CHAPTER 11

176 13 2
                                    

Sumunod ako kay Arjon sa rooftop matapos niya akong yayain nadoon nalang kami mag-usap. Bagaman kinakabahan ay nangingibabaw pa rin ang excitement sa akin. Ikaw ba naman yayain ng crush mo sa rooftop eh!

Nakatingin lang ako sa likod niya dahil nauuna siya sa aking mag lakad. Kahit na likod niya ay guwapo pa rin. Hays, bakit ba nag-iisa lang ang Arjon Vasquez sa buong mundo?

Napatigil ako nang tumigil siya at humarap sa akin. Dahil sa halo-halong kaba, excitement, at hiya ay hindi ko siya matignan diretso sa mata. Baka manlambot ako. So I looked down.

"Are you really helping me with Lexi?" diretsong tanong niya. Wala sa sariling napatunhay ako dahil doon. Hindi ko alam kung tama itong nakikita ko, pero mababanaag sa mukha niya ang disappointment, galit, at inis. Ano'ng ibig niyang sabihin? Saan nanggaling ang tanong niyang iyon?

Pilit akong tumawa. "Ano ba'ng klaseng tanong 'yan? Malamang tinutulungan kita. Ano pa ba'ng ginagawa ko--"

"Really?" Sarkastikong putol niya sa akin. Kumunot ang noo ko. Sa nakikita ko ngayon ay hindi siya naniniwala at mula sa ilang hakbang na distansya namin ay ramdam ko ang galit niya.

"A-Arjon, ano b-ba'ng sinasabi mo?" naguguluhang tanong ko pero sinikap ko pa ring pilit na ngumiti. Hindi ko siya maintindihan, iniisip ba niya na dahil gusto ko siya ay ayokong mapalapit siya kay Lexi?

"If yes, then why do you have that Madison twin heart on your wrist?" tanong niya dahilan para matigilan ako. Nanatiling nakatago ang kamay ko sa likod ko. Nakita niya nga.

Doon ako nakaramdam ng guilt. Naalala ko 'yung sinabi ni Ellie may kinalaman sa presyo nito. Hindi ito para sa akin, at hindi ko deserve ang bagay na ito. Pakiramdam ko tuloy ay nagnakaw ako kahit na si Lexi mismo ang nagbigay nito sa akin.

Ang sama ng tingin niya sa akin ngayon, at hindi ko iyon matanggap.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya na hindi naman tinatanggap ni Lexi 'yung mga regalong ibinibigay niya sa paraang hindi siya masasaktan. Ayokong masaktan siya.

"See, you can't answer, Rania. You can't even say a word because you are so guilty!" Napatungo akong muli sa bulyaw niyang iyon. Hindi iyon kagaya ng mga sigaw ni Lexi na maatim ko. Na nakakainis at masakit sa ulo. Ang mga pananalitang binitiwan ni Arjon kasama na ang mataas na tono ng boses ay tila ba hindi na dumaan sa isip ko. Dahil mula sa tenga ay tumusok ito sa puso ko.

Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko. Hindi ako sanay na galit siya sa akin. Ayokong magalit siya sa 'kin.

"I shouldn't have trusted you, Rania. Wala kang pinagkaiba sa kanila . . ." Napapailing na aniya. Bahagya siyang tumawa na para bang manghang-mangha at hindi makapaniwala. Gayunpaman ay mababakas ang pagiging sarkastiko nito. "You are so desperate," dagdag niya pa.

The mere fact that everyone's saying that I am so desperate persuades me to believe it.

Ang sakit na sa kaniya ko mismo narinig ang mga pananalitang iyon. Siguro nga ay tama si Lexi.

Am I really desperate? Am I really desperate for Arjon's attention? Am I that pathetic?

Lumapit siya sa 'kin at kinuha ang braso ko. Napatingin nalang ako sa kaniya habang hawak niya ito. Masyado akong nanlalambot at nanghihina sa mga masasama niyang tingin. Tila nag aapoy ang matang tinitigan niya ako bago tuluyang hilahin ang bracelet sa pulsuhan ko na naging dahilan ng pagkalagot nito.

Napaawang ako nang maramdaman ko ang sakit dahil nalagot ito sa mismong braso ko.

Inilagay niya sa pagitan ng mukha namin ang bracelet na nalagot na. He smirked before saying the thing that I never expected, and I wouldn't want to hear from him.

"You can steal all the things that I gave to Lexi. You can have it all. Sayong-sayo na. But keep this in mind, Rania, you will never have me," mariing aniya. "And I will never be into you," dagdag pa niya na para bang isinusumpa ako.

Ibinagsak niya ang bracelet sa sahig at tinapakan ito bago ako tuluyang iwan sa lugar na 'yon nang wasak at luhaan.

Napaupo na lang ako at napahagulgol. Sobrang sakit ng mga sinabi niya. I know I don't deserve any of those words, at iyon ang mas nakakasama ng loob. I didn't do anything wrong, Arjon. Wala ring rason para hindi mo ako magustuhan.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nanatili sa ganoong posisyon habang umiiyak. Buti na lang at walang tao rito. Sobrang tumagos sa akin ang mga sinabi niya. Kaya hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para tumayo at bumaba pauwi ng dorm.

Pinag titinginan ako ng mga estudyante dahil na rin siguro sa namumula kong mata na patuloy pa rin sa pag lalabas ng luha kahit na ayoko na. Para itong may sariling isip na konektado sa puso ko.

"Rania!" Narinig ko pang tinawag ako ni Ellie pero hindi na ako nag abalang lumingon. Dumiretso na ako hanggang makarating sa dorm namin. Gusto ko nang magpahinga.

Ang plano kong gawin ay mahiga at iyakan ang unan ko hanggang sa mapuno ito ng luha at gumaan ang pakiramdam ko. Pero sa halip yata na gumaan ang pakiramdam ko ay lalo akong nainis nang makita si Lexi na nagbabasa ng libro niya kasama ang nagsabog niyang gamit.

Bumalik sa akin ang lahat nang makita ko sya. 'Yung masasakit na salitang binitawan niya, 'yung sakit ng balakang ko matapos nya akong itulak, maging ang heartache na idinulot sa akin ni Arjon. Pakiramdam ko ay lahat 'yon ay kasalanan niya. Alam kong mali 'to pero sobra akong nasasaktan!

Tinapunan niya ako ng tingin at kumunot ang noo nang makita ang hitsura ko.

Tumayo siya kagaya ng inaasahan para lumapit sa closet at kumuha ng damit at ilang gamit.

Pag daan niya sa harap ko ay mas lalo akong napuno sa galit dahil sa salitang binitiwan nya.

"You're so ugly when you cry."

Lakas mang-asar!

Naikuyom ko ang kamao ko, sumusobra na talaga siya! Napaka insensitive nya at hindi niya iniisip ang mga tao na masasaktan niya.

Suminghot ako at masama ang tingin na nilingon siya. "Bakit ba ikaw pa ang nagustuhan ni Arjon?" Muling naging factory ng luha ang mga mata ko. " Sa lahat ng babae, bakit ikaw pang walang pakialam, napaka insensitive, at walang puso!" Buhos ang galit sa dibdib ko.

Nilingon niya ako pero sa pagkakataong iyon ay hindi pagkainis ang nakikita ko sa mata niya kagaya ng dati, kundi pagkalito at awa na lalong nagpa-inis sa akin.

I'm not short tempered. Nagpapasensya ako at tinitiis ang lahat ng bagay hangga't kaya ko. But this girl is really pushing me into my limits. Sobra na siya.

"Bakit, sino ba dapat? Ikaw?" tanong niya. Ngumisi siya at umiling. Akala ko pa naman ay naawa na siya dahil sa reaction niya kanina. "Hindi ka niya magugustuhan," saad pa niya.

Dahil doon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang sakit at galit na kanina ko pa pinipigil ay parang puwersang lumabas sa katawan ko. Itinulak ako nito papalapit sa walang kwentang si Lexi . . . and before I even stop myself, nasabunutan ko na siya.

Malakas na nahila ko ang buhok nya, kita sa mukha nya ang gulat sa mga pangyayari dahil malamang ay hindi niya iyon inasahan. Ako rin naman . . . pero eto at nangyayari na. Napakapit sya sa ulo nya pero mas nagulat ako sa mga sumunod na nangyari.

Napapikit ako at naramdaman ko nalang ang magaan niyang buhok. Hinila ko ito pababa dahil matangkad siya, pero wala man lang akong naramdaman na puwersang humahatak dito pabalik. It was totally light.

I opened my eyes and tumambad sa akin ang buhok ni Lexi na nasa kamay ko. Walang ulo!

Marahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Parang slow motion ang lahat.

Tuluyan akong napatingin sa gulat niyang mukha . . . at sa ulo niya. B-Boy cut?!

ANO 'TO??!!!!!

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now