PROLOGUE

10.6K 338 10
                                    

Napangiti ako habang tinitignan ko ang isang bata na nasa lima o walong taong.

Nakangiti ang bata habang may sinasabi ang nanay nya sakanya.

Napakagandang pagmasdan.

Para sa akin, ang mga bata ang kaisa-isang liwanag at biyaya ng may kapal. At hindi ito maitatanggi dahil ang mga ngiti at tawa nila ang nagpapasaya sa atin.

"Uy!! Nasa Agusan na!! Agusan!!" Malakas na sabi ng kunduktor.

Ha?!

Nawala ang tingin ko sa mag Ina at pumara.

"Para! Para!!" Ani ko.

Pero mukhang hindi ako narinig kasi matulin parin ang takbo ng jeep na sakay ko.

"Para po!! Para!!" Paguulit ko at mas nilakasan ang boses.

"Uy! Manong si sister baba!!"  Sigaw ng babae sa unahan.

Mukhang narinig narinig yun ng driver kasi huminto ito.

"Salamat." Pagpapasalamat ko sa babae kanina na tumulong sakin.

Tumango lang ito sakin.

Matiwasay akong bumaba ng jeep.

Ako si sister Amelia. 18 years old at nakapagtapos ng senior high school sa strand na STEM.

Huminto ako sa pagaaral ng maaksidente ako at nalaman na, hindi ko kayang magkaanak.

Para sa babae. Malungkot yun.

Ang maging Ina ay nakikita ko sa kinabukasan ko simula bata pa ako. Mahilig ako sa bata, kaya nang nalaman ko yun ay parang gumuho ang mundo ko.

Kaya hindi na ako nagpatuloy sa college.

Pumasok ako sa semenaryo sa Davao at doon nanatili.

Ngayon ay kakabalik ko lang sa home town ko para makita muli ang pamilya.

Namimiss ko na kasi sila.

Napangiwi ako nang makita ang mahaba-habang kalsadang lalakbayin ko bago makarating sa amin.

Kahit na pagod sa byahe ay nagpatuloy ako sa paglalakbay.

Namimiss ko na sila mama at papa. Ako ang only girl sa aming limang magkakapatid at ako pa ang bunso.

Nang nalaman rin ng pamilya ko na hindi ko kayang magluwal ng bata ay parang nabulunan ng tinik. Hindi ko alam kung natuawa pa sila kasi sila ang nagpadala sakin sa semenaryo para paglingkuran ang Dyos.

I am a girl (obviously), tan, black ang hair above the shoulder, brown eyes and 5'2. My family is in the middle class. Our family owns a small bakeshop here in our barangay.

Normal lang naman ang buhay. Sementado ang bahay namin at may grills rin ang mga bintana. Ganun lang. Naka ugnay kasi ang bakeshop namin at ang bahay namin.

May sari-sarili naring pamilya ang mga kapatid ko. Kasi independent ang lahat. Nagsiasawahan na. 

Pero ang natira ay ang ang bunsong lalaki kong kuya. Hindi nya daw kasi maiwan sina mama at papa sa bakeshop.

Pagpasok na pagpasok ko sa barangay namin ay agad akong sinalubong ng mga tsismosa naming kapit bahay.

Napasinghap sila at tinignan ako ulo hanggang paa.

"Kay gandang dilag mo Amelia nag balik ka!!"

Ginawaran ko sila ng simpleng tango at ngiti.

Once A (COMPLETED)  Where stories live. Discover now