CHAPTER 8

157 14 4
                                    

Pabalik na 'ko sa dorm matapos ang klase namin. Masyadong naging mahaba ang araw ko ngayon. Niyaya pa nga ako ni Ellie sa convenience store sa labas ng school. Siyempre dahil close niya 'yong guard, pinayagan kaming lumabas. Hindi rin naman kami nagtagal roon. Bumili lang si Ellie ng yogurt tapos ay bumalik na rin kami.

Dahil nga medyo late na akong nakauwi ay inaasahan kong nandoon na si Lexi. At panigurado pagdating ko, aalis na 'yon. Saan kaya siya pumupunta tuwing aalis siya pag umuuwi ako? Alangan namang kay Arjon? Luh, bawal pumunta ang babae sa building ng guys.

Minsan nakakainis na rin na masyadong iniidolo ng karamihan itong si Lexi. Hindi naman ako naiinggit, pero kung ako ang tatanungin e' wala naman siyang pinagkaiba sa lahat. Maganda lang siya at lamang ng ilang paligo.

May mga students na naiinggit sa akin dahil daw ka-dorm ko ang Campus Queen, pero hindi nila alam kung gaanong gusto kong makipag palit ng roommate dahil ayoko na sa kanya. Kung puwede sanang si Ellie nalang rommate ko.

Hays, kung alam lang nila. Minsan gusto ko na lang siyang ipagliligpit ng gamit. Grabe, para siyang hindi babae. Napaka-burara! Nadadamay pa pati 'yong magandang ayos ko ng kuwarto. Bakit ba kasi walang division 'to.

Pumasok ako at tamad na ibinaba ang gamit ko. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kuwarto. Nasaan naman kaya si Lexi? Baka maaga siyang umalis? Ibig sabihin sadyang umaalis siya at hindi lang dahil iniiwasan niya ako at ayaw niya akong makasama rito?

E', ako ba'ng pakialam ko?

Napairap ako. Bahala siya. Hindi naman ako ang mapapagalitan o mapapahamak kapag nalaman 'yang mga palabas-labas niya.

Makapaligo na lang. Lagkit ko na.

Kinuha ko ang towel at damit ko saka ako naglakad papalapit ng C.R.doon ko napansin na ang cool pala ng pinto ng C.R. namin. Napatingin ako sa doorknob at may kung ano ang nagtutulak sa akin na agad na pihitin 'yon. Kasabay noon ay nakaramdam din ako ng kaba. Ano ba'ng nangyayari sa 'kin? Ang weird lang dahil hindi naman nakakatakot 'yong doorknob.

Hindi ko na pinansin ang pakiramdam na iyon at mabilis napinihit ang doorknob. Naging mabagal sa akin ang lahat. Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ay ang paglabas ng isang lalaki, kaya naman nagkasalubong kami.

W-Wait, b-bakit may lalaki sa d-dorm n-namin?!

Marahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. Kasunod noon ay malakas akong napasigaw.

Kasunod n'on ay ang paggising ko mula sa banungot na iyon.

Tae, panaginip lang pala! Buti na lang.

Pero sino ang lalaking iyon? Hindi kaya. . .

Lalaki siya ni Lexi?!

NO WAY! I mean, YES!

Kaya ba hindi magustuhan ni Lexi si Arjon ay dahil may iba na siyang gusto at mahal nila ang isa't isa? Iyon ang lalaking nakita ko sa panaginip ko. Hindi kaya dinadala rin ni Lexi ang lalaking iyon dito kapag wala ako? O kaya naman, doon siya pumupunta kapag nawawala siya.

Sabi ko na nga ba may tinatago ring baho ang babaeng 'to eh!

Napatingin ako kay Lexi na natalikod sa akin at nakaharap sa kabilang side ng kama. Tahimik at payapa siyang natutulog. Tumingin ako sa orasan at doon napansin na alas tres pa lang ng madaling araw. Grabe, gusto yata akong mag 3:00 AM challenge eh. Mga ganitong oras din masarap sumigaw ng sana all tulog na.

Hay nako, Lexi. Sayang ang ganda mo kung totoo ang panaginip kong manloloko ka.

Pero bakit naman siya magiging manloloko kung hindi naman sila ni Arjon?

Aish, basta! Lagot ka talaga sa 'kin pag nasaktan si Arjon!

Hindi ko alam kung banungot bang matatawag iyon, pero nakakainis. Lalo tuloy gumulo ang isip ko. Tinignan ko 'yung t-shirt na suot ko. Ito 'yung t-shirt na ibinigay ni Arjon kay Lexi, tapos ibinigay naman sa akin ni Lexi kasama nung iba pang chocolates. Grabe, aarte-arte pa ko, tatanggapin ko rin pala! Sabagay, sino ba naman ako para tumanggi?

Ay nako, baka dahil dito kaya ako binangungot ha!

Isinuot ko 'yong salamin ko at saka lumakad tungo sa kitchen area para uminom ng tubig. Grabe, makaktulog pa ako? Buhay na buhay ang diwa ko kakaisip ngayon.

Ano na lang ang mararamdaman ni Arjon kapag nalaman niya na ang babaeng nililigawan niya ay mayroon na palang ibang jowa? Siguradong masasaktan siya. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit ayaw ni Lexi sa kanya. Pero kung ako naman kay Lexi, sasabihin ko kay Arjon ang totoo, para hindi na siya umasa.

Kailan kaya magigising si Arjon sa katotohanan? Ang dami namang iba riyan. Nandito naman ako. Tamang tanggap lang ng mga gamit na ibinibigay niya. . . na hindi naman talaga para sa akin.

Teka nga! Umiiral na naman ang pagiging assuming mo, Rania, eh! Hindi ka naman sigurado kung sino 'yong nasa panaginip mo, hilig mong mag conclude!

Muli kong sinilip si Lexi. Nakakainggit naman kasi talaga ang babaeng ito. Kahit anong sama ng ugali at pakikitungo niya sa akin, hindi ko maiwasang mainggit sa kanya. I've never been this insecure before.

Nakadama ako ng legit lungkot at kirot sa dibdib. Masakit din na 'yung taong hinahangaan mo ay may hinahangaang iba. At ang mas nakakalungkot doon ay wala kang magagawa dahil wala ka lang naman. Kumpara sa kanya, kumapara sa lahat ng magagandang babae sa AEVA.

Wala sa sariling ibinaba ko ang baso at marahang lumakad papalapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Gusto ko lang siyang titigan--Oy, hindi ako tibo ha!

Umupo ako sa sahig at ipinatong ang siko ko sa kama niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya na kahit saang anggulo tignan ay hindi maitatago ang kagandahan. Bukod sa maganda mong mukha ay lamang ka lang naman ng dalawang paligo sa akin. Hmp!

But then ang ganda niya kahit tulog. Ngayon ko lang siya natitigan ng malapitan. Indeed, kahit sinong lalaki ay magkakagusto sa kanya.

Ang haba ng pilit-mata niya, maayos din ang medyo makapal na kilay at ang ganda ng shape ng maninipis niyang labi. 'Yung buhok niya, silky pero mukhang scripted. I mean, alam n'yo 'yon? Scripted, it doesn't look real pero real naman. Basta ang weird ng buhok niya.

Sa kalagitnaan ng pagsusuri ko sa kanya ay nagulat ako nang marahan niyang imulat ang mga mata niya. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang mag tama ang paningin naming dalawa. Naestatwa ako sa kinauupuan ko at hindi agad ako makagalaw dahil sa kaba.

Walang reaction ang mga mata niyang diretsong nakatingin sa mga nanlalaki kong mata. Parang nag-ugat ang mga paa ko sa sahig pero pilit kong iginalaw iyon. Nang makabalik ako sa sarili ay mabilis akong tumayo, ngunit bago pa man ako tuluyang makaalis ay hinila niya ang kamay ko at mas ikinagulat ko nang hilahin niya ako tungo sa dibdib niya at niyakap.

NIYAKAP NIYA AKO!!

NOOO!!

Parang nag mute ang paligid. Wala akong ibang naririnig kundi ang paglagabog ng dibdib ko.

A-Ano ba'ng gi-ginagawa niya?

Dahil sa gulat ay hindi ko na rin nagawang mag react agad. Ilang sandali kaming nanatili sa ganoong sitwasyon nang bigla niya akong itulak dahilan para bumagsak ako sa sahig. Napa-arikit ako nang maramdaman ang sakit sa balakang ko na siyang nanguna sa pagbagsak ko.

Masama ko siyang tinignan na ngayon ay nakatalikod na at nakataklob ng kumot. Ang sama talaga ng ugali--ah, sakit! Bakit ba ang lakas niya?!

Dahil sa pangyayaring iyon ay hindi naging maganda ang simula ng araw ko. Badtrip ka, Lexi!

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now