CHAPTER 1

519 25 6
                                    

"Bye 'nak. Ingat ka r'on ha?" saad ni mama habang inaayos ang buhok ko. Medyo OA talaga itong si Mama, pero mami-miss ko siya.

"Ma, para namang hindi ako uuwi dito para bumisita? Saka mag-aaral naman po ako ng mabuti kaya huwag po kayong mag-alala," sagot ko para pagaanin ang loob niya. Ewan ko ba rito kay Mama, nakakatawa minsan.

Matapos ang sandaling paalaman na halos ayaw akong pakawalan ni Mama ay hinayaan na rin niya akong umalis. Napangiti ako nang muling tignan ang email sa akin ng AEV Academy. Hindi pa rin ako makapaniwala na kinonsidera ng eskwelahan na iyon ang application ko. Hindi naman ako ganoon katalino pero maayos naman ang mga marka ko.

Sa sobrang pagkatitig ko roon ay hindi ko na namalayan ang pag-upo ng isang lalaki sa gilid ko. Hindi ko na rin napansin kung nasaan na ang bus na sinasakyan ko.

Napangiwi ako nang humarang sa screen ko ang incoming call ng pinsan kong si Jasmine.

"Jas? Napatawag ka?" tanong ko nang sagutin ang tawag. Sumandal ako sa inuupuan ko dahil medyo maligalig mag drive itong driver ng bus.

"Raaaan!" Inilayo ko sa tenga ko ang telepono dahil sa sigaw niyang iyon. Ang hilig niya talagang manigaw sa telepono e'. "Narinig ko kay Tita na pa-Manila ka na raw? Saan ka tutuloy? Dito ka muna sa amin, sasabihin ko may Mama!" aniya.

Gusto ko sanang tumuloy sa kanila para makita ko ulit siya at ang kapatid niyang si Janine. Matagal ko na silang hindi nakikita. Hindi kasi sila nag bakasyon sa amin noong summer dahil busy ang parents niya sa family business nila. Pero every summer sa aming talaga sila nag babakasyon.

"Aw, miss ko na kayo ni Janine, kaya lang didiretso ako sa school e, ibaba ko na 'yong mga gamit ko roon tapos settle ko muna schedule ng class ko, so baka hindi muna ako makapunta diyan sa inyo," sagot ko.

"Ah, gan'on ba?"

"Oo, ayusin ko muna la--"

Halos masubsob ako nang pumreno 'yong bus. Ang wreckless naman kasi ni manong mag drive, akala mo e walang sakay na mga may buhay!

Narinig ko pang nagalit ang iba at nag reklamo. Inayos ko na lang ang salamin ko na muntik mahulog dahil sa nangyaring iyon, at saka ako nag paalam kay Jasmine.

Bumuntong hininga ako at itinabi ang cellphone ko. Kinuha ko 'yong chocolate na itinabi ko sa bag para kainin, pero nakonsensya naman ako na hindi alukin iyong lalaking katabi ko kahit na hindi ko naman siya kilala.

Tumikhim ako bago siya alukin. " Gusto mo?" tanong ko. Nakasuot ng cap 'yong lalaki kaya hindi ko gaanong kita ang mukha niya. Slim ang katawan niya at maputi. Tinignan niya lang 'yong binibigay ko at umiling. Nag kibit-balikat na lang ako. E'di huwag ba.

Hindi ko namalayan ang pag lipas ng oras. Naging abala ako sa pagtingin sa mga nadadaanan namin at sandaling nakatulog din ako kaya naman pagmulat ko ay nagmamadali nang bumaba ang lahat.

Mabilis kong kinuhuha ang dala kong maleta. Nakatayo na ako nang mabunggo akong niyong lalaki na katabi ko kanina. Nagmamadali rin siyang bumaba. Inis na sinudan ko na lang siya ng tingin. Wala na naman akong magagawa dahil naka-alis na siya.

I just cheered myself up. "Kaya mo 'yan, Rania," bulong ko sa sarili at saka bumaba. Malapit lang naman dito ang AEVA ilang lakad na lang. Buti na lang at nakarating na ako rito noon kaya alam ko kung saan. Hindi rin naman ako natatakot maligaw dito sa Maynila dahil may kakilala naman ako rito.

