WA [DR] 42 - Winter Season

48.2K 1.8K 749
                                    

Someone will go home and someone will tag along... Can you guess? The ship is surely sinking. I'll give you more reasons why Briz is the man for her.

Comments will be highly appreciated.


WA 42 – Winter Season

It's winter season already. May mga estudyante nang naglalaro sa malawak na field habang nagbabatuhan ng snow balls. Muntik pa akong matamaan ng isang sophomore, "Sorry," she apologized. Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. It's good to see that they are having so much fun. It's our last day today because tomorrow we will all be going home.

Winter means Christmas and New Year here in Greacugon.

Inayos ko ang coat na suot ko at kiniskis ang palad para maglabas ng kaunting apoy. It's so cold. Kahit na Imaclum ko ang fire, hindi naman maiwasang makaramdam ako ng sobrang ginaw. I was humming on my way back to the hall when I felt a very familiar touch in my hand.

"Good morning." He greeted.

I gave him a smile. "Good morning to you, too."

Hawak kamay kaming naglalakad papuntang hall. Pareho kaming may suot na makapal na coat—dahil sa sobrang lamig ng paligid. The snow is very thick. May ibang nanginginig na sa sobrang ginaw.

"Uuwi ka sa inyo?" Tanong ni Briz.

Lumingon ako sa kanya at tumango, "Kailangan eh. Sasabay sa akin si Liz." Sagot ko. Bukas kami uuwi kaya ang iba ngayon ay abala na sa pag-iimpake ng mga gamit nila.

"Can I..." Untag niya. "Can I go with you?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko, "Huh? Bakit?" Pagbalik ko sa tanong. Bakit gusto niyang sumama sa akin? Wala ba siyang pamilyang uuwian?

Humugot siya ng malalim na hininga, "My family won't be at home this Christmas. They'll be at my sister's house... Malayo 'yon." Nag-iwas siya ng tingin. Huli na pero kita ko pa rin ang pamumula ng pisngi niya.

Ang sarap kurutin.

"Hindi ka ba sasama sa kanila?" I asked again. Hindi naman rason 'yong malayo lang. Magkasama naman sila kaya bakit ayaw niya? I don't really get his point.

Umiling siya, "No. Malayo nga." It feels like he's mocking me. Gusto ko siyang tawanan dahil alam kong may agenda siya. Kahit hindi niya sabihin, nababasa ko ang nasa isip niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at may ibinulong na hindi ko maintindihan.

Kinurot ko ang tagiliran niya dahilan para pandilatan niya ako ng mata.

"Ano?" Pinandilatan ko rin siya.

Umiling siya at ginulo ang buhok ko. "Joke lang. Takot ko lang sa'yo." Sabay kaming natawa dalawa. Naglakad ulit kami at inakbayan niya ako.

Sa tuwing ganito, pinapabayaan ko siya sa gusto niyang gawin. Briz knows his limitations. And I know, this is just his simple gestures to show his affection to me.

Hindi niya man napapansin, pero pinapamulahan ako sa tuwing magkasama kami.

Now I'm finally building up the new feelings for him. Not just in like but something that is in the next level.

Marahan kong siniko ang tiyan niya, "Kung magpapalusot ka man lang, siguraduhin mong walang makakaalam. O kaya, isarado mo ng maigi ang isip mo nang hindi ko mabasa." Bulong ko.

Ramdam ko ang pagitla niya. "H-ha?" Nauutal niyang tanong.

Napailing ako at piningot ang tenga niya. "Sige, deny pa."

Worthwood AcademyWhere stories live. Discover now