CHAPTER 20

153 16 0
                                    

Everything was like a fairytale. It was all new to me. But the funny thing is . . . panandalian lang pala ang kasiyahang iyon. Para bang pinatikim lang sa akin ang ganoong pakiramdam . . . ang pakiramdam na manalo kahit na lagi kang talo.

Gusto kong matawa sa sitwasyon ko. Umiiyak na naglalakad palayo sa lugar na iyon. Iniwan ang lahat ng bagay na mayroon ako at tumakbo palayo, hindi alintana ang iisipin sa akin ng mga tao.

Napahagulgol ako nang tuluyang makalayo.

Ano'ng nangyari?

**

Dahan-dahan siyang lumapit sa gawi ko habang kinakanta an isang pamilyar na OPM. Pangrap ko lang dati na makantahan ng ganoon. Hindi kasi ako fan ng mga English songs or Korean songs kagaya ng iba. I'm a huge fan of OPMs kaya tila ba dream come true na kantahan ako ng isang awitin tapos nag mula pa kay Arjon.

Nakangiting tinignan ko siya habang nag lalakad papalapit sa akin. Sa bawat hakbang niya ay mas lalong nagkakagulo ang sistema ko.

All I feel right now in my stomach is butterflies.

Tila ba may mahigit dalawang daang butterflies na nag coconcert sa tiyan ko. Halos manginig ang tuhod ko at tumalon ang puso ko sa tuwa. Oo, gano'n ang epekto sa akin ni Arjon. Gano'n ko siya kagusto . . . gustong-gusto.

Hiyawan ng mga tao at palakpakan ang maririnig. Marami ang kinikilig sa ginagawa niya at isa na ako roon. Ang dami niyang fans sa buong campus, and I'm so stupid not to realize that I'm just one of them. Nothing special.

Everything was so perfect. It's like I'm dreaming . . . but not until he passed by me and went straight to Lexi. And that's when I realized that I was actually dreaming.

Embarrassment. 'Yan ang tanging naramdaman ko sa sarili ko. Nahihiya ako sa sarili ko sa pag-iisip na para sa 'kin ang lahat ng iyon.

Sinundan ko siya ng tingin matapos niya akong lampasan at dumiretso kay Lexi na nasa likod ko. Si Lexi na walang kainte-interes sa nangyayari. Si Lexi na ang tanging taong gusto ni Arjon . . . si Lexi na lalaki. Lalaki.

Halos pigain ang puso ko nang dahan-dahang ibinaba ni Arjon ang kanang tuhod sa sahig. Mas lumakas ang hiyawan ng fans dahil sa hawak nito sa kamay ni Lexi.

Si Lexi na sa ngayon ay nakatingin sa akin.

Kitang kita ko ang awa sa mga mata nya. I'm starting to hate those stares. I'm starting to hate her. I feel so insecure!

Tumayong muli si Arjon para marahan na igiya si Lexi papunta sa gitna ng stage. And now, they just stole the spotlight.

Sinundan ko lang sila nang tingin hanggang sa mapansin ko ang pagtaas ng mga letters mula sa crowd. Madilim at nanlalabo ang mata ko dahil sa luha na namumuo. Hindi ko mabasa, ngunit sa tingin ko ay hindi ko na kailangan pang basahin.

Natapos ang kanta at katahimikan ang namutawi sa paligid. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang bouquet ng bulaklak na ibinigay sa akin kasama ng korona.

Ang katahimikang iyon ay tuluyang nabasag nang magsalita si Arjon. Mga salitang lubusang dumurog sa akin.

"Lexi Flores, will you be mine?" tanong ni Arjon at saka hinalikan ang kamay ni Lexi na kanina pa niya hawak.

Halata sa kilos ni Lexi ang pagiging balisa at hindi alam ang gagawin. Muli siyang tumingin sa akin na tuluyan nang tumulo ang luha.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako nag seselos at naiinggit sa kaniya, e', lalaki naman siya? 'Tsaka hindi naman niya papatulan si Arjon? Kaya bakit? Ano'ng dahilan? Bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit sobrang sakit?!

