CHAPTER 10

153 15 1
                                    

Hindi ko alam kung bakit dapat pa akong malito. Sino ang pipiliin? E'di malamang, si Arjon!

Pero bakit parang hindi ko maigalaw ang kamay ko. Gusto kong kunin ang kamay ni Arjon dahil iyong ang sinasabi ng isip ko, pero hindi ko naman maisagawa. Nagulat na lang ako nang biglang sumingit si Ellie.

"Ako na, ako na!" aniya at mabilis akong inalalayang tumayo. Gusto ko siyang sabunutan dahil sa ginawa niya. Pangkakataon ko na 'yon para mahawakan ang kamay ni Arjon, eh! Pero okay na rin 'yon.

Umayos ng tayo 'yong dalawa nang makatayoa ko. Mabilis naman na kumuha si Ellie ng panyo sa bag niya at nagsimulang punasan ako.

"Okay ka lang?" tanong ni Arjon. Matalim naman siyang tinignan ni Ellie.

"Ikaw kaya buhusan ko ng tayo?" inis na saad niya kay Arjon.

"Ellie, okay lang ako," pigil ko sa kaniya. Baliw talaga 'to, pati si Arjon idinamay sa inis niya. Buti nga dumating siya eh.

Ipinagpatuloy na lang niya ang pagtulong sa akin na magbawas ng baho sa katawan. Kainis, ang sama talaga ng trip ni Camilla.

"Sorry for that, Rania," mababakas ang sensiredad sa tono ng pananalita ni Arjon. Hindi ko naman maiwasang mapangiti.

"Tss, alam mo naman kasi na puwedeng mangyari sa kanya 'to and yet you still dated her." Lahat kami ay napabaling kay Lexi dahil sa pagsabat niya. Nakahalukipkip siya at walang emosyong nakatingin sa malayo habang nakasandal sa pader.

Epal talaga neto!

"Yeah, that's why I'm sorry. Hindi ko naman alam na ginagawa pa rin niya 'to. Akala ko ay tinigilan na niya," ani Arjon.

"Paano niya nga titigilan kung hindi mo naman pipigilan. Alam mo, Arjon, kung mayroon mang makakapigil kay Camilla, ikaw 'yon," saad naman ni Ellie. Feeling ko pinagkakaisahan nila sa Arjon. Kawawa naman bebe ko.

"Guys, it's not his fault . . . don't put the blame on him. Hindi niya naman kontrolado ang mga taong 'yon," saad ko bago bumaling kay Arjon. "Thank you pala, Arjon, sa ginawa mo kanina. Kung hindi ka dumating e' baka kung ano pa'ng ginawa n'ong mga 'yon," dagdag ko pa. Siyempre with matching pa-cute.

"Tss," dinig kong utas ni Lexi. Nakakainis, bakit ba siya nandito? May pa-abot-abot pa ng kamay! Panira ng moment!

Matapos iyon ay sinamahan ako ni Camilla na magpalit. Kinailangan ko pang umuwi sa dorm dahil wala akong dalang damit. Aba, e' malay ko bang pagt-tripan ako today? E'di sana nag dala rin ako ng raincoat!

"Grabe, ang kalat mo naman!" nandidiring saad ni Ellie nang makapasok siya sa dorm namin.

Napangiwi ako. "Excuse me, hindi sa 'kin 'yan. Kay Lexi 'yang mga gamit na 'yan," depensa ko at saka nagsimulang kumuha ng damit.

"Seriously?! Bakit parang hindi naman?"

"Kahit ako ay hindi rin makapaniwala na ganiyan siya kaburara sa gamit. Wala sa hitsura--palit lang ako sa banyo ha, huwag kang makialam ng gamit n'on! Baka sa 'kin magalit!" Duro ko pa sa kanya bago pumasok ng bathroom.

ILANG linggo na rin ang lumipas matapos ang pangyayaring iyon. Hindi na ako ginugulo ni Camilla. Mukhang tama nga si Ellie. Si Arjon lang ang makakapigil sa kanya. Sana lang ay mag tuloy-tuloy na para matuloy na rin ang payapa kong buhay.

Sa paglipas ng mga araw na iyon ay naging busy kaming lahat dahil sa finals. Hindi ko na rin masyadong nakikita si Arjon kaya patay ngayon ang heart ko. Huhu. Gano'n pa man ay naiintindihan kong graduating students na sila ni Lexi kaya mas lalong busy. Speaking of Lexi, as usual, hindi kami nagkikita dahil aalis siya pag darating ako at babalik lang sa dorm kapag tulog na ako. Maaga rin siyang gumigising at nauuna sa aking pumasok.

A Guy In Disguise (Completed)Where stories live. Discover now