Chapter 7; Red Eyed

5.8K 237 12
                                    

Kinabukasan, successful ang pamimigay namin ng Sweet'N Snacks sa mga tao.

At nalaman ko rin na madaling araw pala buma byahe ang mga dugong bughaw rito sa amin. Kaya mas madami kaming mabebenta at madami rin kaming ginawam

Nakaplano na kasi yan, pag may bumiling maharlika ng mga minatamis ko. Tiyak na lalaki ang business ko.

Kaya kailangang magsipag at bumangon ng maaga para makabenta.

Pumasok ako sa kwarto ng mga bata.

Naabutan ko si Nina na kinukumotan sila.

"Lady Amelia."

Ngiti lang ang tugon ko sakanya at lumapit sa mga anak.

"Mag ingat kayong dalawa. Babalik rin si nanay." Hinalikan ko ang mga noo ng mga bata.

Nilingon ko si Nina bago ako lumabas ng kwarto.  "Bantayan mo sila Nina. Babalik rin kami ni Gigi."

Tumango sya sakin at yumuko.

"Masusunod po Lady Amelia."

Sinulyapan ko muli ang mga bata at napagpasyahang bumaba na.

"Sana po'y magawa nyo ang iyong tunguhin."

Pagbaba ko ay nakita ko agad si Gigi sa may pintuan.

Hawak nya ang aking maskarang natatakpan ang ilong at bibig ko. Kulay itim ito pero may desenyong rosas sa gilid.

"Lady Amelia nakahanda na po ang lahat."

Tinanggap ko ang maskara at inayos ko ito sa mukha ko.

"Ako na po Lady Amelia."

Pinahintulutan ko si Gigi, sya naraw ang mag aayos ng aking buhok.

Ayokong ibaba ang aking dilaw na buhok. Sinigurado ni Gigi na nakapusod ang aking buhok. Para malinis tignan at katulad ng sakanya.

"Maayos na po Lady Amelia."

"Salamat Gigi." Tinapik ko sya at nginitian.

Maayos na ang lahat. Handa na akong  umalis.

Ang oras ngayon ay 2;32 am. Napaka aga pa diba?

Pero mga madilim pa kasi dumadaan ang mga dayo, manlalakbay at maharlika sa bayan namin. Kaya dapat sulitin.

Tinignan ko ang Agora.

Woah. Ang daming tao rito.

May nakikita rin akong mga bata.

"Ohh! Dito ako pwesto ulit ah!"

"Tignan nyo may bago akong produkto!"

"Sana mapansin ang tinda ko."

Nilingon ko si Gigi sa aking likod.

"Ganito ba lagi ka ingay at kadami ang tao dito Gigi?" Tanong ko sakanya, palengke kung palengke talaga!

Napakadami talagang tao rito, may mga naka armor pa nga at naka cape eh. Medieval time din ang mga damit ito. Kumikinang- kinang pa oh.  Nakakatakot lang.

"Lady dito po tayo." Bulong sakin ni Gigi, sya na ang unang naglakad at sinundan ko lang sya sa kung saan kami pwe-pwesto.

Napapagitnaan kami ng nagbebenta ng alahas at nagbebenta ng tela.

Wala man lang mga silong ang nagtitinda. May sariling upuan lang ganun.

Papaano mag bebenta nyan kung ganun?

Once A (COMPLETED)  Where stories live. Discover now