Lumakad na lang ako papunta sa Academy habang patuloy pa rin ang pagmamasid sa paligid. Marami rin ang kasabayan ko na sa tingin ko ay papunta rin sa AEVA dahil may mga dala rin silang gamit. Dormitory school kasi ang AEVA kaya ang mga nag-aaral doon ay nanatili lamang sa loob ng paaralan. Okay din 'yon para sa mga kagaya ko na malayo ang pinanggalingan.

Unang bungad pa lang sa akin ng gate ng paaralan ay nakaramdam agad ako ng kaba at excitement. Nakalagay sa taas ng gate ang buong pangalan ng school, 'Antonio E. Vasquez Academy'. Siguradong magiging masaya ang mga taon ko sa academy na 'to. Mas mamomotivate ako na mag aral lalo pa at alam kong malaki ang ibinayad ni Mama para sa tuition fee ko. Hindi naman kami mayaman na pamilya kagaya ng ibang mag-aaral dito. Hindi ko maimagine kung gaanong pinag-ipunan ni Mama 'yong ibinayad niya rito.

"Magandang araw po," bati ko sa guard na may malaking ngiti. As you can see, I'm trying to be nice sa lahat ng tao dahil ayokong simulan ang taon ko dito sa AEVA nang puro na naman ako kamalasan.

"Transfer student po ako. Saan ko po kaya makukuha 'yong sched ko?" malaki ang ngiting tanong ko sa guard.

"Ah, new student ba, sa quadrangle, may mga grade 12 student doon na nag bibigay ng sched para sa schedule, pila ka na lang depende sa strand na in-enroll mo," aniya. Nagpasalamat ako at saka dumiretso sa itinuro niya. Ang laki ng school at sobrang daming tao. HIndi naman maikakaila sa suot ng iba na galing sila sa mayamang pamilya. Gayunpaman ay mas lalong akong na-excite sa magiging buhay ko sa school na 'to.

Lumapit ako doon sa line ng arts and design. Yes, arts and design ang track na kinuha ko. Mahilig ako mag drawing at maayos maalam din naman ako sa editing at graphic designing. Sa tingin ko ay dito talaga ako bagay.

"Name?" tanong n'ong babae na mukhang japanese. Ang ganda niya, intimidating.

"Rania Delos Reyes, G11 transferee po," sagot ko. Tumango naman siya at sandaling may hinanap sa mga folder na nakasalansan sa lamesa. Iniabot niya sa aking ang isang handbook at papel para pirmahan ko. Hindi ko na masyadong binasa 'yong papel na ibinigay niya. Pinirmahan ko na lang. Hindi naman siguro ako ii-scam-in ng AEVA, 'di ba?

Ibabalik ko na sana sa babae 'yong papel nang mapansin ko ang isang lalaki sa 'di kakayuan. Nakasuot siya ng salamin at ang lakas talaga ng dating. Tumatawa pa siyang nakipag-apir sa mga tropa na sumalubong sa kaniya. Nakita ko rin kung paanong kiligin sa kaniya ang ilang kababaihang napapadaan sa gawi niya.

"Miss?" Natigil ako sa pagtingin sa guwapong lalaking iyon nang tawagin ako n'ong babae.

"H-huh?" wala sa sariling nai-usal ko.

"Tapos ka na?" tanong niya. Bahagyang natuliro pa ako bago pilit na ngumiti at iniabot sa kaniya 'yong papel. "Eto room number mo."

Paalis na sana ako pero hindi ko talaga kayang hindi malaman ang pangalan n'ong lalaki kanina. Hindi naman sa malandi ako, pero lahat naman interesado sa guwapo, 'di ba?

"May kailangan ka pa, Miss?" tanong ulit ni ate nang mapansing hindi pa ako umaalis,

"A-ah, Miss," lumapit ako ng bahagya para hindi ako marinig ng ibang tao rito sa paligid. " Kilala mo ba kung sino 'yon?" tanong ko sabay turo doon sa lalaki na hanggang ngayon ay nakikipag-lokohan pa rin sa tropa niya.

Narinig ko naman na bumuntong hininga 'yong babae at tinanaw 'yong lalaking itinuro ko.

"Iyon ba? Si Arjon Vasquez, anak ng may-ari ng school," sagot niya na literak na ikinalaglag ng panga ko. Seryoso?! Kaya pala mukha siyang sikat dito. Guwapo na, mayaman pa.

"Oh, salamat Miss," sagot ko na lang at lumakad paalis doon nang nakay Arjon pa rin ang tingin.

Arjon Vasquez.

Napangiti ako. Crush spotted!!

A Guy In Disguise (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora