arjon at umayos ng tayo bago magsalita.

"Your family may own this school, but not any of us. Especially not Rania," mariing ani Tiam at hinila ako palabas ng room na iyon. Nilingon ko pa ang tumatayong si Arjon. Hindi ko alam kung bakit ako naaawa sa kaniya, samantalang siya ang may ginawa sa akin.

Alam ko na hindi ka ganito, Arjon. Alam kong mabuti ka, at nasasaktan ka lang.

Bumaba kami ng 3rd floor at mukhang tapos na ang break time. Nag aakyatan na ulit 'yung mga estudyante ng 3rd floor.

Kinabahan pa ako nang maalalang hindi naman naka-disguise si Tiam. Gusto ko sana siyangpigilang salubungin ang mga estudyante, pero tila ba wala siyang pakialam. Sinalubong niya sila habang hawak ang kamay ko. Hindi niya binibitawan.

Kita ko kung paano siya pag tinginan at kakiligan ng ibang mga estudyante, pero 'pag nakikita nila ako . . . ang madumi kong hitsura at ang magkahawak naming kamay ay pagtataka ang nangingibabaw sa mga mukha nila.

"Omo, sino siya?"

"Bago ko lang siya nakita, transferee ba siya?"

"Ang guwapo niya!"

"True, sis! Pero bakit sila magkasama ni Rania? Nakakainggit naman!"

Sa mga pagkakataong iyon ay isa lang ang pumasok sa isip ko. Hindi nila nakilala si Tiam. Hindi nila namukhaan na si Lexi ito. Sana nga ay walang nakapansin.

Ibang-iba naman kasi talaga ang hitsura ni Tiam kapag maayos ba nakapanlalaki. Oo, kagaa ng sinabi nila, guwapo siya.

Nakalampas kami sa nagkakagulong hallway na iyon. Halos wala ng tao sa quadrangle maging sa soccer field dahil sa oras na ng klase.

Tumigil kami sa pagtakbo. Naghabol pa ako ng hininga pero natigil din agad nang magsalita si Tiam.

"Ano'ng ginagawa mo ro'n? Ano'ng ginawa niya sa 'yo?" galit na tanong niya. Napatungo na lang ako at nanatiling tahimik habang nag-iiisp ng maidadahilan.

Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko. Ang alam niya'y okay kami ni Arjon.

"Bakit ganiyan ang hitsura mo, Rania!" Nagitla ako sa sigaw niya. Dahil doon ay hindi na ako lubos na nakapag-isip ng isasagot.

"W-Wala, n-nag-usap lang kami . . . n-natapos 'yong paint kaya nilinis ko," kabadong sagot ko. Nakita ko naman ang pagbabago ng expression niya, Mas naging seryoso, mas nakakatakot.

"Totoo nga ang sinabi nya. Sinungaling ka." Halos manghina ang tuhod ko sa mga huling salitang binanggit niya bago mabilis na lumakad paalis at iwan ako.

Hindi ko na siya tinawag pa. Hindi ko alam kung bakit tila ba walang salitang lumalabas sa bibig ko. Pilit na nagpapaulit-ulit sa isipan ko ang mga sinabi niya.

Wala na akong nagawa kung hindi ang mag isang mag lakad pauwi. Humarap ako sa salamin at hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa hitsura ko.

Maski sa mukha ay may paint ako. Punong-puno ang kamay at mayroon din sa braso. Hawak ko pa rin yung coat ng uniform ko na punong-puno na ng paint. Tsk, hindi na to matatanggal. Mukhang kailangan ko nang mag request ng bago. Dalawa lang kasi ang ganito ko.

Dumiretso ako sa banyo para mag linis. Natagalan ako roon pero wala pa rin si Tiam paglabas ko. Hinintay ko siya sa mga sumunod pang oras pero wala pa ring Tiam na nagpakita.

Halos hindi ako natulog buong magdamag pero walang Tiam na umuwi. Mukhang galit nga siya talaga sa akin. Ganon ba ako kasama? Galit sakin si Arjon at maging si Tiam. Hays, siguro nga sumosobra na ako.

"Rania!" tawag sa akin ni Ellie habang naglalakad ako sa hallway papasok ng classroom.

"Good morning," sinikap kong maging masigla kahit na nanlulumo ang kalooban ko. Napatingin ako kay Ellie nang hindi sya sumagot. Nakakunot ang noo niya na para bang may inaalalang kung ano. "Okay ka lang?" tanong ko.

"Nitong mga nakakaraan nagiging makakalimutin ako," saad niya at napakamot ng ulo. "Minsan hindi ko alam kung ano'ng ginawa ko sa mga nakalipas na oras," saad niya na mukha namang seryoso. Halata nga dahil hindi niya naalala na nawala ako kahapon.

"Makakalimutin din ako minsan," sagot ko na lang na tinanguan niya. Ngumiti siya sa akin at sabay kaming pumasok sa room.

Pero bago pa man ako tuluyang makapasok ay isang kamay ang humawak sa braso ko. Nakakunot ang noong napatingin ako sa may ari ng kamay na 'yon.

"Arjon?!" gulat na tanong ko, napatingin naman si Ellie. Walang emosyon na makikita sa mukha niya maging sa mata niya.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin papasok sa sa classroom papunta sa unahan.

Umalingawngaw ang bulungan sa buong classroom. Ramdam ko ang gulat at pagtataka ng mga kaklase ko dahil sa nangyayari. Kahit naman siguro anong classroom ang pasukin ni Arjon ay magiging ganoon ang reaction ng tao.

Tinignan niya muna ako na wala pa ring emosyon sa mukha bago tuluyang humarap sa mga kaklase ko, sa buong classroom. Inakbayan niya ako at natahimik silang lahat.

"Get your phones, cameras, spread the news! Rania Delos Reyes is now my slave! That means, she's mine." Kagaya ng lahat ng nandito ay napanganga na ang ako sa sinabi ni Arjon. Humugong ang ingay at tila ba kilig mula sa mga kaklase ko, pero ako, sa halip na kiligin ay hindi.

Nakatingala lang ako sa kaniya at hindi alam kung paano mag rereact. Hindi ko alam kung ano'ng trip niya.

Kinuha ko ang kamay niya na nakaabay sa balikat ko at hinila siya palabas ng room. Halos mag hiyawan naman sa pang-aasar ang mga kaklase kong lalaki.

"Ikaw na talaga, Madam Rania!" Rining ko pang sabi ng isa bago kami tuluyang makalabas.

Marahas na binawi niya sa akin ang kamay niya nang makalayo kami sa lugar. Humarap ako sa kaniya na ngayon ay halatang inis na. Kung inis sya, mas inis ako.

"Ano'ng trip mo? Anong kalokohan 'yon?" malakas ang loob na sabi ko sa kaniya. "I'm your slave? Sino'ng may sabi?" I actually like the idea of being his', pero being his slave? Men!

He chuckled. "'Di ba sabi mo gagawin mo ang lahat para manatiling lihim ang katotohanan tungkol kay Lex--oh, or should I say 'Tiam'? Then be my slave." Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya.

"Arjon, sobra naman--"

"You see, you only have two choices. Be my slave, or I'll tell everyone--to the whole campus, that the so-called Campus Queen . . . was actually a king."

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now