Dahil ba alam ko na sa pagkakataong ito, masasaktan nanaman si Arjon? Oo masasaktan siya, dahil lahat 'yon kay Lexi. Ayokong makita ang lahat ng 'yon. Ayokong makita na masaktan si Arjon. Oo, iyon lang iyon. Si Arjon ang gusto ko.

Dala ng masidhing damdamin ay kusa akong umalis sa stage. Nakita ko ang pagkagulat ni Lexi sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Hindi ko na kayang mag tagal pa sa lugar na 'yon.

Sinalubong ako ni Jasmine habang pabababa ako sa stage.

"Rania . . ." ramdam ko ang awa at pag-aalala sa boses niya. Alam niya kung gaano ko kagusto si Arjon kaya alam niya na masakit para sa akin 'to.

Iniabot ko sa kaniya yung bouquet, ipinatong sa ulo niya 'yung crown at isinuot sa kaniya 'yung sash. Wala na siyang nagawa at hindi na rin ako nasundan pagkatapos kong iwan siya roon.

Sinikap kong tumakbo kahit masakit sa paa, kahit na hindi ako sanay na mag hills. Mabilis na nag lakad ako palayo sa lugar na yon. Isa lang ang alam ko na pwede kong puntahan ngayon para makapag isa.

Secret Garden.

I fell apart as soon as I stepped into this garden.

Ibinuhos ko lahat ng luha na kanina ko pa pinipigil. Lahat ng sakit na nasa puso ko.

Doon bumalik sa akin ang sinabi ni Arjon noon. Tama siya, kaya kong kuhanin ang numan kay Lexi . . . pero hindi siya. Kahit manalo ako sa Miss Universe, hindi ko mapapanalunan ang puso ni Arjon, dahil hindi naman iyon ang grand prize.

"Rania," tawag ng isang pamilyar na boses. Ang boses na sa ngayon ay ayaw kong marinig. Boses ng taong sa ngayon ay ayaw kong makita. Lexi.

Ramdam ko ang mabilis na paghakbang niya papalapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat para itayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa damuhan. Agad ko rin naman iyon tinabig, tumayong mag-isa at humarap sa kaniya.

"Rania . . . ano ba'ng nagyayari sa 'yo--"

"Tinanong mo pa," I sarcastically replied na ikinagulat niya.

"Galit ka sa 'kin? What did I do wrong? Hindi ko masagot ang tanong na iyon dahil wala naman talaga. Wala siyang ginagawang mali.

Tumalikod ako. "Just please, leave me alone," I ordered.

"Rania, you won--"

"I won because you just let me!" Napapikit ako sa inis. Alam ko naman na hinayaan niya lang ako manalo. Alam ko na kung hindi niya ginawa yon, kung mas ginalingan niya ay siya naman talaga ang mananalo. "You let me win in that contest but not in Arjon's heart." I cried.

Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa habang patuloy ang pag hikbi ko. Alam ko napaka toxic ko pero kasi sobrang sakit na. Ngayon lang, please!

"Do you want me to tell him?" Natigilan ako sa sinabi niya. Marahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya at kitang-kita ko sa mata niya ang sinceridad. Nangilabot ako.

Iyon nga ba ang gusto ko?

"Do you want me to tell him na lalaki ako? I'll do it, Rania. I'll do it for you, just tell me--"

"You won't do that," mas kalmadong saad ko. Alam ko ang mabigat na dahilan niya para mag panggap na babae kaya hindi niya dapat ipagtapat ang sarili nya para lang sa akin.

Bumuntonghininga ako at pinihit ang katawan ko paharap sa kaniya, pero nagulat ako nang hapitin niya ako papaapit sa kaniya . . . and the next thing I knew, his lips were on mine. 

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now