WA [DR] 50 - Not Fighting Back

55K 1.8K 405
                                    

Double update! Comments will be highly appreciated.


WA 50 – Not Fighting Back

"When you reached your limit, you simply can't regain the energy you used that fast. It takes time, people! Kung maaari, lumayo kayo at subukang magpalakas muna bago umatake..." Paliwanag ni Sir Woods. "By that, magkakaroon kayo ng konting lakas para maglabas ng konting pwersa sa Imaclum niyo. It won't boost, but I will help you."

Habang nakikinig ako, hindi maiiwasang mapadako ang tingin ko sa gawi na kung saan nandoon si Uryll. He's like an idiot fooling himself. Nakangiti sa hindi ko alam na dahilan. Na we-weirduhan na rin ang iba sa ikinikilos niya. Panay ang ngiti at tawa. He's being too carefree, now.

'Para talagang abnormal 'yang si Uryll. Tignan mo nga.' Napangiwi ako sa sakit ng ulo nang marinig ko ang inner voice ni Wina.

Nilingon ko siya, kitang nakatingin siya kay Uryll. Napangiti ako, 'Hayaan mo na. Minsanan lang 'yan.' Sabi ko.

It's been what? A week or so? Those past few days was so magical. Hindi dumadaan ang araw na hindi ako nakakaramdam ng sobrang saya. Parang kasalanan ang maging ganitong kasaya dahil sa mga ginagawa ni Uryll. Ang kinalulungkot ko lang, hindi ko pa magawang masabi kay Briz ang meron sa amin ni Uryll. It will badly hurt him. And by just thinking of that thing... nasasaktan rin ako. Briz is precious to me. He's a friend.

Sa kabila ng pagtatago namin, hindi kami nakalusot kay Wina. She gave us a wrack in the head! She even gave us a lecture about our pride. Ang dami daw naming arte, ang ending magiging kami pa rin daw ang end game. She said, "Ang ta-taas ng mga ihi niyo! Para kayong bata!" She spank Uryll's head. Habang hiyang-hiya ako sa kanya, si Uryll naman tinawanan lang siya.

Nagawa niya pang akbayan si Wina at ginulo ang buhok. Sabi niya, "Thank you Wins. Hayaan mo, ako mismo sasapak kay Kuya pag nagloko 'yon."

Halos umusok ang ilong ni Wina, "'Yang kapatid mo Uryll... Ayan! Isa pa 'yan! Ang landi-landi! Sarap tirisin!" And the endless rants begin...

'Noong isang araw pa siya ganyan. Yiee! Inspired.' Napailing ako sa panunuya niya.

'Hindi ko nga alam kung bakit panay ang ngiti niya. Nagagawa niya pang mang-asar kina Rio. Very unusual.' Hindi pa kasi ako sanay na ngumi-ngiti siya araw-araw. Parang isang bagong Uryll ang nakakaharap namin araw-araw.

'Dapat ata masanay na tayo. Tsaka dapat na akong maghanda dahil baka magulat ako sa mga susunod na gagawin niya. Kailangan handa ako sa lahat.' Nagawa niya pang matawa sa sinabi niya. Muli akong napailing. Nga naman. Uryll's kind of unexpected these past few days.

"... basically, when you release a force, you exert energy. When you do it in a one swift move, you can manage to hit your target without putting much effort. Bullseye!" Patuloy sa pagpapaliwanag si Sir Woods.

Hindi kalaunan, halos sumabog ang ulo ko sa sobrang sakit. Ang ingay nila Wina at Uryll na nag aasaran sa isipan ko. This is completely insane!

'Shut it Wins!' Tawang-tawa si Uryll habang inaasar si Wina.

'Heh! Mukha mo! Alis ka nga sa isip ko. Di ako maka-concentrate sa mga sinasabi ni Sir Pogi.' She retorted.

Napailing ako, 'At talagang sinama niyo pa ako, ano?' singit ko.

Dahil malapit lang sa inuupuan ko ang pwesto ni Uryll, tanaw ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya. 'Hi.' Damn! How can a simple greeting can make a big effect on me?

'Hi.' I greeted back.

'Ayieeee!' tili ni Wina. Napapikit kami ni Uryll dahil sa biglaan niyang pagsingit—hindi lang basta-bastang singit. Kung hindi pagtili! Para siyang uod na binudburan ng asin sa kilig. 'Nakakaloka kayong dalawa! Ang landi!'  Sabi niya pa.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon