CHAPTER 4

176 14 11
                                    

Naglakad ako pabalik sana sa dorm, hindi pa rin ako makapaniwala sa confidence na taglay ni Arjon.

--

"Date?!" hindi makapaniwala at nanlalaki ang matang tugon ko. Speed lang ah. Parang kahapon lang, iniistalk ko siya sa facebook niya, tapos ngayon DATE?! "E-Eh, 'di ba, kayo ni Lexi, so bakit mo 'ko ide-date?" Wait, sila nga ba? Muli kong inalala 'yong usapan namin ni Lexi kanina. She didn't admit pero hindi din niya dineny na sila ni Arjon. So ano ba talaga?

"First of all, hindi kami ni Lexi," aniya at ngumuso ng maalala ang masaklap na katotohanang iyon para sa kanya. Napangiwi na lang rin ako. Gusto kong maawa sa kanya pero kasi, 'yong fact na 'yon makes me somehow happy. "Hindi kami which means, pwede kitang i-date once, then tutulungan mo 'ko sa kanya after!" masiglang aniya na para bang napaka simple lang sa kanya ng lahat ng bagay habang ako e' nakanganga lang na hindi makapaniwala sa sinasabi niya.

To be honest, masaya talaga ako sa nalaman ko. Ewan ko rin naman dito kay Lexi, hindi naman mahirap sabihin na wala silang relasyon ni Arjon, kinonfuse pa 'ko. O baka naman gusto niya na isipin ko rin na may something sa kanila dahil gusto naman talaga niya si Arjon. Awit.

"Payag ka na?" bumalik ako sa reyalidad nang magsalita si Arjon. Hys, grabe talaga confidence niya.

Napangiwi ako. "Sino namang may sabing gusto kong makipag-date sa 'yo?" saad ko na kalaunan ay gusto ko rin agad na bawiin. Baka magbago pa isip niya. S'yempre naman gusto kong makipag-date sa kanya!

Humalakhak siya na parang ewan. Medyo nagulat ako sa reaction niya na 'yon pero nacute-an pa rin sa tawa niya. Lahat yata ng kilos niya e' nakakakilig.

"S'yempre naman 'no! Sino ba naman ang ayaw makipag date sa isang campus crush?!" aniya.

"Si Lexi," sagot ko st tinaasan pa siya ng kilay. Medyo pasmado bibig ko sa part na 'yon, pero hindi ko na kasi kinakaya ang confidence level niya. Natahimik naman siya at umayos ng upo.

"Alam ko," mahinahong saad niya matapos sampalin ng reyalidad. Kawawa naman "bebe Arjon! Sa 'kin ka na lang kasi! "Kaya nga hinihingi ko ang tulong mo, Tania--"

"Rania," correction ko. Sakit naman n'on. Hindi naman mahirap tandaan pangalan ko ah?

"Yeah, I mean, Rania, sorry," aniya at umiling. "Pero kung ayaw mo talaga at napipilitan ka ang, okay lang din naman--"

"Deal." Wait--what? Did I just agree?

"Woah, did you just agree?!" hindi makapaniwalang tanong niya. Tanong ko rin 'yan sa sarili ko, Arjon. Minsan talaga may pagka bida-bida 'tong bibig ko eh. Napatayo sya, lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Ayon na naman yung puso ko na nag huhurumentado. Lakas ng tama kay Arjon, grabe, Na-love at first sight nga yata talaga ako.

Ang rupok mo, Rania. Sure ka ba na gusto mong mainvolve diyan at saktan ang sarili mo?

Gusto ko mang bawiin ang sinabi ko ay hindi ko magawa dahil sa saya at excitement sa mukha ni Arjon. Ayoko namang tanggalan agad siya ng kasiyahan. Saka, I love seeing him happy, lalo na kung dahil sa akin. I'll just look on the bright side, 'di ba? Pagkakataon na rin siguro 'to para makalapit sa kanya. Bihira siyang lumapit sa babae para humingi ng pabor o magmakaawa unless si Lexi ang babaeng 'yon.

Hays. I'm starting to envy her. Pretty, tall, sophisticated, elegant--lahat na! She's so perfect. Bagay na bagay sila ni Arjon.

Dahil excited siya, hindi na niya pinalipas ang araw. I mean, hindi excited na maka-date ako ah? Excited siyang matapos 'yung date namin at ilakad ko na siya kay Lexi. Kinakabahan din ako dahil baka ma-fail ang lahat.

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now