WA [DR] 28 - Fly With Me

71.9K 2.2K 999
                                    

Tweet me @loys_dr with #WADR28. Your comments will be highly appreciated. Thank you!



WA 28 – Fly With Me

It's been a month since I arrived. Sa mga araw na nagdaan, smooth sailing lang naman. Nagkaroon na rin ako ng maraming kaibigan. And guess what? Mas naging close ako sa kanila—even Xynthea. Kapag may break time kami, doon kami nagkikita-kita sa paborito naming tagpuan. I even introduced them to my cousin, Lizbeth. We get to tag along. Isa lang talaga ang hindi nakakasabay sa mga trip namin. No other than... Uryll Hutchinson.

I can't really predict his mood. May mga araw na hindi siya masyadong masungit. May araw na sobra naman kung makapagsungit, but then, may magandang resulta naman ang mga kagaguhan niya. Because of that, Stan and I became close. Stan is way opposite to his brother. Mabait siya at thoughtful. Hindi katulad ng kapatid niya na ipinaglihi sa sama ng loob.

Sa kanilang lahat, sila ni Briz ang mas nakakasama ko araw-araw. Wina is busy, while Rio, Xynthea and Liz are always practicing their spells. It's a rule, na kapag nag pra-practice ang isang sorcerer ay dapat nasa isang closed facility para hindi makapaminsala. In short, dapat nasa Criyb lang sila.

Tinapos ko ang binabasa ko at inilapag sa mesa ang libro. "You done?" napagawi ang tingin ko sa gilid. And there is this freaking friend of mine standing gorgeously.

"Yup." I said. "Nagawa mo na ba iyong mga pinagawa sayo?"

Tumango siya at tumabi sa akin. "Kanina pa. Si Uryll at Stan na lang ang hindi pa nagpapakita rito. Gusto pa atang madagdagan ang parusa."

His deep dimple is waving at me. Damn! He's cute.

"What's new? Anyway, 'wag niyo na kasing tangkain pang pumasok sa Mant Grove." May itinatago ring kapilyuhan 'tong si Briz.

Tinangka nilang pasukin ang liblib na gubat sa Mant Grove para lang manghuli ng kulisap. Ang nangyari, mas naengganyo sila dahil sumama si Stan sa kabulastugan nila ni Uryll.

"You know what? Masayang gumawa ng bawal." Pilyo siyang tumawa.

Sinapak ko na. "Ayan. D'yan naman kayo magaling! Talagang 'wag lang kayong humingi ng tulong sa amin ni Wina dahil hindi namin talaga kayo lilingunin. Mga pahamak kayo!"

Nasa pinakapuso na sila ng gubat ng may makaengkwentro silang oso. Dahil hindi tolerable ang mga ganyang hayop dito sa Greacugon, napilitan silang kalabanin 'yun.

"Kaya naman sana namin 'yung Oso kung hindi lang kami nahuli ng mga tagabantay."

I rolled my eyes at napailing nalang. "Palusot pa, Briz."

Nahuli sila kaya naparusahan. Kailangan nilang linisin ang buong library for the whole day at hindi ko alam kung nasaan ang magkapatid na Hutchinson ngayon. Si Briz lang ang naglinis. Buti nga at natapos niya kaagad. For sure, mas madadagdagan ang parusa nung dalawa dahil sa hindi paglitaw ngayon.

"Tara, wala na naman akong gagawin." Ibinalik niya ang librong kinuha ko. Napatayo na rin ako at sabay kaming naglakad palabas sana ng library. Pero nasa may pintuan na ang magkapatid.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ko.

Napakamot ng batok si Stan at bahagyang napangiti. Nakahalukipkip na nakatitig sa akin si Uryll. Ayan na naman ang titig niyang nakakakilabot. Inirapan ko siya at binaling ang tingin sa kapatid. "Ano kasi..." Napasulyap siya sa katabi. "May ginawa kami." Napataas ang kilay ko.

May ginawa na namang kabulastugan ang magkapatid na 'to! Naagaw ang atensyon ko ni Briz. Mahina siyang tumatawa sa tabi ko. "Ginawa niyo 'yun?"

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. They are freaking using their telepathy. Blocked ako sa kanila. Nang ibinalik ko ang tingin sa magkapatid, nakatingin na si Uryll kay Briz. Masinsinan silang nag-uusap gamit ang mga isip nila.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon