Chapter 8; Chaos

5.4K 226 3
                                    

Hindi ako makapaniwala, ang dami na talagang bumibili sa amin.

Napakasaya naman sa pakiramdam!!

Tinignan ko si Gigi na may kausap.

Kausap nya ang isang customer namin na tumatawad pa. Pero kahit ganun ay nakangiti parin si Gigi at pinapasensyahan ang customer namin.

Good job Gigi. Ang galing mo.

After that accident last week, everything is starting to go change.

Our Sweet'N Snacks is all over the City and it's really amazing na kahit umaga palang ay hakot na hakot talaga namin ang mga tao.

Hindi na kami inaabutan pa nang araw dahil kahit na madilim pa ay nauubos na ang paninda namin.

From muffins, biscuits, puff cream, cookies and cupcakes.

Gumawa rin ako ng brownies.

It's sweet, but not too sweet. Nagustuhan naman nang mga bata ang ginawa ko kaya sa tingin ko rin ay ganun rin sa iba.

At hindi nga ako nagkakalamali. Pero kahit ganun, there are also things that won't change. And that is the prices of our Sweet'N Snacks.

We sell it at the cost of 1 silver. And since then, everyone is getting interested to our business. Saan daw ako nakahanap ng mga ingredients, kung bakit daw ang mura- pag mga mayayaman ang bumibili. At may mga pagkakataon rin na may mga mayayamang nag aalok sakin para ibenta ang Sweet'N Snacks o ibebenta ko ang ingredients.

Napaka nga eh. Napakadami tuloy galit sakin na mga taga rito. Nasasapawan ko daw kasi sila. Kasalanan ko bang sumwerte lang ako dahil sa mga alitaptap ko?

Atsaaka tulad ng ginagawa ni Gigi. Pinagtya-tyagaan narin ang iba pang mga customer at mga kasama nilang nagbebenta rin sa Agora.

Inggit lang kasi ang nga ito.

Nakikita ko ang inis at pagmamakaawa ng babaeng gustong bumili. Bat naman sya ganyan? Bat naiinis sya? Sya na nga tumatawad diba?

Alalahanin nyo minsan, customer are not always right.

Lumapit ako at tinapik ang balikat ni Gigi.
Napalingon naman sika sakin. "Okay lang ba kayo rito Gigi?"

Nag aalalang tinignan ako ni Gigi. Sinulyapan ko naman ang babae. Ganun parin ang emosyon na pinapakita nya.

Waahh, grabe. Kahit pala na nasa Ibang mundo ako hindi mawawala ang makakapal ang mukha.

"Ikaw ba ang nakatalaga rito?"

Ay grabe si ateng! Pinilit kong ngumiti sakanya at bahagyang tumango. Stay punctual and patient.

"Magandang umaga po, ako nga po. Ano po bang gusto mong bilhin?" Mahinhin kong tanong sakanya.

Pero imbes na sagutin ako nangmatiwasay tulad ng ginawa ko sakanya.

Tinaasan ako nito ng kilay. Taray!

"Hindi ko alam bakit napa ka mahal ng iyong mga paninda eh puro lang naman maganda ang panglabas na pinapakita!"

Eh ikaw ba? Maganda nga ang panglabas mo ang baho naman ng loob. Napakasama nya magsalita.

Syempre pag maganda ang packaging at presentation nakakaakit ito sa madla, pero kahit kailangan hindi ko fine disregard ang lasa.

Wag nyong tuluran si ante masamang paguugali yon.

Gusto ko yung sabihin pero that's so unlady like. Kahit na hindi ako kilala ng mga tao dito, I can't just barge and say that you know?

Once A (COMPLETED)  Where stories live. Discover now