WA 16 - The Cursed Heir's Blood

85.9K 3K 490
                                    

Comments will be highly appreciated. Thank you!


CHAPTER SIXTEEN

THE CURSED HEIR'S BLOOD

I am so beat! Mabuti na lang at hindi masyado nagtagal ang usapan—kung ganoon pa ang matatawag sa nangyari kanina. After what they said, hindi na ako nakapag-isip ng maayos. They gave me too much information and my brain could not absorb everything! I need a break from all of these shits!

Pagka-alis ng mga kasapi ng council, saka naman humarap sa akin si Ynior, "I'm sorry about earlier. Masama na nga ang pakiramdam mo kanina matapos kong sabihin ang pagkamatay ni Rachel, dinagdagan ko pa ngayon." He said as if it was a big mistake bringing me here in Mirador.

"Okay lang ako Ynior." I said. Kahit hindi naman. "Mas sasama ang pakiramdam ko kung ililihim niyo sa akin ang lahat ng nalalaman niyo tungkol sa pagkatao ko." Wala naman na akong magagawa eh. Ako pa kasi ang napili. Eh napakawalang kwenta ko naman sa lahat ng bagay. They chose a weak person to do the job. That weak is me.

Tumango siyang nag aalangan, "Oh siya, sige... Basta kapag may kailangan ka, pu-pwede mo akong puntahan dito sa Mirador."

"Salamat po."

I bid my goodbye at umalis na nga. Nakatulala akong naglalakad habang malalim na iniisip ang mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay ko kamakailan lang. Masyado akong maraming problema sa buhay. Eto pa lang pero parang bibigay na ang utak at kaluluwa ko.

Habang pabalik ako, may nadaanan akong isang kanto. Mula sa kinatatayuan ko may signboard na nakasulat ang bibliyotek. Library. Madilim ang kantong iyon at may pinto pa na hindi naman masyadong nakikita kung hindi tititigan ng mabuti. Pero ang pinagtataka ko, Dalawa ang pinto. Magkatabi ito at nasa gitna ang signboard na 'yun.

Curiosity kills the cat, they say. Hindi pa rin ako nagpatinag. Dahan-dahan akong pumasok sa masikip at madilim na kanto. As much as possible, hindi ako gumagawa ng ingay. I tried to be vigilant para naman alam ko kaagad kapag may makakakita sa akin sa lugar na 'to. But I doubt it. Masyadong tahimik ang paligid kanina at nasisigurado kong nasa kanya-kanyang tambayan ang mga estudyante ngayon dahil na rin wala ngang klase.

"Bahala na..." Sabi ko pa sa sarili ko.

Binuhusan ako ng kaba nang mapagtanto kong masyado ng mahaba ang nilalakad ko pero hanggang ngayon nasa kalagitnaan pa rin ako ng kantong pinasok ko. Tanaw ko man ang pinto, may isang maliit na ilaw sa bandang gilid nito pero parang ang layo ko pa rin mula roon... Dala na rin siguro ng kagustuhan kong malaman kung ano ang nasa mga pintong 'yon, hindi ako nagpatalo sa kaba. Nang nasa tapat na ako ng dalawang pinto, inisip ko pang mabuti kung saan dapat ako pumasok.

Hahawakan ko na sana ang pinto sa kaliwa nang bigla na lang umilaw ang mga 'to at saka parang lumutang sa harap ko. Napa atras ako sa nangyari. "What the hell is this?" Bigla iyong naging isa saka unti-unting nawawalan ng liwanag. Napapikit ako dahil kinakabahan na ako ng sobra. What the fuck am I doing again? Lahat na lang talaga pinapasok ko kapag gusto ko—kaya siguro lapitin ako ng gulo!

Nang magmulat ako ng mata, napaawang ang bibig ko nang nasa harapan ko na ang napakalaking pinto. Nag iisa na lang 'to na para bang pinagsama ang dalawang pinto kanina. Huminga ako ng malalim saka nagpasyang buksan ang pinto.

It clicked and created a creaking sound. Bumungad sa akin ang isang hagdan na pababa.

Walang alinlangan akong pumasok at isinara ang pinto. Sa pagtapak ko palang sa unang semento ng hadgan, biglang umilaw ang gilid ng pader kung saan may mga sulo ang biglang nagliwanag hanggang sa baba dahilan para mapatalon ako sa kinatatayuan ko.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon