CHAPTER 25

168 12 1
                                    

Nasilaw ako nang tumama sa mata ko ang liwanag ng araw nang buksan ko ang pinto. Ngayon ko lang napansin na tinatamaan pala ng sikat ng araw sa umaga ang tapat ng pinto ng dorm namin. Ngayon lang kasi parang bumagal ang lahat dahilan para mapansin ko ang mga detalye sa paligid.

Sa totoo lang, medyo okupado pa rin ako. Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip kung ano'ng koneksyon ni Tiam sa mga taong nakita doon sa picture.

Kung sila ang mga magulang ni Tiam, talaga palang napakayaman at maimpluwensya ang ang pamilya niya. May dahilan talaga siya para pasukin kung ano ang buhay niya ngayon.

"Ah!" Napahawak ako sa braso ko nang maramdaman ang sakit dahil sa nangmamadaling estudyante na nakabangga sa akin. Napasiring ako. "Hindi man lang nag-sorry."

"Meet me at the rooptop." Parang kuryenteng dumaloy ang boses na iyon dahilan para kabahan ako. Literal na kaba. Takot.

Sinundan ko ng tingin ang lalaking bumulong noon sa akin.

"Arjon, pero may pasok ako!" sagot ko. Alam ko na rinig naman niya iyon dahil hindi pa naman siya gaanong nakakalayo. Wala naman akong narinig na tugon mula sa kaniya. Mariin akong napapkit.

Okay, Rania. You're his slave. Ginusto mo 'yan, 'di ba?

Sumunod na lang ako sa kaniya. Ilang sandali lang ay tuluyan akong nakarating sa rooftop kung saan nakita ko si Arjon na nakaupo sa isang mahabang upuan na nandoon. Pinanood ko siya habang inilalabas ang ilang gamit sa bag.

Napabuntonghininga ako bago tuluyang lumapit.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong ko, sinisikap na maging mahinahon at mapagpasensya.

"ADT ka, 'di ba? Gawin mo 'yan." Itinapo niya ang papel na agad ko namang dinampot. Binasa ko ang nakasulat doon at saka tumingin sa mga gamit na inilabas niya. May paints, oil pastels, pencils, rulers, etc.

"Poster?" tanong ko pa kahit obvious naman na nakalagay sa papel na poster ang gagawin.

"Tarpaulin."

"What?!"

Sumiring lang siya at tumingin sa malayo.

"Arjon, 'di ba project mo 'to? Hindi naman puwedeng sa akin mo ipa–"

"Gagawa ka, o gagawa ka?" Masungit niyang tanong. Hindi naman ako nakasagot. Humiga siya mahabang upuan at umaktong matutulog. Umupo naman ako sa lapag para gawin ang poster niya. Mas kumportable ako rito dahil kailangan ko ng malaking space at wala namang desk dito. Naka-tiles naman itong rooftop kaya ayos lang.

Inayos ko ang salamin ko at nagsimulang mag drawing. Saglit lang naman 'to. Gusto ko na lang matapos.

Napangiwi na alng ako nang aksidenteng napaling ang iginuguhit ko. Paanong hindi? Sobrang nakaka-distract. Hindi sa ang aassume ako pero kanina ko pa talaga ramdam ang mga tingin ni Arjon. Naiilang ako, pakiramdam ko limitado ang mga galaw ko. At the same time medyo nakakainis din, hindi ko alam.

Iniangat ko ang tingin ko nang sandaling magkalakas ng loob akong salubungin ang mga tingin niya. Para na rin sure, kasi assuming talaga ako, alam ko naman.

HIndi naman ako nagkamali. Nahuli ko ang tingin niya na agad din naman niyang iniiwas. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Dapat pa rin ba akong kiligin dahil after all, siya pa rin naman ang gusto ko . . . pero pinahihirapan niya ako.

Bumalik na lang ako sa poster, pero hindi pa man ulit nakakguhit ay muli siyang nagsalita.

"Date me, Rania." Natigil ang kamay ko sa kasalukuyang kinalalagyan ng lapis. Naramdaman ko ang pag-diin ng kamay ko doon.

A Guy In Disguise (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora