WA [DR] 54 - One of a Kind

55.2K 1.7K 243
                                    

Sorry for the long wait. Again, please support my other stories. Hehe Thank you!

Two more chapters to go, then WA Second half will finally reach its end. Thank you for reading and for always making me smile through commenting. Love you!



WA 54 – One of a Kind

Napuno kami ng tawanan nang biglang napagtripan ni Stan si Rio. He's teasing him badly. Halatang naiilang na si Rio dahil pulang-pula na siya. Ni hindi na nga rin siya makatingin sa katabi—kay Xynthea. Alam na naming may gusto siya sa kanya pero tanging si Xynthea na lang ang hindi pa nakakaalam. Ayaw niya pa kasing umamin! What's with boys and confessing? He's like Uryll. Halata namang gusto din siya ni Xynthea.

'Stan, stop teasing him.' Wina glared at him.

Nagpigil ako ng tawa dahil alam kong mapapagalitan din ako ni Wina. Kanina niya pa kami sinisigawan sa isip kaya sabay kaming napapapikit ni Uryll, Briz at Stan. Ang lakas din ng trip nitong sumigaw.

'Nagkakatuwaan lang naman kami. No harm done, Wins.' Napunta kay Briz ang tingin ni Wina.

Pinanlakihan niya ito ng mata kaya napahagikgik siya. 'Tumigil ka Clinton! Isa ka pa!' Sigaw ulit ni Wina.

'Damn woman! Stop shouting!' Iritadong Uryll ang sumingit.

Kinurot ko siya sa tagiliran at sinamaan ng tingin. 'You're spoiling the fun.' I said through my mind. He rolled his eyes on me. Aba loko 'to! Sinapak ko sa kamay—pambawi. 'What's with you?' Tanong ko ulit. Kanina lang nakikisama pa siya sa mga kalokohan ng kapatid at bestfriend niya. Ngayon naman bigla na lang nananaway at wala na sa mood.

He took my hand and entwined it with his. 'Look how uncomfortable he is. It's not easy to confess the feelings. Give him time to—'

'Based on experience ba 'to Uryll?' biglang singit ni Stan na may halong panunuya sa boses.

'Shut up.'

Hindi ko napigilang hindi matawa. Nabaling ang tingin sa akin ng lahat. Sina Rio at Xynthea na nanahimik sa tabi namin ay napatingin din sa akin.

I burst out laughing. "S... Sorry." Hingal na hingal ako. I can't help it. Parang bombang sumabog sa akin ang sinabi ni Stanley.

"Bakit ka tumatawa?" nagtatakang tanong ni Rio.

Umiling ako. "Wala. Wala." I shooed him. Para maiwas ang tingin nila ni Xynthea sa akin. Masyado na akong napaghahalataan. Tanging kami lang nina Wina, Stanley, Briz at Uryll ang nagkakaintindihan dahil kami lang ang may telepathy. Sadly, wala silang dalawa.

Xynthea arched her bow. "Sigurado ka? Para ka kasing constipated. Masakit ba tiyan mo?" May pag-aalala sa boses niya.

Hindi ako okay. Gusto kong maglupasay kakatawa. Gusto kong sabihin sa kanya. Nagpipigil talaga ako ng tawa dahil naaaliw ako sa mga pinag-uusapan namin.

"Medyo sumakit nga ang tiyan ko—aww—di ba?" I better act good! Ramdam ko ang masakit na kurot ni Uryll sa tagiliran ko. "Aww!" Masakit talaga.

I still remember Uryll when he confessed his feeling to me... Para siyang uod na binuhusan ng asin dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. 'They can read your thoughts. Stop thinking!' He said.

Natatawang nagsasalita si Wina sa isip ko. Nakikisabay na rin ang dalawang lalake, 'Relate much Nathalia?' Panunuya ni Wina. Inakbayan ni Stanley si Wina, 'Paano nga ulit umamin si Uryll Naths?'

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon