WA 5 - Unexpected Friendship

112K 4K 341
                                    

         

CHAPTER FIVE

UNEXPECTED FRIENDSHIP

I woke up without feeling any pain. Umaga na! Nataranta ako kaya napaupo ako bigla. Isang kalabog ang narinig ko kaya napatingin ako kung saan nanggaling ang tunog.

"Nathalia!" Ulo kaagad ni Wina ang nakita ko.

Siya pala ang nahulog.

Inilibot ko ang tingin sa kung nasaan ako. I'm in my room! Paano ako napunta dito—wait! Who helped me? Tinitigan ko ang mga braso ko na wala ni isang bakas ng pasa o kung ano mang natamo ko sa nangyari sa akin sa Hurlton.

"Buti naman at gising ka na! Sorry pala kahapon kung naiwan kita mag-isa. Hindi ko alam na masama pala ang pakiramdam mo kaya ka nahimatay habang pabalik ng Cisos."

Nahimatay? Anong ibig niyang sabihin?

"Hindi ako na—"

"Tara, wala raw muna pasok ngayon. Ibinalita kanina na may urgent meeting ang mga faculty members and staffs. That means, makakapagpahinga ka ng mabuti ngayong araw."

Wala akong sakit. What is she saying? I got cornered yesterday and I passed out. Iyon ang huli kong natatandaan. And! May taong papalapit sa kung saan ako bumulagta. Who was that?

Damn it! Now, I'm confused!

"How did I end up here?" I asked her.

Kumunot ang noo niya, "Nandito ka na bago pa man ako dumating, Nathalia. What are you saying? I mean, nadatnan na lang kita rito na parang nag de-deliryo sa taas ng lagnat mo. Kaya rin ako nahiga katabi mo dahil nakatulog ako habang binabantayan ka."

I got a freaking fever? No! What the fuck? Was I just dreaming? Ano? Hindi ko na maintindihan! Ang naaalala ko ay pinagtulungan ako nina King, Zamri at Hilda. They made fun of me by kicking, slapping and pulling my hair.

"Ahh... Salamat sa pag-aalaga mo sa akin."

"Walang anuman." Sabi niya saka bumalik sa kama niya. "Maghanda ka muna, pupunta tayong Eldford para makakain na. Kailangan mo rin kumain ng marami para magkalakas ka at nang hindi ka nahihimatay kaagad."

What the hell is going on?

I ate in silence. Wala akong gana kumain dahil naguguluhan pa rin ako sa mga nangyari. I passed out and I ended up in my bed without any bruises and such. How the hell that happened? I was sure that it was true—and not some kind of an illusion. Pero sino iyong taong lumapit sa akin? I had a little glimpse but that was only a shoe. Base na rin sa pagkakatanda ko, panglalake ang sapatos na 'yon. Basically, it's a he.

Today is very unusual, Rio is eating in silence. Since I got here, he never gets silent. Palagi siyang may nasasabi o kaya nagkukulitan sila ng kakambal niya. Today is kind of off. Normal naman na tahimik si Briz at Uryll sa isang tabi lang but I observed that Briz kept on looking at me. He was staring at me earlier that I get to caught him at that state. I only shrugged it off.

Wina is busy talking to the girl beside her. Siguro hindi niya napansin na tahimik lang kami. Everyone in the hall is in chaos. Lahat pala kami ay walang pasok kaya narito ang lahat sa Eldford.

When I felt someone is staring at me, napalingon ako sa gawing kanan ko. I thought it was Briz, but no. It was Uryll. Napalunok ako dahil hindi siya natinag nang mahuli ko siyang nakatitig sa akin.

'Let's talk.' A pang of pain hit my head. Napapikit ako sa sakit. It was Briz who talked to me using his telephaty ability. 'Sorry, I have to do this. But, we badly need to talk. Now.' Nakagat ko ang labi ko dahil sa panibagong sakit sa utak ko. Masakit talaga siya!

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon