WA [DR] 44 - Make Up Your Mind

52.1K 1.9K 792
                                    

One of my fave chapter. May magpaparaya ;)) Comments will be highly appreciated.

Please don't read UNSPOKEN or Silver Traces pa if you're not done with this. Kasi total spoiler yun. Haha feel the moment and let's enjoy the game.

Talk to me in twitter naman @loyysaa or 


WA 44 – Make Up Your Mind

Nagkakatuwaan sina Kuya Zed, Kuya Chip, Briz at si Papa sa sala. Naglalaro sila ng Bet-Match-Dare, iyong laro na may walong sticks. Ang dalawa magkatulad ang kulay—blue, yellow, green at red. Masyadong complicated ang laro na yan dahil kailangan mo munang pumusta bago mo i-hagis ang walong sticks na 'yon. Then you'll choose two colors that will match up, if you lose then you'll have to do the dare.

Sa tingin ko, si Kuya Zed ang nagiging talunan. Panay kasi ang bato ni Papa, Briz at Kuya Chip ng throw pillow sa kanya.

Napangiti ako habang nakatingin sa kanila, "Mukhang nag e-enjoy ang apat na 'yan, ah." Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Mama Ade sa tabi ko.

Napalingon ako sa kanya, "Oo ma. Kanina pa sila ganyan. Ang ingay nga eh." Sabi ko.

Inakbayan ako ni Mama, "'Yang papa mo talaga, nagiging isip bata na naman. Kita mo naman oh, nakikisali sa mga binata." Tumawa ako sa sinabi ni Mama.

"Ma, ganyan talaga si Papa. Hayaan na natin, baka pagpinakialaman pa natin baka tayo na naman ang pagbuntunan ng pagkapilyo niyan." Sabi ko at sumandal sa pader.

"Oo nga naman." Humagikhik si Mama. "Mabait ang kaibigan mo, anak." Untag ni Mama kaya napalingon ako sa kanya ulit.

"Si Briz po?" Tanong ko.

Tumango siya at itinuro si Briz at Papa, "Nagiging magkasundo na ang dalawang 'yan. Saka, kanina nang ipinakilala mo siya sa amin, alam ko nang mabait talaga 'yang si Briz." Sabi niya.

Hindi ako makapaniwala na ganoon nga ang nasabi ni Mama. I admit that Briz is cool. He's a good boy, may pagkapilyo man pero nasa lugar naman. Unlike Ury—unlike him. I wonder how's he right now... bahala na nga. Alam ko namang masaya siya ngayon dahil magkasama sila ni Daph. Bakit mo ba sila iniisip? Ang sarap manabunot ng sarili.

"Mabait po talaga siya... Siya nga po ang halos kasama ko sa school." Pag-amin ko.

Sumang-ayon naman si Mama sa sinabi ko. "Si Briz 'yong naabutan naming nagbabantay sayo sa infirmary nang dumalaw kami ng Papa mo. Ilang araw na pala siyang nandoon at hinihintay kang gumising..." I remember that. "... hindi nga lang namin siya nakausap dahil nakatulog siya sa paanan mo." Stan said that my parents visited me, and then when I woke up, si Briz kaagad ang nakita ko.

"Sigurado ka bang magkaibigan lang kayo?" Halos matumba ako sa tanong ni Mama, muntik ko pang masagi ang frame na malapit sa kinasasandalan ko... Lumawak ang ngiti niya dahil sa naging reaksyon ko. "Napaghahalataan ka anak. Ano? Anong score sa inyo?"

Anong score?

"Mama!" May halong panunuya kasi ang tono ng pagtatanong niya. Hindi ko naman mapigilang hindi mapasinghap at mag react sa tanong niya. "Ma, ano ka ba! M-mag... magkaibigan lang kami." Why am I stuttering? Goodness!

Mahinang tumawa si Mama Ade at tinapik ako sa balikat, "'Wag masyadong tense, nak. Ako ang nagluwal sayo, kaya ako ang Mama mo. Anak kita kaya kilala kita sa kahit anong aspeto. Sige, hindi ko na lang iisipin na may namumuong nakakakilig sa inyo... Basta kapag may progress, balitaan mo ako." Kumindat pa siya. Gusto ko siya itulak at irapan.

Mama talaga. Kung ano-ano ang naiisip. Napailing na lang ako habang iniisip ang mga 'yon.

"Ma, ikaw talaga. Nagiging kaugali mo na talaga si Papa. Kanina lang pinupuntirya mo kapilyuhan niya tapos ngayon ikaw 'tong dadak ng dadak ng kung ano-ano. Nakakahiya sa tao 'yang mga pinagsasabi mo ma."

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon