EPILOGUE

265 19 6
                                    

Hinayaan ko si Tiam na hanapin muna ang sarili nya.  Gusto n'yang mapag-isa.  Wala akong ideya kung saan sya nag punta o kung kailan sya babalik.. Pero handa akong mag hintay,  kahit gaano pa katagal. 

"Rania!  Welcome to college!" Masayang sumalubong saakin si Ellie. Makalipas ang isang taon ay heto na,  simula na ng bagong buhay, bagong mundo. 

"Ellie, grabe na miss kita!" Yumakap ako sa kanya.  Nasa Entrance kami ng University.. Dala ko ang maleta ko dahil kabababa ko lang din ng bus. 

Kagaya ng pangarap ay kumuha ako ng kursong related sa graphic designing... Si Ellie naman, interior design.. Si Tiam kaya?  Ano kanyang kinuha nya?  Second year College na sya kung sakali.  Miss na miss ko na sya.

"Pupunta ba tayo sa airport mamaya?" tanong sa'kin ni Ellie.  Napaisip naman ako kunyare na undecided pa.  Napailing sya.  "Patay ka kay Arjon pag 'di ka pumunta,  alam mo naman na dedz--" alam ko na ang sasabihin nya kaya pinigil ko sya.

"Magkaibigan lang kami ni Arjon." Saad ko at saka nagsimulang lumakad papasok ng university. Tinignan ko yung dorm number ko.. Another roommate.

"Hindi ka pa din ba nakaka-move on kay Tiam?" pangungulit ni Ellie na siniringan ko lang.  "It's been a year Rania.  Isang taon na ding umaasa si Arjon sa'yo. Ano ka ba?  Hindi mo ba sya gustong bigyan ng chance? " mangungulit pa nya. Itinabi ko yung number ng dorm ko,  nakalagay din do'n yung susi.

"Alam ni Arjon na si Tiam pa din ang mahal ko." sagot ko nalang. 

"Tss.. Sana pala pinakasalan ko nalang si Tiam." alam ko na nang aasar lang sya pero hindi ko nagustuhan ang biro nya.  Matalim ko syang tinignan.  "Sorry." saad nya at nag peace sign pa. 

"Anong room number mo?" pag iiba ko ng topic, papasok na kami ngayon sa dorm building.

"4th floor #5" saad nya lang.  Ngumuso naman ako ng realize na ang kayo namin sa isa't isa. "Ikaw?" tanong nya pabalik.

"2nd #3" Sagot ko at humarap sa elevator. Bongga naman pala ang university na 'to.  Pamatay ang elevator. 

"Layo." ngumuso sya at sabay kaming sumakay.  Nauna akong bumaba dahil second floor lang naman ako. Nag wave pa sya sakin at pinaalala ang lakad namin mamaya bago sinara ang elevator.

Naglakad ako diretso sa Room #3. Hindi ko alam kung nandito na yung roommate ko. Sana naman ay maimis sya sa gamit kagaya nung rommate ko last year.  Tss,  si Tiam lang naman ang balahura kong roommate e.  Grabe,  naaalala ko sya sa lahat ng bagay. 
Kinuha ko yung susi at binuksan ito.  Sinilip ko muna ang kabuoan ng kwarto. Wala pang tao,  mukhang wala pa yung rommate ko.  Ayos. 

Inayos ko yung mga gamit ko kagaya ng nakasanayan.  Hindi na ako nag palit ng damit dahil aalis din naman kami mamaya ni Ellie para puntahan si Arjon sa airport.  Sa U. S sya mag aaral e. Diba ang bongga.

Isinalansan ko ng maayos yung nga gamit at libro ko..  Malaki ang dorm na ito kumpara sa dorm namin sa AEV academy. 

Isang oras din siguro akong nag ayos ayos bago napagpasyahan na mahiga muna.  Mamaya pa naman ang alis namin,  siguro iidlip muna ako. 

Itinaklob ko ang kumot sa mukha ko para makatulog ng maayos..  Pero naramdaman ko ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng isang tao. Malamang ay nandyan na ang roommate ko.

Tinanggal ko ang taklob ko sa mukha para tignan sya.  Nakatalikod sya,  matanggkad, artistahin ang kutis. Siguro model 'to.  Inaayos nya ang gamit nya sa closet. 

"Hi, Ako pala si Rania,  Roommates tayo." inantay ko kung lilingon sya pero hindi. 

"Hmm." yon lang yung sabi nya. Napangiwi ako. Walang kwentang roommate nanaman. 

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now