CHAPTER 14

173 14 4
                                    

Napalingon ako nang bumukas ang pinto ng C.R. pero agad ko ring binawi ang paningin ko nang makita ko si Lexi na lumabas. Basa pa ang buhok niya na pili niyang tinutuyo ng tuwalya. Nakasuot siya ng plain white shirt na panlalaki, tapos short.

Err.

Alam kong si Lexi pa rin siya, pero ang weird lang na lalaki na siya ngayon. Yes, hindi na siya nag didisguise dahil kaming dalawa lang naman dito at alam ko na ang sikreto niya, kaya hindi na niya kailangan magtago.

Nagpatuloy na lang ako sa pag-aayos ng bed sheet ko. Kapapalit ko lang kasi. Ayokong tumingin sa kaniya. Ewan ko, napaka-awkward ng feeling. Hindi ako makapaniwala na all this time, lalaki ang kasama ko sa kuwarto.

Teka.

What if??

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa naisip na agad ko rin namang inilingan.

Huwag ka ngang mag-isip ng ganiyan, Rania.

"Ano 'to?" Muli akong napalingon sa kaniya nang magsalita siya. Hindi pa rin ako sanay sa totoo niyang boses.

Tinignan ko 'yong kurtinang 'nilagay ko sa pagitan ng teritoryo niya o 'yung parte ng dorm kung saan naka puwesto 'yong kama, closet at ibang gamit niya, at ng teritoryo ko o 'yong part naman na sakop ko.

"Border," tipid na sagot ko. Agad namang umarko ang kilay niya.

"Anong border?" Inis niyang hinawi ang kurtinang inilagay ko habang naliligo siya kanina. Nag effort pa akong mag tali ng sasabitan n'on. Dapat nga siya ang gumawa n'on dahil siya ang lalaki, eh. "Ang panget!" dagdag pa niya.

Inis na humarap ako sa kaniya.

"Manahimik ka, Lexi--"

"Tiam." Halos matawa ako sa reaction niya. Para bang asiwang-asiwa siya sa pangalan niya.

"Whatever," sagot ko at nagsimulang ipaliwanag sa kaniya ang purpose ng border habang inaayos naman ang unan ko. "Babae pa rin ako at kahit na bakla ka, lalaki ka pa rin s'yempre 'no, bilang babae kailangan ko ng privacy." Paliwanag ko at inilapag ang unan at nagpakawala ng malalim na buntonghininga.

Nakangiting tumingin ako sa kaniya pero natigilan ako sa seryoso at parang asar niyang mukha. May sinabi ba 'kong mali?

Mas lalo akong nagtaka nang umikot siya sa border para pumunta sa teritoryo niya.

"Lexi!" tawag ko at nagsimula siyang sundan. Ano ba'ng problema ng lalaking 'to? Ang arte ha! "Ayaw mo ng border? Hindi puwede yon!" paliwanag ko at tinignan siya. Ba't ba ayaw niya?

Napatakip ako ng bibig nang umiral na naman ang wild imagination ko. Napatingin ako sa magulo niyang kama at naalala ko 'yong gabi na ano, 'y-yong gabi na hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.

Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mata ko.

"Ano?" Iretableng tanong niya. Okay lang siguro bakla naman siya, e?

Tumikhim ako at umayos ng tayo.

"B-Bakit ka ba nagagalit?" tanong ko at nag iwas ng tingin, teka bakit ako nauutal?! Rania!

"Wala, sige na do'n ka na!" pag papa-alis niya sa akin at halos ipagtabuyan ako pabalik sa puwesto ko. Ngumuso nalang ako at walang nagawa.

"Vaklang toh!" bulong ko na hindi ko alam kung narinig ba niya.

Nagulat ako nang hatakin niya ako bago pa man ako makatawid ng border. Iniharap niya ako sa kaniya, sobrang lapit namin sa isa't-isa at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Amoy na amoy ko 'yong toothpaste na ginamit niya maging 'yong shower gel sa katawan niya. Napalunok ako sa ginawa niya, hindi ko maigalaw ang katawan ko sa higpit ng pagkakakapit niya sa braso ko.

A Guy In Disguise (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant