Chapter 3; SNS

7K 251 15
                                    


"Ma!!! Nandito ang mga bulaklak!!!"

Napalingon ako nang narinig ang magiliw na boses ng anak.

Magulo na ang suot ng mga anak ko at habang dala-dala ang mga halaman.

Ang sarap sa pakiramdam na may masabing anak, mayakap at mahawakan sila.

Unang nakalapit sakin si Yuna na hawak-hawak sa kaliwang kamay nya ang isang maliit ng paso na may San Francisco na halaman.

"Maa!!! Tignan mo! Pwede na po sa loob ng bahay!!!" Masayang sabi nito sakin habang kumikislap-kislap ang mga mata.

"Ma! Ito ma! Madami!" Lumapit ako kay Yuri at kinuha ang tatlong paso sa kanang kamay nya.

"Hinay-hinay lang Yuri. Ang dami na nito." Sabi ko at baba ng mga paso.

Nagpahanap ako sakanila ng halaman na pwede sa loob ng bahay.

Nag decorate kami at kinikilala ko ang mga anak ko sa paraan na gusto ko at gusto nila.

Ginulo ko ang mga buhok nila. Napanguso naman sakin si Yuri habang si Yuna naman ay parang masaya pa sa ginawa ko.

Natawa naman ako sa mga reaksyon nila.

"Salamat dito mga anak. Tiyak na mas aaliwalas pa ang loob ng bahay natin." Sabi ko at inakbayan ko silang dalawa.

Pinagmasdan namin ang bahay namin.

May malinis na flower garden at vegetables garden kami. May sapa rin sa getli tsaka punong nagtataasang ang nakapalibot sa bahay namin.

Fantasy nga kung fantasy.

"Oo nga mama! Mas naging malinis tignan at di na masikip!!!" Ani ni Yuna na always energetic.

Natawa ako sa kacutan ng mga bata at hindi ko mapigilang paghahalikan sila sa magkabilang pisngi.

"M-mama!! Hahaha!" Umiwas na sakin si Yuna at nauna nang tumakbo habang tinatawanan ang kapatid nyang lalaki.

"Ang gwapo- gwapo at ang gaganda naman ng mga batang to! Ang babait pa! Hulog talaga kayo nang langit kay mama!" Pinang gigilan ko ang pisngi ni Yuri.

At kung titignan ang reaksyon ng anak ko. Namumula ang mga pisngi nito at nakanguso pa nang kaunti at at ang kanyang magulong kulay gintong buhok ay nagpapadagdag sakanyang kagandang pisikal. Nakakasilaw ang kagandaan ng aking anak!

"Nakikiliti po ako mama!!"

Dahil nga dun tumugil na ako. Pinalapit ko narin si Yuna at tinignan naming tatlo ang munti naming tahanan.

Hindi ko man lubos na maalala ang mga pinagdaan ng dating si Amelia. Sisiguraduhin ko naman na babawi ako para sakanya.

Papasayahin ko ang mga batang ito, aalagaan na para bang galing sa sinapupunan ko. Mamahalin na para bang mga anak ko.

Amelia, wag kang mag aalala. Hinding- hindi ko sila papabayaan. Mag ingat ka kung nasaan kaman at mabuhay karin sana nang malayo sa peligro.

At speaking of these children. Hindi ko pa pala sila natatanong kung anong gusto nilang reward sa pagtulong nila sa akin.

"Mga anak, ano bang gusto nyong igantimpala ni mama sainyo? Hm?" Hinaplos ko ang ulo ni Yuri habang si Yuna naman ay tumingala para makita ako.

Haha. Cute.

Umupo ako para magkapantay kami nang mga bata.

Halata sa mga mata nang mga batang ito na hindi nila inaasahang gagantimpalaan ko sila.

Once A (COMPLETED)  Where stories live. Discover now