WA 19 - Mystical in Mystic Forest

90.5K 2.8K 765
                                    

Same drill, okay? Interesting comments please. Thank you so much! And, WA will be published this february :)            

CHAPTER NINETEEN

MYSTICALS IN MYSTIC FOREST

Alam ko na ang mangyayari. He said he'll just call those who will participate—and yes, here we are. Nasa Mirador na kaagad kami kasama ang ibang instructors. Sir Woods is talking to Sir Borris while Miss Moore is talking to Wina about some matters. Kanina pa lang, kinutuban na ako sa mga possibleng mangyari sa akin at sa iba. Ynior is nowhere to be found yet. Ang sabi naman ay dadating siya para ipaliwanag sa amin ang mga gagawin.

"Hey," Tapik ni Briz sa braso ko. "Ayos ka lang? You look troubled." Pinitik niya pa ako sa noo kaya sinapak ko ang kamay niya.

"Umupo ka nga. Nakikinig ako sa usapan nila." Sabi ko. Wina and Miss Moore are talking about the previous mission—which was a failure dahil hindi nakuha ang dapat na makuha sa loob ng Avlan.

Rinig ko ang mahinang tawa niya, "Sungit mo naman. Kailan ka pa natuto ng ganyan?" Tanong niya at pinisil-pisil ang pisngi ko.

Why can't he pick it up that I'm feeling so awkward around him? Damn it! He's making my heart beat so fast right now. Iniiwas ko na nga ang sarili ko dahil baka hindi ko mapigilan at sabayan siya para magkamoment kami. Kung pwede lang talaga.

"Ngayon lang." Sagot ko pa.

Ngayon para na akong hinihika sa kilig ng dahil sayo.

Nailang siya sa naging sagot ko, "Naku! Huwag kang masyadong dumidikit kay Uryll. He kind of influenced you to be this mean." Hinimas niya pa ang dibdib niya na para bang naninikip, "Ouch. I'm hurt." He mocked. Damn Briz! Kaawaan sana ako ngayon at itigil na niya ang mga panunuya. Hindi na kaya ng kilig ko. Malapit na ako malagutan ng hininga sa kinauupuan ko. Ang lapit-lapit niya pa man din sa akin.

Umirap na lang ako para hindi niya mahalata ang pamumula ng pisngi ko. Nag iwas ng tingin at itinuon na lang sa mga taong nasa harapan namin.

There will be two teams for this mission. Kasi sa dami ba naming ipinatawag, hindi naman ata pwedeng lahat kami ay magsasama-sama lang sa iisang gawi. Rio and Xynthea were chosen too. All of my friends are here I'm confident that we can actually make this happen. Success comes from a good team—especially if they have a good leader.

"Everybody!" Biglang pasok ni Ynior sa double door ng Mirador Hall. Natayo kaming lahat para bigyang respeto ang pagdating niya. Kahit ang mga teachers ay nagsiyukuan para bigyan siya ng pagkilala. Ynior is a very well known headmaster. Hindi na nakakapagtaka na ganito siya kung bigyang respeto ng nakakarami. "Maupo muna kayong lahat." Utos niya at nagsi-upuan kami sa mga bangko ng malaking pabilog na mesa.

Siya ang nasa dulo. Tahimik kaming naghihintay sa mga sasabihin niya sa amin. Sinenyasan niya si Sir Woods at Sir Lyons—he's the teacher for Mathamancy.

Nang pinaupo rin sila ay saka nagsimula si Ynior sa pagsasalita, "We have decided to pick Mr. Jovan Thurston and Mr. Gale Le Feuvre from the senior level to be the captains of each team. Napili ng mga mga teachers niyo ang makakasama nila. Each team will have different objectives and targets but will be in the same tracks. I have faith in each one of you," Pinasadahan niya kami ng tingin lahat. "Naniniwala akong magagawa niyo ang ipinag-uutos ko. I expect that everyone will come back in one piece. Take care of each other and be at your bests. Your teachers will announce and further explain everything that you needed to know." Tumayo siya kaya natayo rin kami. "Good luck." He said and left us.

With that, Sir Lyons started calling names, "Gale Le Fuevre, Hutchinson, Delacroix," What the hell! "...Fuller, Clinton, Hastings and Graves. You are team Murdock. Come with me!"

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon