CHAPTER 26: Couple

171 12 0
                                    

A/N: Unedited parts ahead. Please refrain from reading. Thank you for your patience. 


"Dito ka nalang muna, sorry wala kaming guestroom." binuksan ko yung pinto ng kwarto ko na nilinis na ni Mama para kay Tiam, medyo maalikabok doon kanina dahil hindi na nagagamit pero ngayon okay na ulit.

"San ka?" tanong nya sa akin at hindi pa din pumapasok sa loob.

"Sa kwarto ni Mama." Tabi kami tonight ni Mama para may matulugan si Tiam. Mag isa lang naman si Mama sa kwarto nya dahil wala na si Papa.. Bata palang kami wala na sya.

Tumango tango si Tiam at pumasok sa loob ng kwarto, sinusuri ang hitsura nito. Maganda naman ang kwarto ko, color pink yung pintura ng wall may study table at ang malaki kong closet. May kaya naman kase kami sa buhay.. Kaya nga ako nakapasok sa AEV. May restaurant business si Mama sa may Bayan.

Pumasok na din ako at umupo sa kama ko. Na miss ko 'to!

Tinignan kong muli si Tiam na tinitignan ang ilang pictures ko na nakasabit sa wall. I don't mind, cute naman ako nung bata eh! Hehe.

"Hanggang kailan mo balak mag tago?" tanong ko out of nowhere.. Napatingin naman sya. "I mean, alam na nila na all this time nag didisguise ka lang na babae. Ano na plan mo?" tanong ko pa.

Tumukhim sya at umupo sa upuan na nasa study table malapit sa kama na kinauupuan ko.

"Kaya nga ako nandito, i need time to think." napatango naman ako sa sinabi nya. Hindi naman sa gusto ko na syang paalisin, gusto ko lang malaman ang plano nya.

Nagsimula syang kunin ang isa sa mga ballpen na nandoon at paglaruan iyon.

"Was it hard?" tanong ko.

"What? To go home or to marry an unknown woman?" he said and chuckled.

"Both."

"Yes. It's hard to go home and it's even harder to marry someone when you're in love with someone." saad nya at ibinaba ang ballpen na lumikha ng katamtamang tunog sa lamesa. Humarap sya sa akin. Seryoso. At hayun nanaman yung nag tatambol sa puso ko. Sino ba yon? Lol.

"I like you, Rania. No, maybe I'm in love with you." he said sincerely while looking at me straight to my eyes.

Napaiwas ako ng tingin dahil para bang nilalamon ako ng mga titig na 'yon. Masyadong malalim at ang daming sinasabi.

"I don't know what to say, or even how to react." muli kong pinaglaruan ang mga daliri ko.

"You don't have to say anything. I just want you to know what i feel." napatango nalang ako dahil hanggang ngayon ay speechless pa din ako.

Tumango nalang ako at inexplain sa kanya yung mga kailangan nyang malaman.. Ang awkward lang dahil hindi na 'ko makatingin sa mata nya kagaya ng nakasanayan.

Hindi naman maiwasan ni Mama na interviewhin ako tungkol kay Tiam nang makahiga na kami.

"Schoolmate kayo?" tanging tango lang ang sinagot ko.

"Sigurado kang wala kang gusto sa kanya or wala syang gusto sayo?" curious na tanong ni Mama.

Agad naman na naalala ko yung sinabi sa akin ni Tiam kanina. Napapikit ako sa hiya, ewan ko kung bakit nahihiya ako. Nagtaklob nalang ako ng unan at tumalikod kay Mama.. Ayokong sagutin ang tanong nya.

Napag pasyahan kong ipasyal sa Tiam sa paborito kong pasyalan dito sa lugar namin. Meron kaseng park malapit dito.. May kalakihan 'yon at doon din ginaganap ang halos lahat ng event sa bayan namin.

"Tara na!" tawag ko kay Tiam na kalalabas lang ng kwarto. Halatang bagong gising at gulo gulo pa ang buhok. Kinukusot nya pa ang mata nya.

"Saan?" tanong nya na halatang wala pa din sa sarili.

Nag iwas ako ng tingin nang maalala nanaman yung sinabi nya kagabi. "Basta bilisan mo mag ayos ka!" saad ko at umuna na pag baba. Hindi ko alam kung na fefeel nya din yung awkwardness pero ang awkward talaga legit!

Ilang sandali pa ay bumaba na sya.. Nakaligo na at basa pa ang magulo nyang buhok.. Ngumiwi ako. Hot.

Inialis ko ang tingin sa kanya at nagsimulang tahakin ang daan palabas ng bahay.. Naramdaman ko naman ang pag sunod nya sa akin. Ilang minutong lakarin din ang parke pero worth it naman pag narating mo!

"San mo ko balak dalhin?" nagulat pa ako nang bigla syang magsalita. Parang kinuryente ang katawan ko nang maramdaman ang boses nya sa tenga ko. Weird!

"Dyan lang." sagot ko.. Hindi ko alam pero mas magiging tipid ako, nahihiya akong magsalita at maging ang mga galaw ko ay limitado.

"Cold." saad nya, napatingin naman ako sa araw na unti-unti nang tumataas. Hindi naman malamig eh. I heard him chuckled. "I mean you."

Napatingin ako sa kanya ngunit agad din namang napaiwas nang magtama ang mga mata namin.

Napahinto ako nang humarang sya sa daan ko. Bahagya pa syang yumuko at hinawakan ako sa magkabilang balikat para magtama ang mata namin.

Nanlalaki ang matang tinignan ko din sya diretso sa mga mata nya. "A-Ano?" kunware ay inis na tanong ko pero ang totoo ay hindi ko lang kaya 'tong kakaibang trip nya.

He tilted his head "You're awkward, Rania." he concluded. Umiwas ako at bahagyang tinabig aki kamay nya.

"Wag ka ngang magulo. " i replied at pinagpatuloy ang pag lalakad. Wala naman akong narinig na kahit na ano sa kanya.. Sumabay nalang sya ng paglakad sa akin.

Sa ilang minutong pag lakad namin papunta sa park ay ramdam ko ang pangungulit nya. Nakita ko na yung side nga na 'to dati pero mas matindi ngayon. Mabuti nalang at nakarating kami agad.

Bumalik ang gana ko nang makita ang parke kung saan ako lumaki.. May konteng pag babago sa lugar at mayroong mga features na nadagdag isa na do'n ay yung nag papa-hire ng bikes.

Ipinaling ko ang ulo ko at pinagmasdan ang mga taong lumalapit doon para mag hire ng bike. May pang single at meron ding pang couple.

"Tara sakay tayo." nagulat nalang ako nang biglang bumulong si Tiam gamit ang malalim nyang boses... Normal nyang boses. Hindi ko alam pano nya napapaliit at napapababaw 'yon when he's in disguise. Kaya siguro malimit syang mag salita as Lexi. Vaklang toh!

"Teka ayoko!" kunware pang pag tanggi kahit na gusto ko namang subukan.. Syempre papapilit, pero pinilit naman nya ako kaya go!

"Mag ha-hire din po kami." masayang bungad ni Tiam sa lalaki na nag paparenta ng bisikleta.

"Couple?" tanong ni manong pero hindi ko naman maintindihan ang sarili na kusang sumagot.

"Hindi po!" i sound too defensive. Tumango tango si Manong at tinignan ang logbook nya.

"May dalawa pang single na bike--" ewan ko may pagka-bastos yata tong si Tiam at agad na pinutol ang sasabihin ni Manong.

"We will be hiring the couple bike." saad ni Tiam at saka itinuro ang nag iisang couple bike na naka-part sa gilid.

Nanlalaki ang matang tinignan ko lang sya habang yung Manong naman ay tumango tango lang at sinimulang alisin yung lock nung bike.

Tinignan ako ni Tiam pabalik at cute na ngumiti. Hindi na ako naka-react nang iabot yon sa amin ni Manong at bayaran na din ni Tiam.

"Have a nice trip!" habol pa nung Manong at saka bumaling sa iba pang lumapit para mag hire.

Ibinalik ko ang tingin ko doon sa bike na nakasakay na pala si Tiam. Nasa unahan sya at tinignan nya ako na sinasabing sumakay na din ako.




A Guy In Disguise (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora