CHAPTER 30: Cortez

181 13 3
                                    

"Arjon,  let them go." hindi ko namalayan ang pag lapit ni Ellie sa scene.. Ngayon lahat ng tao ay sa'min na nakatingin.

Tinignan ako ni Arjon sa mata saka maharan na binitawan ang kamay ko.  Hindi na ako naka-react pa ng hilahin na ako ni Tiam paalis sana ng lugar na 'yon. 

"Tiam!!" ilang hakbang palang ang nagagawa namin nang tumayo ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa 50's.. Napaka formal nya at kamukha sya ni Tiam. 

Tumigil si Tiam pero hindi lumingon. 

"If you leave this place,  leave my name also." natigilan ako sa sinabi nung lalaki na ang hinala ko ay ang Daddy nya. 

Lahat kami ay nag aantay ng sagot ni Tiam..  Pero kung ako ang tatanongin,  dapat na manatili sya dito. Hindi dapat sya itakwil ng pamilya nya dahil lang sa isang kagaya kong selfish,  madamot,  immature.

Katahimikan ang namutawi sa kapaligiran.

"Your name is yours Mr.  Cortez." sagot ni Tiam at muling dumiretso palabas kasama ako.

Hinayaan ko lang sya na ipasok ako sa isang itim na mustang.. Hindi sya nag salita habang iniistart ang sasakyan. 

Kita sa pwesto ko ang pagkaka define ng jawline nya,  walang emosyon syang nakatingin sa daan habang nag mamaneho.  Hindi ako makapagsalita,  walang boses na lumalabas gusto ko man. 

Tinignan ko nalang yung hiwa sa index finger ko.  Di naman 'to malalim, nadale lang talaga.  Muli kong naalala yung nangyare kanina..  What a disaster.

"Sorry i ruined your party." ang tanging salitang lumabas sa bibig ko habang nakatingin pa din sa hiwa sa daliri ko. 

Nag angat ako ng tingin kay Tiam,  gumalaw pa ang adams apple nya dahil sa paglunok bago mag salita.

"It was already ruined noong tumakas ako at nag disguise na babae." saad nya sabay pihit ng steering wheel para lumiko.  Nakakaantok ang bawat salitang lumalabas sa bibig nya dahil sa lalim at lamig ng boses nya. 

Hindi ako pamilyar sa Antipolo,  dito kase yung hometown ni Ellie,  dito din ginanap yung party, kaya ayon di ako pamilyar kung nasaan na kami.  Hindi na ako nag abalang mag tanong kung saan kami pupunta. Hinayaan ko lang sya

Cloud 9?

Alam ko ang lugar na'to pero ngayon lang ako nakapunta dito.. Malayo ang antipolo sa hometown ko. 

"Are you afraid of heights?" tanong ni Tiam matapos tanggalin ang seat belt. Napaisip tuloy ako kung takot ba ko sa heights.  Hindi naman kaya umiling nalang ako. 

"Good." sagot nya pa bago lumabas ng sasakyan.  Hindi ko na hinintay na pag buksan nya pa ako kaya nag kusa na akong lumabas. 

Lumapit sya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Tinignan nya ako at ngumiti bago kami umakyat sa hanging bridge ng could nine. 

Gabi na at hindi rin naman karamihan ang tao dito ngayon.. Ang ganda pag akyat dahil sa matatanaw ang magandang view ng Antipolo. Nang makaakyat at umupo kami sa isang lugar doon kung saan mag mga nakasabit na lock. Nakasulat pa doon ang mga pangalan ng lovers na nag lagay ng lock nila.  Ang ganda ng buong lugar at ang gaan sa pakiramdam na makasama ulit si Tiam.  

"Im sorry for leaving." basag nya sa katahimikan. Napalunok ako nang maramdaman ang mga titig nya sa'kin.  Hindi ako lumingon dahil pakiramdam ko ay hindi ko kayang salubungin ang mga titig nya. 

Pilit akong humalakhak..  "Ano ka ba.  Okay lang,  hindi mo kailangang magpaalam.  Sino ba naman ako diba? Haha." medyo awkward yata yung pagkakasabi ko. 

"Mahalaga ka sakin,  Rania." naramdaman ko na ibinaling nyang muli ang paningin nya sa magandang view.  "I didn't mean to leave that day.  They found me, ayokong mapahamak ka kaya di na kita binalikan." tumango nalang ako,  naiintindihan ko.

"What now?" i asked at bumaling naman sa kanya na tulala sa kawalan. "Anong plano mo?  Kung itinakwil ka na ng pamilya mo,  sa'n ka pupunta?"

He shrugged. "I don't know. Maybe to live the independent life of Lexi Flores but now,  Tiam Cortez." sagot nya. 

"Pano yung kasal nyo ni Ellie?  Tiam,  hindi mo sya pwedeng iwan nalang ng gano'n" Siguradong magagalit ang pamilya ni Ellie at baka madamay pa 'to sa galit nila.  Hinayaan ni Ellie na umalis kami. 

"Tapos na ang kung anong meron sa pagitan namin ni Ellie,  Rania.  Ikaw ang gusto ko hindi sya." Sinalubong nya ang mga tingin ko.  Gusto kong mag iwas ng tingin pero hindi ko magawa.

"San ka pupunta?"

"Sa lugar kung saan hindi ko na kailangan mag panggap.. Gusto kong maging malaya,  maging masaya bilang ako,  si Tiam. Gusto ko na maksama yung taong pinili ng puso ko at hindi pinili ng mga magulang ko para sa'kin." paliwanag nya habang iniisip ang mga bagay na gagawin nya.  Iniimagine nya palang eh parang ang saya na nya.  Napangiti ako. 

Naiintindihan ko na sya,  simula palang ay sala na syang karapatang mamili sa mga bagay na gusto nya,  lalo na sa pagpili ng taong iibigin nya.  Masyadong fixed ang buhay nya.  Isinulat na ito ng writer,  ang mga magulang nya.  Hindi sya ang may hawak ng paintbrush kundi ang mga magulang nya at ngayon.. Gusto nya na makuha ito.  Gusto nya na mag decide para sa sarili nya. 

"Akala ko magiging malaya ako pag nakaalis ako sa'min,  kaya nag disguise ako bilang babae pero sa tingin ko ay lalo ko lang ikinulong ang sarili ko sa isang katauhang hindi naman ako.  Babae pa." natatawang saad nya pero alam mo na nado'n yung pain,  yung sakit. 

"Sasamahan kita." napalingon sya sa'kin.  Kumunot ang noo na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Ngumiti ako.  "Sasama ako,  kahit saan ka mag punta."

"You don't need to do that.." umiling pa sya.. Ibinaba nya ang tingin nya at bumuntong hininga.  "I don't deserve you Rania.. You're too much." malungkot na saad nya na ikinakunot naman ng noo ko. 

"Ano bang sinasabi mo." natatawang tugon ko sa biro nya. 

"You deserve someone better,  yung totoo sa sarili nya,  yung kilalang kilala ang sarili nya. Yung malaya kang mamahalin.. Yung love story na hindi complicated."

Natahimik ako sa sinabi nya. Hindi ko alam kung anong gusto n'yang mangyari. Damang-dama mo yung lungkot nya,  nakakahawa. 

"Naiintindihan kita,  you want to find yourself pero can't you find it with me?  I can help you Tiam. If you want to be the artist of your life,  I'll help you get the paintbrush." i insisted.. Unti unti kong naramdaman ang paninikip ng dibdib at init sa gilid ng aking mga mata. "Don't leave me..  Once is enough, twice is too much at baka hindi ko na kayanin." tuluyan nang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko. 
Nang makita ko sya kanina kasama si Ellie,  nang malaman ko na sila pala ang ipapakasal,  sobrang sakit no'n sa'kin. Pinilit kong maging masaya para sa kanila pero masyadong madamot ang puso ko. 

I asked my self why while we're on our way here at isa lang ang nakikita kong sagot. 

"Don't leave me kase Mahal kita Tiam." the first time i confessed my feelings to him and i was sure about it.

Napatingin sya sa akin..  Hindi ko alam kung inaasahan nya ba na magkakagusto din ako sakanya o ano pero nakikita ko sa mata nya na masaya sya.  Hindi sya ngumingiti,  hindi nya nag react na yung tipong tatalon-talon at sisigaw ng 'I'm the happiest man today!'

He's unpredictable.

Hinapit nga ang bewang ko papalapit sa kanya... We're so close and i can almost hear him breathing. I closed my eyes nang dahan-dahan nyang ilapit ang mukha nga sa'kin.  I was expecting to feel his lips on mine pero dumampi lang ito sa noo ko.  I find it sweeter.

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now