CHAPTER 28: Invitation

157 12 4
                                    

Ilang araw na din ang nakalipas mula noong mawala si Tiam,  hindi ko pa sya nakikita.. Umalis sya nang hindi man lang nag paalam. 

Naglalakad ako papasok ng school, kagaya ng nakasanayan.  Kung ang pagkapanalo ko sa Career Guidance pageant ang naging dahilan ng pag ganda ng buhay ko dito sa school na 'to,  ang pagka sangkot ko naman sa sikreto ni Tiam ang mas nag palala pa ng sitwasyon ko.

But i didn't regret anything.

"Rania!" napalingon ako sa tawag ni Arjon.. Nasa hallway ako papasok na sana ng classroom.  Mukhang hinintay nya talaga ako dahil hindi naman sya dapat nandito,  mag kaiba kami ng building. 

Naglakad sya papalapit sa akin habang ang kamay ay nasa bulsa ng slocks nya.  Tuluyan kong pinihit ang katawan ko paharap sa kanya pero hindi pa din nag salita. 

Nang tuluyan syang makalapit ay hindi pa din sya nag salita.  Kumunot ang noo ko at ipinaling ang ulo ko para tignan syang mabuti. 

Arjon Vazquez

My ultimate crush. 

I could die for him. 

The guy that i wanted to spend my whole life with.. 

But that was way back then. 

Right now i don't feel anything anymore. Wala na yung nagtatambol sa puso ko at nagliliparang paru-paro sa t'yan ko pag sya ang kaharap ko. 

Hindi ko pa din masabi na naka move on na ko sa kanya.  I'm afraid to admit it kase alam ko na pag inamin ko sa sarili ko na naka laya na ako kay Arjon,  para ko na ding inamin na nabihag na ako ni Tiam. 

I hate that fact. 

Being inlove with someone who's already fixed to marry someone. 

Sucks.

I sigh and turn around, mukha naman kaseng wala syang sasabihin. 

Ilang hakbang palang ako nang muli syang magsalita kaya napahinto ako. 

"Have you considered my offer?" kumunot ang noo ko at napaisip sa sinabi nya.  Anong offer?  Inofferan pa nya ko ng pera?  Trabaho?  Wala naman ah?  "Rooftop." he added nang ma-realize na wala akong maalala. 

That works. 

The date? 

I chuckled.

"Declined." saad ko nalang at dire-diretsong nag lakad.  Hindi rin ako makapaniwala na nagawa kong tanggihan si Arjon.  May part sa'kin na gustong bawiin ang sinabi ko like,  sayang naman!  Pero some part of me na hindi nanghihinayang sa ginawa ko. 

I sigh as i entered the room. Napatigil pa ako sa entrance at inisip pa din ang sinabi ko.  Tama ba yung ginawa ko?  Like Rania dream come true yon!  Bawiin ko kaya?

"Ran!" tawag ni Ellie na tinaas pa ang kamay.  Nasa desk sya ng teacher at may tinitignan.  Hindi ako agad nakalapit dahil pumunta muna ako sa upuan ko para ibaba yung bag ko saka ako lumapit sa kanya na nakasubsob sa kung anong tinitignan. 

"Bakit?" tanong ko,  nag angat sya ng tingin at kumunot ang noo.

"Nandito ka na pala!  Anong oras ka nakapasok?" tanong nya na mas lalong nagpalito sa'kin. 

"Ewan ko sayo para kang baliw." saad ko at tatalikuran na sana sya nang masiglang tinawag nga ako. 

"Sis tignan mo oh,  kasama tayo sa Rank 10" kinikilig pang saad nya.  Sinilip ko naman yung list at oo nga!  Hehe partida absent pa ko ng ilang araw n'yan ah! 

A Guy In Disguise (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن