WA 22 - What Exactly Happened?

75.2K 2.4K 770
                                    

Saw that you liked my previous update. How was it? Haha well, here's another one (though hindi naman masyado masakit to) mas malala ang next chapter. Enjoy! Comments will be highly appreciated ;)

CHAPTER TWENTY-TWO

WHAT EXACTLY HAPPENED

I don't know what to do anymore. I don't fucking know what the hell is happening to my life! Ang daming nangyayari. I am so wrecked. Ganoon ba ako kasama para parusahan ako ng ganito? I am no saint! Pero sana hindi ganito kahirap!. Tao rin ako. Nasasaktan sa mga masasakit na bagay. Hindi ako bakal na kahit anong gawing pagpukpok, hindi napuputol pero nababali lang.

He called me a monster and a murderer. That was a low blow to me. Uryll said it straight to my face. He actually said those! Damn it! It stings painfully.

I hate my life. Ayoko na sa buhay na 'to! I recalled everything what happened. Hindi ako marunong makinig. Kung ano ang sa tingin ko ay tama, ginagawa ko. I'm selfish like that. Damn, what have I done? Ang dami kong nasaktan sa mga naging desisyon ko.

I just walked away.

Ang sama-sama ko.

Lutang akong nagbalik sa Cisos. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa mga taong nandoon. Ginamit ng council ang ibang estudyante para lang makuha ko ang gusto ko. Hindi naman ako nagmamadali eh. Pwede naman akong maghintay hanggang may oras pa. Pero bakit ganoon? Bakit gusto nilang madaliin lahat? Bakit sa ganitong paraan pa kung saan alam nilang buhay ang nakataya.

Hindi ko nagustuhan ang pamamaraan ng council. Hindi ko alam kung anong mapapatunayan nila sa ginawa nilang 'yon. Wala naman silang mapapala sa akin. Kung ako ang sinasabi nilang makakaligtas sa lahat, paano ko naman gagawin 'yon? Ang alam ko lang naman ay ang ipahamak sila. They want to use me? Unlucky for them to have someone like me!

Arro... That fucking name is a virus to me. Dugo ko kailangan niya di ba? Edi sa kanya na kung yun ang ikakasaya niya! Ang dami niya pang ginugulo kasi.

I was walking lifeless when someone shouted my name from my behind.

"Nathalia!" Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses. And there I saw Xynthea with... Rio. Nakaramdam kaagad ako ng guilt pagkakita sa kanya. I remember Wina. Ano kaya ang iniisip niya ngayon sa akin? I know this is hard for him to see me. Habang 'yung kapatid niya nakaratay sa infirmary at walang malay... Dahil sa nangyari, alam kong alam niya kung ano talaga ang sinapit ng mga kaibigan niya at ng kakambal niya.

Hindi ako makatingin sa kanya kaya napatungo ako habang patakbong lumapit sa akin si Xynthea.

"Nathalia! Kailangan mong sumama sa amin. May mahalaga kaming sasabihin sayo." Hingal na hingal siya pero nagawa niyang masabi sa akin ang mga 'yon habang habol ang hininga.

Napasulyap ako kay Rio na nakatitig lang sa akin na walang emosyon.

He's mad. I know that.

Ganyan rin ang titig ni Uryll sa akin kanina. Puno ng galit at pagkamuhi.

"A-ano 'yun?"

"This is about you and your... family."

Napasinghap ako sa sinabi niya. "What about them?" when it comes to my family, alam kong hindi magiging maganda ang mga sasabihin nila. Alam kong tungkol na naman 'to sa pagkatao kong puro kasinungalingan.

I was raised to be a monster, at pati paniniwala ko ay gumulo lang dahil sa pag aakalang wala akong ibang pamilya maliban na lang sa mga magulang ko.. At ang akala kong napatay ko ang Papa ko dahil sa kagagawan ko rin ay tanging kasinungalingan lang din pala. Ilang taon akong nagdusa sa paniniwalang 'yon. Pero yun pala, ako lang ang walang alam sa totoong nangyari. Pinoprotektahan? Tangina! Hindi ko kailangan 'yon! Ang gusto ko lang ay ang mamuhay ng normal!

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon