WA [DR] 41 - Insensitive

47.5K 1.6K 300
                                    

Who is the insensitive? Comments will be highly appreciated. Lagi po akong nagbabasa sa comment section and I'll answer those that has an interesting comment.


WA 41 – Insensitive

Everything went back to normal. Halos abala na kaming lahat sa pag-aaral at mas inuuna ang mga dapat gawin. Whenever I see Uryll, umiiwas ako. Hindi na rin niya siguro 'yon napapansin dahil abala siya sa ibang bagay—kay Daphne. Yes, she's here. The Council gave them—Uryll and Daphne—a time to bond. She'll be here for a few weeks.

Walang imik akong pumasok ng library at hinanap kung saan nakaupo si Briz. When I saw him, he smiled at me. I returned back the favor. "Kanina ka pa?" tanong ko at naupo sa tabi niya.

Tumango siya. He handed me a book, "I saw this at the history section. Eto 'yon diba?" I nodded as I flipped the pages.

"Thank you. Noong isang araw ko pa 'to hinahanap." I said.

I was looking for a book entitled 'The Mistaken Judgement'. Miss Moore told me to look for it.

"You stay here, may hahanapin din akong libro. I'll be at the literature section." Tumayo siya at humarap sa akin, "Hindi ako magtatagal, babalik din agad." Sabi niya pa at tumango lang ako bago siya pinanuod na umalis.

Ibinalik ko ang tingin sa may kalumaan ng libro. May kaunting sira na rin ang ilang pahina nito pero pwede parin namang mabasa. I'm all alone in the corner.

Nasa ika-tatlong pahina palang ako nang bumalik si Briz. He came back with a bunch of books in his hands. "Ano ang mga 'yan?" I asked. Sa dami ng dala niya, hindi ko alam kung mababasa niya ba lahat ng 'yan ngayon araw. Ngumiwi ako bilang sagot. "You're too studious." I commented.

He grinnedand messed my hair. "I'm not."

Sinapak ko ang kamay niyang nasa ulo ko pa rin. Gustong-gusto ko siyang asarin kung hindi lang talaga napadaan sa gawi namin ang librarian na masungit. Whenever that Librarian is around, she hates it when someone is talking. Literal na pinapangatawanan ang 'Silence' sa library na 'to.

Pareho kaming nagbabasa ni Briz. My attention is in the book that I am reading, while he is in his. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa kamay kong nakapatong malapit sa mga tambak niyang libro. Napalingon ako sa kanya at kitang-kita ko ang paglawak ng ngiti niya. Lumingon siya sa akin, I mouthed 'sneaky' at him.

'I'm hungry. Ikaw ba? Labas na tayo?'

'Alright. Sa Hall na tayo,' I replied.

Sabay kaming tumayo at ibinalik ang mga librong kinuha namin. Nadaanan pa namin sina Rio at Xynthea sa history section na abala sa paghahalukay ng mga libro doon. Hindi nila kami napansin kaya dumaan na kami palabas ng library. Para akong nabuhayan nang nakalabas na kami. Malamig ang dalang hangin ng paligid dahil papalapit na ang winter season. Hindi ko mapigilang mapayakap sa sarili ko dahil maginaw.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Briz saakin.

Tumango ako, "Oo naman. Ginaw lang 'to."

I used my Imaclum to warm me up. Briz can handle the wind because it's his power. We have this very civil setup. I am thankful that we have this. Hindi ako naiilang sa mga bagay na nagagawa namin dahil pareho kaming may malawak na pag-iisip. He insisted me to act as if he hasn't done anything. I approved. Bahala na kung ano man, ganyan ang napag-usapan namin.

If something comes up, both of us will face it. Walang iwanan!

I am very thankful that I have Briz with me all the way to guide me in this situation. He's a big help!

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon