WA [DR] 30 - The Jerk Just Smirked

65K 2.2K 1.3K
                                    

Tweet me @loys_dr with #WADR30. Your comments will be highly appreciated. Thank you!



WA 30 – The Jerk Just Smirked

"So basically, hindi lang kayo ang may mission." Nakangiting sinabi ni Wina.

May himalang nangyari ngayon dahil kumpleto kami sa tambayan. I thought I'll be alone for today but then, bigla na lang silang nagsulputan.

"League rin ba?" tanong ko.

Kaagad na umiling si Briz, "No. Parang training facility ang pupuntahan namin ni Wina." Sagot niya.

"Kasama ako doon." Singit ni Stan.

Napataas ang kilay ni Wina, "Talaga? Bakit hindi mo sinabi sa amin? Akala ko puro juniors lang ang kasama namin." She said.

Stan smirked, "Kanina ko lang din nalaman, eh. Ako lang ang ipinadala ng sophomore."

"Loner ka pala. Ikaw lang kasi." Natatawang sumingit si Rio.

Sinamaan siya ng tingin ni Stan at akmang hahampasin ng hawak niya, "Well, that explains na ako lang ang may pinakamalakas na Imaclum sa klase namin." Pagmamayabang niya habang nakataas ang dalawang kilay.

Sabay kaming napairap ni Xynthea dahil sa pagmamayabang ni Stan.

"May pinagmanahan nga naman." Bulong ni Wina sa tabi ko.

Minsan parehong-pareho ang inaasta ng magkapatid na Hutchinson. May instances na si Stan nagiging aburido at masungit. Kung ipagtatabi sila ni Uryll, hindi malabong pareho silang nakakunot ang noo.

Wina, Briz and Stan will be sent into a mission—like us. Pero hindi gaya ng pupuntahan namin ni Uryll. Ang sabi niya, parang training facility ang pupuntahan nila. Marami ring ipapadala na estudyante galing sa karatig bayan. They will enhance their Imaclums and will perform lots of activity. Hindi kagaya sa amin ni Uryll na aapak ang isang paa sa hukay. It's a matter of life and death para sa aming dalawa.

Nagkakatuwaan pa kami nang dumating si Miss Moore at Sir Borris. "Hi kids," Masayang bati ni Miss sa amin.

Nagtayuan kami para magbigay galang sa kanila. Naka pokerface na nakatitig si Sir sa amin—here we go again.

"Dito pala kayo tumatambay. Nice..." Ipinalibot ni Miss ang tingin sa paligid namin. "Anyway," Humarap siya sa aming dalawa ni Uryll. "Hihiramin ko muna kayong dalawa. May pupuntahan tayong importante." Sabi niya saka ngumiti sa mga kasama namin.

Nagkatinginan pa kami ni Uryll, pero nauna siyang umiwas at humakbang paalis na.

"Sige po." Pag sagot ko.

We bid our goodbye bago ako sumabay kay Miss.

"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Nakangiting binalingan ako ng tingin ni Miss Moore, "We'll go to Knerahm Market. Bibili tayo ng mga gagamitin niyo sa League."

Nagtuloy-tuloy lang kami hanggang sa umabot kami sa likod ng Revals. Sa pinakadulo no'n, may portal. Si Sir Borris na mismo ang nagbukas. Sabay kaming pumasok hanggang sa hatakin kami ng nakakalulang pwersa. Nilamon kami ng dilim at pagkatapos ng ilang segundo, nasa isang mataong lugar na kami. Nangangatog ang mga binti ko dahil sa nangyari sa loob ng portal.

Mahinang tumawa si Miss Moore, "You're not used to it, Nathalia?" she asks.

Napatango ako habang naghahanap ng makakapitan. "Wha—" Napatikom agad ang bibig ko nang maramdaman ko ang kamay ni Uryll sa baywang ko.

Oh—kay.

"Let's go." Matigas na tugon ni Sir Borris.

I grimaced. Medyo may pagkabalasubas din 'tong si Sir eh. Nang palakad na kami, napapasulyap ako kay Uryll. No reaction, Nathalia. I said to myself. Hindi niya inalintana ang kamay niyang nasa baywang ko. Medyo naiilang na rin ako kaya naman pilit akong humihiwalay sa kanya—pero ayaw niya talagang bumitaw.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon